Castle in the air

6 0 0
                                    

Hindi ba pwedeng Happy ending na lang?

Willing naman ako maghintay!

Kaya kong punuan yung percentage na nawala...

Sana hayaan mo ko.........

Sana pwede pa???

***************************

March 14, 2006

6yrs and 5months... Ganyan na kami katagal... Ang sabi ko sya na habang buhay. Ok naman kami

eh,, until one day she fell out of love. Hindi ko alam kung bakit nangyari yun. Yan pa rin yung parati

kong tanong sa sarili ko. Sabi nila mararamdaman mo na para sayo na ang isang tao, ng hindi mo

inaasahan. Hindi mo maeexplain kung bakit sya yung nararapat, kusa mo na lang

mararamdaman.

Alam ko sa sarili ko na sya na talaga, we even planned for our future. Kailan magsettle down, sino

sino ang invited, san ang reception, ilan ang magiging anak, etc. Pero may isang malaking

pangyayari sa buhay ko ang naganap. Nagkasabay sabay lahat ng problema dahilan na nawalan

ako ng time sa kanya.

Sabay nagkasakit ang magulang ko, lahat ng savings namin magkapatid naubos. Nawalan pa ng

trabaho ang kapatid ko, at ako naman malapit ng ma-end of contract. Kaya naman puspusan ako

sa paghanap ng magiging kapalit sa trabaho ko. Hindi pa kasi ko maregular sa agency na

pinapasukan ko, kada end of contract kasi, renew lang kami ng renew. Nagkataon pang isa pa ko

sa mga na-lay off.. Kung sinuswerte nga naman oh! Simula ng matanggap ako sa work kong toh,

night shift ako at ilang weeks na lang, endo na ko! so imbis na magpahinga after office,, magwwalk

in ako, along makati area lang din para malapit lang sa bahay na nirerentahan ko!

Ito ang naging dahilan kung bakit nawalan ako ng time sa girl friend ko, sabi nya naiintindihan

naman nya. Proud pa sya sakin kasi inuuna ko ang kapakanan ng pamilya ko, napaka

responsable ko raw na anak at hindi daw sya magtataka kung magiging responsable rin ako

bilang padre de pamilya.

After kong maendo, sakto naman natanggap ako sa bago kong trabaho. Unti unti naman ang

pag-galing nga mga magulang ko, ang kapatid ko naman nagkaron na rin ng trabaho. Laking

pasasalamat ko sa Dyos na nalampasan ko lahat ng ito. Buo pa rin kaming pamilya at andito pa

rin ang girl friend ko.

Ilang months ang lumipas, may panahon na ko ulit sa pinaka mamahal ko. Lagi kami

magkasama, masayang masaya na parang wala ng bukas.

Pag-uwi ko ng bahay pagka galing sa kanila. Nakareceive ako ng text sa GF ko, sabi nya.. bigyan ko

raw sya ng space. Gusto daw nya mag isip isip kung ano ba talaga yung totoong nararamdaman

nya.

Ang labo naman oh! kanina lang ok kami tas biglang gantoh? Ni walang bahid ng pagdududa

kanina, sobrang saya namin tas biglang gantoh? gaguhan ba toh? Pucha naman oh! Gusto ko ng

explanasyon pero ayaw naman nya makipag kita! Hindi ko man lang alam kung ano dahilan nya!

***************************

Hindi kami nagkikita, pero may communication pa rin kami.. Magkatext kami palagi, parang normal

lang, ang pinag kaiba nga lang, mag tatatlong bwan ko na syang di nakikita. Tuwang tuwa ako

nung nagset sya ng date para magkita at mag usap kami!

Yes! Finally... makikita ko na sya ulit! Excited ako!!!!!!!

"Kumusta ka na? Miss na miss na kita! Salamat naman nakipagkita ka na ulit! ^__^ "

"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa! Let's end this! Mahirap na para satin dalawa! Ayoko ng

mahirapan ka pa, Umasa! Kasi hindi ko na talaga magawang maibalik yung dati. Kahit araw araw

naman tayo magkatext, wala na talaga eh. Hindi na ganun ka-intimate yung nararamdaman ko!

Walang third party alam mo yan! Pero totoo pala yung bigla bigla mo na lang mararamdaman na

wala ng sparks, na gusto mo lang magstay kasi matagal na kayo! na sayang naman! Pero ayoko

ng lokohin sarili ko, ayokong lokohin ka, magpretend na OK, walang problema! Na normal lang...

kasi alam ko hindi na.. Alam ko mahirap toh tanggapin para sayo, pero sana maintindihan mo ko!"

Hindi ko sya maintindihan, pero wala na kong nagawa! Nagdesisyon na sya. At hindi ko

matanggap yung dahilan na yun. Umiyak ako inaamin ko, hindi ko mapigilan eh, hanggang sa

nakatulog ako nung gabing yun! Nung magising ako, nasa isang malaking kwarto ko!

Punong-puno ng bulaklak sa paligid!  Maraming umiiyak, at tuwang tuwa sa muling pag mulat ng

mga mata ko!

Hindi ko alam kung anong nangyayari,

Pero isang bagay ang nakakuha ng atensyon ko,

ang litrato at kalendaryo sa gilid ng hinihigaan ko

Ang babae na nakasama ko bago ko maimulat ang mga mata ko.

August 30, 2012

*******************************************

Thank you.

redplanner © 2012

"Hearts to Hear"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon