Chapter Two

129 18 8
                                    

Chapter  Two

 

HALOS manginig ang boung katawan ko nang marinig ko 'yung ingay mula doon sa kusina. Ayan na naman silang dalawa, nag-aaway na naman. Kahit nandito ako sa kwarto ay rinig ko ang kanilang mga sigawan. I heard Papa's voice shouting Mama. Nakaka-gulat, hindi kasi siya gano'n kay Mama. Bakit sila nag-aaway?

"Sige, lumayas ka na rito!" It's my Mama's voice. Ramdam ko sa boses niya ang lungkot, parang may ibang ibig sabihin ang mga sinabi niyang 'yon. "Lumayas ka na, iwan mo na kami ng anak mo!" Rinig ko pang sigaw ni Mama. Nang mapansin kong papalapit ang kaniyang boses sa kwarto ko ay agad kong niyakap 'yung teddy bear na hawak-hawak ko saka rin ako sumiksik roon sa pinaka-gilid ng kama.

"Ali?" tawag ni Mama nang pumasok siya sa kwarto ko. Naka-awang lang kasi 'yung pinto do'n kaya kahit madilim ay kitang-kita niya akong umiiyak sa gilid.

"Anak, are you okay?"

Lumapit si Mama sa 'kin saka akma akong yakapin pero agad lang akong umiwas rito. Iniwasan ko ang kaniyang mga yakap.

"Ali."

Sabay kami ni Mama na napasulyap roon sa tapat ng pinto at kita namin si Papa na naka-tayo. "Sumama na sa 'kin, anak." Nagulat ako sa mga sinabi ni Papa. "Lumayas ka na rito, Arthur." Saway ni Mama nang mapansin niyang pumasok na si Papa sa kwarto ko. "Bakit mo 'ko papalayasin, e, nandito pa ang anak ko." Sagot ni Papa sabay sulyap sa 'kin.

Ngumiti ito sa 'kin pero hindi ako umimik. Nanatili akong nakatitig sa kanilang dalawa. At ano naman ang ginagawa nilang dalawa rito sa kwarto ko? "Sumama ka na sa 'kin, Ali." Gaya ni Mama, inilahad rin ni Papa ang kaniyang kamay. Nginitian niya muna ako habang sinesenyasan niya akong abutin 'yung kamay niya. Pero gaya nung kay Mama, umiling lang ako saka ko ito iniwasan. "Sino ba ang mahal mo sa amin ng Mama mo, ha?" Nagulat akong biglang tumaas 'yung boses ni Papa kaya naman mas napaluha pa ako. He never shouted me, ngayon lang. "Sumagot ka anak, sino sa 'min ng Mama mo ang mas mahal mo? Ang mas pipiliin mo?" Muli niyang tanong sa 'kin na kahit si Mama ay napatingin sa'kin na para bang hinihintay ang isasagot ko.

"Kanina ka pa naka-tingin sa malayo, may problema ba?" Bahagya akong napabalik sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Nico sa tabi ko. Huminga ako saka ngumiti. "Wala, may naalala lang ako," sagot ko rito. Kita ko lang ang pag-taas ng mga kaniyang kilay na para bang hindi niya ako pinapaniwalaan. "Asus, sa tingin mo maniniwala pa ako sa 'yo? Ano nga 'yang nasa isip mo, baka maka-tulong ako." Umiling lang ako nang sabihin niya 'yon. "I'm fine, Nico," I answered.

"Okay, sinabi mo 'yan, ha." Muli niyang inayos ang upo niya saka niya rin inilaylay ang kaniyang paa doon sa ibaba. Nandito kaming dalawa ngayon sa rooftop ng building, sa kung saan una naming nakita ang isa't-isa. Umupo kaming dalawa sa pinaka-gilid na para bang wala kaming pake sa mangyayari na kung baka malaglag kami. Kasi sa tutuusin, isang tulak nalang sa 'ming dalawa ay maaari na kaming malaglag roon sa ibaba.

Kasalukuyang nagsi-uwian na ang mga estudyante kaya marami silang naglalakad doon sa ibaba namin. Pagabi na rin kaya naman nakakaramdam na ako ng lamig dito sa itaas. Napansin kong medyo tahimik lamang si Nico na naka-tingin roon sa ibaba kaya naman nagsalita nalang ako. "Anong strand ka ba? Hindi kasi talaga kita nakita dati?" tanong ko sa kaniya. Sumulyap si Nico sa 'kin saka ngumiti. "Bakit mo natanong?" tanong niya. "Ikaw nga pala tanong sa 'kin, tapos ngayon na ako naman, kinu-kwestiyon mo pa," katuwiran ko. Natawa siya roon. "STEM student ako, itong building kasi na 'to, HUMSS diba? 'Yung building ko ando'n." Tinuro niya 'yung isang school building doon sa dulo, sa direksiyon kung saan malapit 'yung school gate. Tumango naman ako. "Eh, kung gano'n, ano ang ginagawa mo rito sa building that time nung nakita mo 'ko rito?" Muling usisa ko. "Bakit ka ba tanong nang tanong?" pag tawa niya. "I'm just curious, it doesn't make sense," pag lilinaw ko.

Sunsets On The Rooftop [complete] (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon