Akala ko panaginip lang at kailanman hindi na pwede mangyari
Kasama ko ang taong gusto ko makasama habang buhay.
Matagal kong pinangarap na parati lang syang nandyan,
Ipagtatanggol ako at kahit kailan ay hinding hindi pababayaan.
Paiiyakin ako di dahil sa sakit kundi dahil sa abo’t langit na kasiyahan
Sa lahat ng dinanas ko sa buhay, sa piling ng mga taong walang pakundangan
Mga taong walang ginawa kundi paasahin ako, na ako lang at kailan man
hindi titingin sa kung kanino man.
Maswerte ako at natagpuan ko na sya, isang tao na pinangarap din ako at ipinagdasal.
Kapag malungkot ako at hindi mapatigil sa pag iyak,
Hindi ko man sabihin na kailangan ko ng kausap, Sya ang kauna unahang dadating para dumamay.
Pupunasan ang mga luha ko at paulit ulit na sasabihin "Don't worry, i'm just here, I'll Stick Around"
Naaalala ko pa yung unang marinig ko ang mga salitang “I love you”
Walang mapagsidlan ang aking kaligayan. Hindi nya man hilingin na mahalin ko rin sya basta alam lang nya na andito ako at hinding hindi ko rin sya iiwan.
Sabi nya sakin, darating din ang araw na hindi na ko masasaktan,
Hindi na ako aasa at wala ng tao ang gagawa sakin ng mga bagay na hindi ko magugustuhan.
Napakasarap sa pakiramdam, na may tao na gagawin ang lahat mapaligaya ka lang, hindi maiparamdam sayo ang mga ayaw mo ng maranasan.
Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ng mga panahon na yun..
Isang taong hindi perpekto, isang taong minsan ng nagkamali at nanloko.
Isang taong handang magbago dahil alam nya ang pakiramdam ng maloko.
Ay sya pala yung gagawa ng paraan para lang mapatunayan sayo na patas ang mundo pagdating sa pagmamahal.
Akala ko wala ng magiging problema, pero katulad nga ng sabi ng iba,
Kapag may panahon na sobra mong saya, lahat yun pwede mabaliktad ng hindi mo nakikita.
Ito ang ayaw kong malaman, na nangyari pala ang lahat ng ito ng dahil lang sa pustahan.
Akala ko sa mga pelikula lang pwede mangyari yun, katulad ng napanood ko sa “Walang hanggan”
Pero maganda yung nangyari sa kanila eh, kasi yung sa pelikula,,, sila pa rin ang nagkatuluyan.
Masakit isipin na sa sobrang ingat ko na wag ng masaktan, hindi ko rin pala yun maiiwasan.
Lahat pala ng sinabi nya sakin, sinabi rin pala nya sa iba.
Lahat ng pangako at mga ka-sweetan, hindi lang pala ako ang nakaramdam!
Sabay sabay kami na pinaikot ng mahabang panahon para lang sa isang napakalaking pustahan!
Ang sama nya! Ang sama sama nya!
Masyado kong nabulag, at hindi ko man lang yun namalayan.
Akala ko TOTOO sya! Akala ko SYA na!
Lahat pala nang iyon ay puro kasinungalingan, isang panaginip na akala ko malapit na sa katotohanan!
Heto na naman ako, naiwang luhaan.
*********************************************************
Thank you for reading it.
redplanner © 2012
BINABASA MO ANG
"Hearts to Hear"
Cerita PendekCollections of different stories based on my imagination and based on my own observations.