Chapter 2

150 12 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Yashi! Yashi" Unti unti kong minulat mata ko at nakita ko si riza

"Uh r-riza ikaw ba yan? Ano nangyari asan ako? "  tanong ko, sumasakit pa din ulo ko wala ako gaanong maalala

"Nawalan ka ng malay kagabi, may tumawag sakin na lalaki gamit cellphone mo sabi niya andun daw kayo sa ilalim ng puno sa likod ng cafe nawalan ka daw malay kaya pinuntahan kita agad" lalaki?  Wait si brayden, napabangon ako bigla at napalingon sa paligid andito naman ako sa apartment ko

"Asan siya?  Ikaw lang nagdala sakin dito? Nananaginip ba ako ngayon"   kitang kita ng dalawang mata ko na may hawak na baril si Brayden nakatapat sa matandang lalaking wala ng malay halatang wala ng buhay,  mga 30+ na siguro yung matandang yun. Bigla akong pinalo ni riza

"Ano ka ba, anong panaginip halatang di ka pa okay ano ba nangyari kagabi? Tsaka yung lalaking yun nagdala sayo dito, di kita kaya gaga pagdating ko dun sa ilalim ng puno sabi niya bigla ka daw nawalan ng malay tapos nakita niya cellphone mo nalaglag pagka-bagsak mo, ako daw nasa unang contact mo kaya tinawagan niya ako buti nga daw may load ka, muka namang mabait yung lalaki kaso di ko nakita itsura naka jacket siya at hood tapos naka-salamin parang ayaw niya pakita itsura niya eh tapos ayun sabi ko eto lang sa gilid yung apartment mo sabi niya siya nadaw magdadala"

Ako nawalan ng malay? Pero pano? Ang huli kong naalala hinawakan ata ako ni brayden sa braso ayun lang di ko na alam susunod na nangyari? Why was he even wearing a jacket and hiding his face that time? Diba pagkita ko sakanya kagabi naka pure tshirt lang siya or baka iba na yung taong kinekwento ni riza but I swear si brayden talaga yung nakita ko kagabi

"Riza matangkad ba yung lalaking nagdala sakin dito?"  kasi si brayden baka hanggang dibdib lang niya siguro ako or balikat

"Oo eh, baka hanggang leeg or dibdib niya lang tayo"  so there's possibility na it's brayden pero madami naman ding lalaking ganun katangkad sakanya,  arghh I'm confused

"Riza pagdating mo ba dun kaming dalawa lang yung tao? Wala na bang iba sa ilalim ng puno? "   asan kaya yung matandang wala ng buhay

"wala na bakit? wag mo sabihing nirape ka nung-----"

"Baliw hindi, tinulungan na nga tayo tapos ganun pa tingen mo grabe ka hah"

"Oo pwede din pero kanina ka pa mukang malalim iniisip? Ano ba talagang nangyari kagabi may problema ba? "

Should I tell about what really happened? Na yung kaklase ko nakita kong may hawak na baril tapos may pinatay sa harap niya?  Ayaw kong paniwalain sarili ko na si brayden papatay pero kasi pagkarinig ko ng putok ng baril sakto din na nakatutok ung baril ni brayden sa lalaki

"Yashi? "

"Ah wala naman,  inaantok pa kasi ako eh anong oras naba?"  tanong ko

"6:30am"  tapos binuksan niya kurtina at bintana sikat na nga yung araw, hala umaga na nga hindi man lang din ako nakapagpray kagabi pati ngayong paggising dahil sa trauma ko kagabi

The power of True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon