Dali dali ako napabangon ng makaramdam ako ng basa sa hinihigaan ko, yung buhok ko basang basa din. Nagdasal muna ako at pagtapos napansin ko na sobrang lakas pala ng ulan, may tumutulo at butas nga pala tong bubong neto, tinignan ko cellphone ko 108 unread message sa gcwoooo guys signal #2 tayo.
Walang pasok orayt.
ingat kayo baka malunod si yashi.
Bakit nadamay nanaman ako, napansin ko din na naka-kumot ako eh hindi naman ako nagkukumot, pati mga kalat at plato ko malinis halos lahat pati basurahan walang kalat. Nilihis ko ng konti yung higaan ko at tinapat yung timba sa tapat ng tumutulo galing sa bubong"Goodmorning yashi" biglang sulpot ni riza sa kabilang pinto kung saan yung daan at shortcut sa cafe "Woah himala ang linis ng apartment mo ngayon, anong sumapi sayo at ganito kalinis pagkakalinis mo, himala ah kahit isang kalat wala akong makita" nagbibiro ba tong babaeng to
"Hoy riza wag nga ako, ikaw lang naman naglinis dati ng apartment ko wag mo sabihing hindi ikaw tapos inutakan mo nanaman ako tignan mo" tinuro ko yung nagiisang plastik nalang ng cady. "Nawala yung isang plastik ng candy eh 30pcs laman nun, wag ako hmp"
"Huy seryoso ngayon lang ulit ako pumasok dito baka totoo sinasabi nila na may bata sa apartment na to"
"Heh, wag nga ako ikaw lang yun! Di ko na nga pinapatay ilaw pag natutulog ako eh pero oo nga pala bakit nakapatay din ilaw?" tanong ko
"Ewan ko sayo yashi, wag mo din ako takutin baka may magnanakaw lang na nakapasok dito akala niya may mananakaw siya pero pag pasok basura pala makikita tapos inayos na niya tong apartment mo at nakakahiya naman daw sayo tapos nakita candy ayun nalang kinuha kesa masayang effort niya o diba? " aray sa basura pero hmm may point din si riza pero ang weird naman ng magnanakaw na yun
"Pwede din, pero ang bait naman ng magnanakaw na yun" natawa lang kami ni riza at nagkwentuhan, wala din daw kaming trabaho ngayon sabi ng manager namin magpahinga daw muna kami kasi wala din pasok mga bata at umuulan naman, kaya dito nadin daw muna tumuloy si riza para makipagkwentuhan. Maya maya bigla din pumasok dito si Sir Merwin yung manager namin
BINABASA MO ANG
The power of True Love
Подростковая литератураBrayden Anderson is a hopeless person who have experienced miserable things from past which made him realize that there is no god and he fears nothing, until she met this girl name Yashi Adler who is kind and faithful to His Almighty GOD Father. Wha...