Palagi mo na ako pinapasaya,
palagi ka nandiyan para sakin,
minsan pagwala ka namimiss kita.
i couldn't believe it at first,
yun kaibigan kong di ko malaman kung kaibigan ko ba o kaaway ko
some things actually changed—
i changed the way i look at you now,
you smile at me when you talk to me now,
you are nice to me na
we are actually pretty close na? dati iniignore mo lang ako.
iniignore lang din kita,
kasi wala lang.
wala lang tayo sa isa't isa.
dati ayaw mo sakin,
but some things didn't change at all—
lagi mo pa din akong inaasar,
lagi mo pa din akong tinuturan sa math kahit mas matanda ako sayo -_-
di mo pa din ako tinatawag na ate (you disrespectful bastard)
kaibigan mo pa din ako.
kaibigan mo lang ako.
And so it continued
our friendship continued,
so does my feelings—
it continued to grow.
or siguro naattach lang ako sayo,
masyado akong nasanay na nandiyan ka palagi.
nagbago ka sakin and maybe that's the reason na nagulat ako
nanibago ako.
sweet ka pala.
caring ka pala.
ganyan ka pala.
you know kung gaano ako kaantukin and remember that first time?
galing tayong long drive para mamahagi ng relief goods.
tapos di pa ako umuwi non,
pinagiisipan ko pa kung sa bahay ba ako ni Charles o kung saan tutuloy
but
pinatuloy mo ako sa bahay mo,
paghatid satin ng parents mo,
iniwan nila tayong dalawa.
tayong dalawa lang non sa bahay mo.
i helped you set up your house kasi mamaya may activity sa bahay niyo.
i remember that you remembered how much i loved smells
and you sprayed an air refreshener sabi mo sakin "mabaho kasi"
bigla akong inubo.
di kasi ako makahinga gamit ilong ko dahil sa sipon ko,
so yung mouth ko yung ginamit ko panghinga
and you said "ano ba yan, ilong kasi pinanghihinga"
i don't know, ganyan ka naman lagi.
lagi mo ako sinesermonan kahit mas matanda ako sayo.
ewan ko sayo.
i felt your love and care for me kasi kaibigan kita diba?
you remember little things i like,
little things i do,
little things i say.
and i do remember yours too.
ganon naman siguro?
kasi kaibigan kita?
o kaibigan mo lang ako.
magkaibigan lang tayo
hindi ko alam paano sasabihin sayo na
ang saya saya ko pagkasama kita,
yun tipong kahit na alam kong sasaktan mo lang ako,
kahit na nasaktan mo ako—
masaya pa din ako sayo.
hindi ako marupok,
at kaya kitang tiisin.
hindi naman sa nagmamatigas ako,
pero kasi alam kong masasaktan mo din ulit ako.
kasi dating wala ka lang sakin,
ayokong maging wala ka ulit sakin.
masaya ako na naging kaibigan kita,
salamat ha? you're there for me.
kahit na di mo alam ano yun totoo kong nararamdaman sayo,
you're still making me happy.
diba, kaibigan?
kasi yon lang ang dapat kong hingin sayo.
yon lang din mahihingi ko sayo,
ayoko umamin sayo,
di ako aamin sayo.
syempre, ako pa?
bat ko aaminin?
pero ikaw, masaya ka ba saakin?
masaya ka ba sa pagkakaibigan natin?
were you as thankful as i am because we became friends?
i didn't wanna ask you that,
i didn't even wanna think about that.
kasi natatakot ako.
natatakot ako baka kasi hindi.
baka ako lang masaya..
baka sa likod ng mga ngiti at tawa mo hindi mo pala nararamdaman na totoong masaya ka sakin.
pero kahit na,
at least naging kaibigan ko yung taong wala lang sakin.
YOU ARE READING
Wala lang.
RomanceMy world. was just empty and all of those stagnancy but you came and changed it all. I didn't mean to but I think I fell for you, fell for those eyes, fell for those laugh, fell for your smell, just the simplest thing you posses. We were nothing bef...