Wounds to Heal

7 0 0
                                    

Ano pa ba ang dapat ipaliwanag?

Nakita ko na lahat ng pwede kong makita!

Anong pruweba pa ang kailangan, kung huling huli ko na sya?

Ang gusto ko lang naman maging totoo ka, pero sa lahat ng taong gagawa sakin ng ganito..

BAKIT IKAW PA?

**************************************************

Hindi ako nagdalawang isip na magtiwala sa kanya, sobrang proud ako dahil pinili ko sya.

Pinagmamalaki ko sya sa pamilya ko, sa mga kaibigan at sa mga taong hindi naman sya kilala.

Isa sya sa mga taong nagparamdam na hindi lang sa panlabas na anyo at materyal na bagay makikita ang tunay at makahulugang kaligayahan.

Hindi sya sobrang gwuapo kung ikukumpara sa iba.

Sa totoo nga pahirapan pa bago sya tanggapin ng buong pamilya. Hindi rin sya  sobrang yaman, isa syang seaman, kaya ayaw nila sa kanya.

Marami na kasi silang nabalitaan tungkol sa mga katulad nya ng propesyon! Hindi ko yun pinansin, pinatunayan ko na hinding hindi nya ko magagawang lokohin, wala naman din nagawa yung pamilya ko kasi mahal ko eh...

Pero tama pala talaga sila, unti unti kong nakita ang ugali nya!

Sa una lang pala sya OK, kung dati, parati nya ko sinasamahan sa kahit san man ako magpunta. At kahit bago sya sumampa sa barko nun, hindi nya ko nakakalimutan sabihan, parati kaming magkausap kapag nagkaroon sila ng signal.

Ngayon, ni hindi man lang nya tinatanong kung ano ang pinagkakaabalahan ko, kapag tinatawagan ko sya, at nagbabakasakaling meron ng signal sa location nila, hindi ko sya makausap ng matino, may gagawin pa raw sya at required sila mag overtime. Inintindi ko yun kasi hindi rin naman biro ang trabaho nya. 

Sobrang bait nya dati! Pero ngayon,, nagbago na sya!

Sa twing baba nya ng barko, lagi kami magkasama, pero parati nya naman akong pinapahiya sa harap ng mga kaibigan nya, sa harap ng kaibigan ko at sa harap ng ibang tao. Wala naman ako matandaan na may ginawa akong masama para magalit sya at maging ganun na lang yung trato nya!

Yung mga kaibigan ko, pinapayuhan ako na hiwalayan ko na! Kasi hindi na normal ang ginagawa nya, wag ko na raw hintayin na saktan nya ko physically. Tama na daw yung mga pasakit na pinaramdam nya.

Alam ko tama sila! Hindi dapat ako magpakatanga! Kailangan ko ng gamitin ang utak ko hindi puro puso. Pero pano ba ko magsisimula kung ganto yung nararamdaman ko, sobrang mahal ko sya! martir na kung martir! Pero sana mapagod na ko kakaiyak, para magkaroon na ko ng lakas ng loob para tanggapin na iba na sya.

********************************************************

Makalipas ang ilang bwuan ng hindi namin pagkikita at pag uusap! Nabalitaan ko nakababa na pala sya ulit ng barko, hindi ko man lang yun nalaman. Nagpunta ko sa kanila, pero hindi rin alam dun kung ano balita sa kanya!

Hay! pwede ba yun?

Nakita ko sya kanina, kasama ko ang pamilya nya!

May kasama na syang iba! Lahat kami nagulat nung lumapit sila samin at pinakilala yung kasama nya. Yun na pala ang bago nya! Ang saklap naman nun! Wala man lang pasabi! At ako naman tong si tanga,nakipagkilala pa na kaibigan nya!

Ang tanga ko naman! Sobra!

Ipinamuka na sa harapan ko and yet eto pa rin ako patuloy na umaasa! Gusto ko ng matapos toh! Sobrang sakit na..... T_T

Matapos ang eksenang yun, nagsorry ang pamilya nya sa ginawa ng anak nila. Pero bakit sila yung nagso-sorry, hindi naman sila ang gumawa ng masama sakin diba?

Sana maisip man lang ng anak nila na harapin ako, sabihin kung ano ba ang nagawa ko! Bakit kami humantong sa ganito? Ang sakit! sobrang sakit! masakit na mata ko kakaiyak! hindi ko alam, pwede rin pala tong magsugat, ang hapdi hapdi.. Sobra!

Sana sa paghilom ng sugat sa mga mata ko, kasabay nito ay ang paghilom ng sugat sa puso ko!

Isang sugat na akala ko hinding hindi ko mararamdaman sa kanya!

******************************** 

Thank you.

redplanner © 2012

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Hearts to Hear"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon