Permanent Smile

3 0 0
                                    

"Next... Ms. Lo." Mariin na tawag ng photographer sa akin dahilan para pumunta ako sa harap ng klase. I didn't bother making myself look presentable, I let my dark hair cover my whole face. "Excuse me? Ayusin mo ang iyong buhok."

Hindi ko siya sinunod at tinitigan ko lang ang camera na nasa harap ko. Kahit hindi ko siya sinusunod ay hindi pa din niya ako kinuhaan ng picture para sa ID. Dahil siguro sa pagka-inip ni Chriza Lopez, Queen Bee ng eskwelahan, ay inagaw niya ang suklay at ponytail ng mga Babae na nasa likod niya.

Mahigpit niyang hinablot ang aking buhok at sinabunutan ako. Dahil isa ako sa mga weird kids sa eskwelahan na ito, wala akong nagawa para ipagtanggol ang aking sarili. Hindi ako natatakot sa kaniya o sa kahit sino man na kaklase namin na pwede din akong sugudin once na saktan ko siya pabalik, natatakot ako sa kapangyarihan na meron siya. Bukod sa Queen Bee siya sa eskwelahan na ito ay ang pamilya niya ang pinaka-makapangyarihan sa buong siyudad.

"Do it fast!" Inis na sigaw niya sa akin nang bitawan niya ang aking buhok. Sinampal niya ang kaniyang hawak na mga bagay sa pisngi ko. Bilang utos-utosan, sinunod ko ang kaniyang pinapagawa. Inayos ko na ang aking buhok dahilan para makita na ng lahat ang aking mukha.

"Oh my... She's so pangit!"
"Hala! Ang laki ng peklat niya sa mukha!"
"Napaka-kadiri naman ng mukha mo!"
"Kaya pala tinatago niya mukha niya... ang pangit niya kasi."
"Ew!"

Kaunti lamang iyan sa mga masasakit na salita na aking narinig. Hindi ko na napigilan ang luha ko at kusa iyong tumulo. Lalo naman lumakas ang tawanan nila.

"Iyakin!"
"Tss. Akala mo naman may maaawa sa kaniya."
"Yuck!"

Pinunasan ko na ang luha ko gamit ang likod ng aking palad. Huminga ako ng malalim bago humarap muli sa camera.

"Okay, Ms. Lo. Give me a big smile." Utos muli ng photographer pero 'di ko ginawa. Hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil sa hindi ko alam kung paano.

"Uy! Ngingiti siya!"
"Kahit ngumiti pa 'yan, hindi na gaganda 'yan."
"Kadiri!"

"Ano ba, Ms. Lo? Bakit hindi ka pa ngumingiti? Inuubos mo ang time!" Galit na sigaw ni Mrs. Villa. Sinubukan kong ngumiti ngunit parang walang nangyari.

"Hindi ako nakikipag-laro dito, Ms. Lo! Bilisan mo na!" Sigaw ng photographer kaya nakaisip ako ng paraan. Pinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng aking palda at nilabas ang aking most priced possession, ang aking cutter. Umatras ang lahat ng mailabas ko ito ng buo.

"I'm not planning to hurt anyone." Mahina kong saad bago ipasok ang kaunting parte ng bakal. Dahan-dahan kong hiniwa ang aking pisngi sa pormang pa-ngiti upang hindi ako mahirapan gawin iyon.

Kasabay ng agos ng aking dugo ay ang agos ng aking luha. Nang matapos ko ang una kong pisngi ay bigla akong nakakita ng flash.

"N-next. Ms. Lopez." Nanginginig na saad nung photographer.

"Are you happy now, Chriza?"

Lannisiel Lo.

Short Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon