Chapter Ten

82 13 8
                                    

Chapter Ten

 

Napangiti ako habang nag t-type sa laptop ko. Paminsan-minsan ay kumukuha ako ng cookie sa plato na katabi ng laptop ko saka ko ito kinakain.

Ilang araw na rin simula noong nangyari ang mga eksenang 'yon dito sa loob ng apartment. Mag-iisang buwan na rin akong naka-tira sa inuupahan naming apartment kasama ang parents ko.

Nagpatuloy pa rin ako sa pag-aaral pero hindi ako pumapasok, pinapadalhan lang ako ng school ng mga modules at activities na puwede kong gawin na hindi na kailangan pang pumunta sa school. Alam na rin kasi ng school ang tungkol sa 'kin. My classmates called me one time, kinakamusta ako, noong una ay nagdadalawang isip pa akong makipag-usap sa kanila kasi sa totoo lang, ito ang pinaka-una kong pakikipag-halubilo sa kanila. Hindi naman sa ayaw ko sa mga kaklase ko kaya hindi ako lumalapit, siguro dahil hindi lang talaga ako sanay sa mga tao.

About Jammy, wala na akong narinig tungkol sa babaeng 'yon. Balita ko nasa boarding house pa rin siya naka-tira. Gusto ko sana siyang bisitahin doon kaso masyadong malayo at dahil rin sa sakit ko ay pinag-higpitan ako nila Mama na lumabas ng bahay. Well, hindi ko naman sila masisisi kasi nag-aalala lang sila sa 'kin.

"The end," pag-basa ko sa aking sinulat. Dahil sa sobrang kabagotan ay naka-gawa ako ng isang novelette. Nakaka-tuwa nga dahil ang kwentong mga isinulat ko, tungkol ito sa isang babae na bulag at sa lalaking naging mata niya. Though, hindi naging masaya ang katapusan ng kwento dahil ang mata ng lalaki ay 'yon ang dinonate sa babae para siya maka-kita. Habang sinusulat ko ang kwentong 'yon ay hindi ko mapigilang maalala si Nico. Parang kaming dalawa 'yung nasa kwento. Ako 'yung babaeng bulag, bulag na makita kung gaano kaganda ang buhay habang si Nico naman ay ang taong naging mata ko sa malungkot na mundo, sinasabi niya sa 'kin na kahit panget at unfair ang mundo ay mayroong magandang parte pa rin nun at 'yon ang mabuhay.

At kagaya noong nasa kwento, Nico gave his eyes to me para ako na mismo ang maka-kita at maka-ranas kung gaano ka-ganda ang mabuhay tulad nang mga sinabi niya.

"Hi, Doc!" Masaya kong bati kay Doktora Marisa nang maglakad siya papasok sa opisina niya.

"Ali, good to see you again," naka-ngiti niyang sabi rito saka siya umupo sa kaniyang swivel chair. Naka-upo ako sa isa sa mga upuan na kaharap ang kaniyang desk. "Kamusta ka na, hija?" tanong niya sa 'kin. Nginitian ko si Doktora. "Ayos na po ako," sagot ko sa kaniya. Tumango ito saka pasimple akong nginitian. "Mabuti naman, iniinom mo ba regularly 'yung mga niresita kong gamot?" tanong ni Doktora. Tumango lang ako saka muling ngumiti. "Opo, maganda na rin ang tulog ko tuwing gabi, saka iniiwasan ko rin talaga ang ma-stress," kwento ko. "Good then, Ali." Tumango ito.

"Oh, ‘di ba sabi ko sayo makakaya mo," natutuwang sabi ni Doktora dahilan rin para matawa ako. "Bakit naman hindi. E, kung tutuusin wala lang 'to. Sa dami pa naman ng problema ko, parang baliwala na lang 'to," kwento ko naman kaya naman nag hagikhikan lang kami ni Doktora. Marami pa kaming pinag-usapang dalawa hanggang sa mag-paalam na ako sa kaniya. Lumabas ako ng kaniyang opisina. Naglakad ako sa hallway ng hospital, marami akong nakikitang mga taong may sakit kahit saan ako lumingon, may ibang naka-upo sa kanilang wheelchair habang tinutulak ng mga nurses.

Hindi ko tuloy maiwasang magpasalamat sa Diyos na hindi ako nakaranas ng ganiyan. Kita ko ang pagka determinado nilang gumaling para mabuhay pa, habang ako naman dati na kahit sobrang lusog na, walang sakit, pero gusto nang mamatay.

Noong una, akala ko talaga walang kwenta ang pagka-buhay ko sa mundo, at 'yon ang pagkakamali ko. Lahat ng tao ay may iba't-ibang rason bakit sila nabuhay sa mundo but one thing's I'm very sure of. The purpose of life is to live it.

Sunsets On The Rooftop [complete] (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon