Hottest Girl in School

3 0 0
                                    

"Aphrodite Carter, will you be my Goddess?" Naka-ngiting tanong ni Sethlans sa aking half-sister na si Dite. Bago pa man siya sagutin ng aking kapatid ay lumingon si Dite sa akin na may ngisi sa labi. Bumalik ang atensyon nito kay Lans at nag-peke ng sweet smile.

"As long as you're my Love, Seth." Sagot ni Dite bago hilain patayo si Lans. Halos bumigay ang tuhod ko nang bigla silang mag-halikan sa gitna ng field ng eskwelahan namin. Nag-simula mag-hiyawan ang mga estudyante sa paligid namin. Kahit sa sobrang ingay ay may narinig pa din akong usapan ng mga estudyante.

"Ang suwerte naman nitong si Seth, girlfriend niya ang pinaka-Hot at Sexy na Babae sa buong school." Narinig kong bulong ng katabi kong Lalaki.

Hottest Girl in school, huh?

Sa sorang pag-iisip ko ay hindi ko na napansin na nakalapit na pala sa akin sila Lans. Napaka-laki ng ngiti nito at nalulungkot ako dahil hindi na ako ang ibig sabihin noon.

"Athena? Huy! Nakikinig ka ba sa'kin?" Kinikilig na tanong sa akin ni Lans. Iling na lamang ang sinagot ko sa kaniya habang nakatitig pa din sa kaniyang mukha. "Sabi ko, camping tayo mamaya kasama si Dite. Let's celebrate."

Sinagot ko na lang siya ng tango bago mag-walkout dahil alam kong ayun lang ang gusto niyang sabihin sa akin. Lumayo na ako sa lahat ng tao at umuwi na sa bahay. Dumiretso ako sa aking kwarto at inubos doon ang aking luha.

Nang matapos akong umiyak ay hapon na. Naligo ako ng saglit at nag-handa na ng aking mga kailangan para sa aking plano.

Humanda ka sa'kin, Dite...

Pagkatapos kong ayusin ang lahat ng aking kailangan ay may kumatok na sa pinto ng aking kwarto. Binuksan ko iyon at nakita ko ang pagmumukha ng aking half-sister. May ngiti siyang wagi at parang gusto akong asarin gamit iyon.

Alam niyang gusto ko si Lans at dahil siya ang gusto ni Lans at hindi kami close ay ginamit niya ang Lalaking mahal ko. "Done yet, Athena?"

Nag-timpi ako kahit gustong-gusto ko na siyang saktan sa oras na mga ito. Pinanlisikan ko siya ng tingin bago kuhain ang bag ko. Sabay kaming umalis ng bahay at nag-hintay para kay Lans.

Hindi naman nagtagal at dumating na ito. Halos madurog ang puso ko ng halikan ulit siya ni Dite.

"Tara na. Excited na 'ko mag-camping kasama si Dite." Mabilis na aya ni Lans sa akin at hindi man lang ako tinulungan dalhin ang gamit na dala ko. Mas inuna niya pang alalayan ang kapatid kong ginawa akong yaya na sa akin pa pinadala ang mga gamit niyang pagkarami-rami.

Kahit nabibigatan, pilit akong tumakbo papunta sa kotse ni Lans. Pinasok ko ang lahat ng gamit sa compartment bago sumakay sa backseat dahil inokupa na ni Dite ang dati kong pwesto.

Hindi naman matagal ang biyahe at nakarating agad kami sa aming camping ground. Medyo malayo ito sa ibang mga nagka-camping dahil dito talaga ang pwesto namin ni Lans. Dahil busy sila mag-landian, ako na ang nag-ayos ng tutulugan namin.

Nagtayo ako ng dalawang tent dahil tig-isa kami ni Lans ng dala, hindi nagdala si Dite dahil gusto niyang magkasama sila ni Lans sa iisang tent.

Lalong nag-init ang ulo ko ngunit pinigilan ko ito. Hindi ako maaaring makitaan ni Lans ng bad side, lalo na ngayon at sila na ng kapatid ko.

Dumating ang gabi at inantok na si Lans. Nagpaalam ito sa amin na matutulog na siya. "Kayo? Hindi pa ba kayo matutulog?"

Sasagot na sana ako ngunit naunahan ako ng magaling kong kapatid. "Mamaya na, Babe. Mag-uusap muna kami nitong si Athena. Tulog ka na, good night."

"Okay, 'wag kang papaabot ng madaling araw ah? Lalo ka na, Babe. Bye na. Goodnight, I love you." Napayuko na lang ako sa sinabi ni Lans. Nakakalimutan niya na ata ako dahil si Dite na lang ang napapansin niya.

Nang makatalikod si Lans ay hinarap na ako ni Dite. Nawala ang plastic niyang ngiti at napalitan ito ng ngisi. Tumingin ako sa likod niya at napansin kong malayo na si Lans sa amin.

Kaysa mairita kay Dite, binalikan ko ito ng ngisi. Inabutan ko siya ng tubig. "Ano 'to?"

"Tubig, malamang."

"I know this is water, what I mean is para saan 'to?"

"Iinumin, duh?"

"Pssh, whatever. Wala kang kwenta kausap kaya 'di ka nagustuhan ni Seth." Iritadong sagot niya bago tunggain ang tubig na ibinigay ko. Napansin ko na parang nahihilo na siya kaya lalong lumaki ang ngisi ko. "Y-you, bitch..."

Binuhat ko siya at itinali sa mga kahoy na nakapaligid sa amin. Kinuha ko na ang gaas na dala ko at ibinuhos sa kaniya. Habang tulog pa siya ay walang pagdadalawang isip na sinindihan ko siya ng buhay.

They're right, Dite, you are the hottest girl in school.

Lumaki ang ngiti ko bago umalis. Sinunog ko lahat ng mga bagay na pwedeng makapag-turo na ako ang salarin bago pumasok sa tent ko.

Athena Carter

Short Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon