"Have you taken your medications?"
"Nakaka-ilang gamot ka na?"
"Hoy! Uminom ka na nga ng gamot!"
"Kumain ka na ba?"
"Anong gusto mong kainin?"
"Parang awa mo na, kumain ka na ng makainom ka na ng gamot."Ilan lang 'yan sa mga salitang narinig kong lumabas sa bibig ng pamilya ko. Sa totoo lang, rinding-rindi na 'ko sa mga tao. Kesyo ganito dapat kong gawin, kesyo ganiyan.
I'm too tired of people's shit!
"Kakain ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Papa pero hindi ko siya sinagot. Pumikit lang ako at nag-panggap na hindi ko siya narinig. Dahil suot ko ang earphone ko ay inisip niya na hindi ko talaga siya narinig.
Umalis siya sa harap ko at sumilip sa kwarto ng kapatid ko. Binaliwala ko na siya at nagpatuloy lang sa pakikinig ng kanta.
Matutulog na sana ako nang bigla akong nakarinig na malakas na yabag.
Here we go again...
"HOY, ELISIER! GUMISING KA D'YAN AT KUMAIN KA NA!" Galit na sigaw ni Ate Yasuo pero hindi ko siya pinansin. Ayokong makinig sa mga sumbat niya. Na kesyo nagsasakirpisyo din sila at ako ang hindi nakiki-cooperate. "ABA!"
Bumuntong hininga ako bago idilat ang aking mata. Tinignan ko siya ng walang emosyon kaya lalo siyang nagalit.
"ANO? GANIYAN KA NANAMAN?" Iritadong sigaw niya sa akin kaya nag-kibit balikat ako na parang walang bago sa nangyayari. "WALA KANG BALAK MAKINIG SA'KIN?"
Sinagot ko siya ng iling kaya halos patayin niya na 'ko gamit ang titig niya.
"YASUKI!" Mariin na sigaw niya kaya na-alarma ako.
"Ito na! Ito na! Kakain na!" Nag-mamadali kong sigaw kaya nagkaroon siya ng ngisi sa labi.
"Bibigay din naman pala..." Mahinang saad niya bago dumating ang bunso naming kapatid. Nakasukbit sa batok nito ang kaniyang headphone at tulalang naka-tingin sa amin.
Hindi siya nagsasalita pero ramdam ko ang pag-titig niya sa akin. Hindi ko magawang tingnan siya. Nahihiya ako sa lagay kong 'to.
Simula nang magkasakit ako ay naging mailap na siya sa'kin... sa'min. Lalabas lang siya ng kwarto niya kapag nagugutom siya o kapag tinatawag siya.
Pansin ko iyon ngunit hindi naman pansin ng iba naming kasama sa bahay. Hindi ako sanay sa mga kinikilos niya. Alam kong may mali sa kaniya pero hindi siya mabigyan ng atensyon dahil sa akin.
Nang dahil sa sakit na meron ako, nawala na ang Yasuki na inalaagan at minahal ko.
"Ihanda mo ng pagkain ang Kuya mo." Utos ni Ate kaya dali-daling umalis si Yasuki.
"Tita Becks! Kakain na daw pasyente mo!" Malakas na sigaw ni Yasuki bago ko marinig ang pagsara ng pinto ng kaniyang kwarto.
Mabilis ding naka-punta si Tita sa kwarto ko at inayos na ang aking hapag. Habang sila sa lamesa nakain, ako nasa kwarto lang at ginagawang lamesa ang bangko.
Hindi kami ganoon kayaman para mabilhan nila ako ng mini table na pwede pagkainan. Umaasa lang din ako sa libreng gamot na ibinibigay ng hospital sa akin. Kahit allowance eh sa hospital din galing.
"Ano? Hindi ka pa kakain?" Tanong ni Ate na may halong pagbabanta. Kahit ayaw ko ay kumain na 'ko. Nasa pangatlong subo na 'ko ng tumigil ako sa pag-kain.
Wala talaga akong gana kaya nilapit ko sa kaniya ang pagkain ko. Dahil maligaya na siya, kinuha na niya ang kinakainan ko at inabot kay Tita.
Sunod niyang kinuha ang mga gamot na dapat kong inumin. Pilit kong inilalayo sa'kin 'yun ngunit binibigay niya pa din sa'kin.
"A... ako na b-bahala di...to." Hirap na hirap kong saad kaya iniwan niya sa tabi ko ang lahat ng gamot ko. Sinara na niya ang pinto pero hindi pinatay ang ilaw.
Humiga muna ako bago simulan buksan ang mga gamot ko. Binuhos ko lahat ng laman ng unang bote sa kamay ko bago ihulog ito sa sahig. Kinuha ko ang pangalawang bote at ginawa din ang una kong ginawa.
Siguro kapag ininom ko 'tong lahat ng sabay-sabay eh bigla akong gumaling... Tama! Tama!
Walang dalawang pag-iisip eh pinilit kong pagkasyahin sa bibig ko ang lahat ng gamot na nasa kamay ko. Kinuha ko ang baso kong puno pa din ng tubig at tinungga iyon para mapadali ang pag-lulon ko.
Wait ka lang, Yasuki, gagaling na si Kuya...
Nilapag ko ang baso sa tabi ng ulunan ko at isusubo na muli ang natirang gamot sa aking kamay ng sumakit ang ulo ko. Nag-umpisang kumirot ang sikmura ko at bago pa man ako makasigaw upang humingi ng tulong ay nakakita ako ng liwanag.
Nakita ko si Mama at parang inaaya niya akong umalis. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi na 'ko makalakad ngunit nang hilain niya ako ay nakatayo ako ng tuwid.
Dahil sa gulat at tuwa, niyakap ko si Mama at parang nag-iba ang paligid namin. Ang huling ala-ala ko na lang mula sa bahay ay ang mukha ni Yasuki na sumisigaw habang naiyak.
"Don't leave me!" Ayan ang sinisigaw niya habang inuuga ang katawan ko. Gusto ko siyang lapitan at yakapin ngunit huli na ang lahat.
Namatay na ako dahil sa overdose.
—Elisier Valdez