Chapter 7

378 15 3
                                    

(A/N: Dedicate to sau sis kasi salamat sa walang sawang pagbabasa ng story na to kahit pangit. HEHE dedicate ko na naman sau.)

"A-A-ALECCCCCCC.......?" - pasigaw na sabi ni Jai.

Hindi maintindihan ni Jai kung but biglang bumilis ang tibok ng puso nya sa mga sandaling iyon.

"Dahil ba ito sa nangyari sa amin?" - hawak ni Jai ang kanyang dibdib.

O iba ang dahilan? hmmmmmmmmm ...

Kahit napangiwi sa sakit ay pilit na ngumiti sa kanya ang lalaki.

"I'm glad you still remember me." - galak na sabi ni Alec pero sa mahinang boses.

"Oo naman." - sagot ni Jai.

Ngumiti rin siya pero mabilis na siyang tumayo dahil ang sagwa ng itsura nila habang nasa ibabaw sya ni Alec.

Pagtayo niya ay dun lang niya napansin na masakit pala ang binti nya. Hindi niya ito halos maitapak sa sakit. Pati ang isang braso niya ay masakit.

"Are you okay Jai?" - tanong ni Alec.

"P-parang hindi. Pero kaya ko pa namang magtrabaho. Pupunta na lang ako sa clinic mamaya..." - napatigil si Jai sa pagsasalita ng mapansin niyang gustong tumayo ni Alec pero hindi ito magawa.

Nag-alala si Jai. 

"Naapektuhan ba ang likod mo Alec? Ang gulugod mo?" - tanong ni Jai kay Alec.

Nilapitan niya si Alec upang tulungan.

"Kaya mo bang tumayo?" - tanong ulit ni Jai.

"Yeah. I just need some help." - iniabot ni Alec ang kamay ni Jai pero hindi halos maiangat ni Jai ang lalaki sa sobrang bigat nito.

"Huwag mong piliting tumayo Alec. Baka kung ano ang mangyari sa iyo. Ang mabuti pa'y dito ka muna. tatawag lang ako ng tutulong sa atin okay?" - sabi ni Jai.

"Sige." - tipid na sabi ni Alec.

Pagtalikod ni Jai ay natuon ang pansin ni Alec sa bandang paa ng dalaga.

"Nice pair of shoes." - natatawang sabi ni Alec.

Biglang napaharap ulit si Jai kay Alec nang marinig niya ang sinabi nito.

"Ano kamo?" - inis na tanong ni Jai.

"Iyan ba ang usong style ngayon?" - natatawang sabi ulit ni Alec halatang pigil ang tawa nito.

Katakut-takot na irap ang isinagot ni Jai sa lalaki. Nasaktan na nga ito ng husto ay nakakapagbiro pa?

"Palalampasin ko to Mr.Alec. Bwesit ka!" - sabi sa isip ni Jai.

Kahit paika-ika dahil hindi maitapak ni Jai ang kaliwang paa ay sinikap pari nya huwag intindihin ang nararamdamang sakit. Mas grabi ang pinsalang tinamo ni Alec kesa sa kanya at dahil iyon sa kagagawan niya. Hindi kasi siya nag-iingat.

"Binata na pala ngayon si Alec?" - hindi mapigilang itanong ito sa isip.

"May asawa na kaya sya or GF?" -  tanong ulit ni Jai sa isip.

Sayang hindi niya tinitingnan kanina kung may soot na wedding ring sa daliri si Alec. 

"Kunsabagay hindi naman lahat ng married guy ay nagsusuot ng wedding ring. Iyong iba nga'y sadya pang hinuhubad iyong upang masabi na binata pa sila." - kausap ni Jai ang sarili.

"Teka bakit ba iniisip ko to? kaloka naman. Erase..Erase..Erase .. but mag kaka interest naman ako sa kanya?" - iling - iling si Jai.

Sa wakas nakakita si Jai ng taong pwedeng tumulong sa kanila.

"Sana wala pang asawa si Alec or GF man lang. Hahaiii" - na isip ulit ni Jai.

Isinama na rin sa ospital si Jai nang dalhin si Alec.

Matapos siyang ma-examine ay pinauwi na siya ng doktor. Hindi muna siya umuwi sa halip ay pinuntahan niya si Alec sa suite nito.

Tulog si Alec nang mapasikan niya. Aalis na sana agad si Jai para huwag maistorbo ang pamamahinga ng lalaki pero tila may munting tinig ang nag-uudyok sa kanya na lumapit dito at haplusin niya ang mukha nito.

"Ang guwapo mo Alec. Sa nakalipas na walong taon na hindi kita nakita ay parang gumuwapo ka yata." - sabi ni Jai sa isip.

"Kumusta na kaya ngayon to? " - napatanong ni Jai kasi kaninay aksidente pa ang nangyari ay hindi sila nagkakumustahan.

"Nagkikita pa ba at nagkakabalitaan sina Alec at Robi?" - raming tanong sa isip ni Jai.

Napabuntung-hininga si Jai.

Akmang lalabas ng tatalikod na si Jai pero mabili na hinawakan ni Alec ang kamay niya't masuyo siya nitong hinila.

"Saan ka pupunta?" - tanong ni Alec.

Kumabog ng husto ang dibdib ni Jai.

"A-aalis na sana. Tiningnan ko lang kung okay ka na. May pasok pa kasi ako--" putol na sabi ni Jai.

"Tumawag na ako kanina sa office. Kinausap ko na ang immediate superior mo na si Mr. Torres at sinabi kong may minor accident na nangyari at nasa hospital ka. Hindi ka papasok for one week." - sabat ni Alec

"Ha? Pero---" - takang tanong ni Jai.

"Anong problema Jai?" - tanong ni Alec

"Baka mapagalitan ako ni Mr. Torres. Isa pa-" - putol ulit na sabi ni Jai.

"Hindi ka niya pagagalitan dahil ang nagsabi sa kanya ay ang general manager." - sabi ni Alec.

Napaawang ang labi ni Jai sa narinig.

"General Manager Ikaw????" - takang tanong ni Jai.

Nakangiting tumango sa kanya si Alec.

"We own the VP Textile. Kabilang ito sa Duñgo Group of Companies." - sabi ulit ni Alec.

"I see." - tipid na sagot ni Jai.

Wala siyang kaalam-alam, boss pala nila si Alec. To think na muntik pa yata itong maparalisa nang dahil sa kagagawan niya.

"Bakit hindi ka na nakakibo riyan?" - untag ni Alec sa kanya. Hawak pa rin nito ang kamay niya't tila wala namang lakas ng loob si Jai na bawiin iyon sa lalaki.

"N-nakakahiya kasi sir, dahil sa akin ay nasa ospital tuloy kayo ngayon-" - hiyang sabi ni Jai.

Agad namang napakunot ang noo ni Alec.

"Wait, bakit biglang naging sir ang tawag mo sa akin ngayon? Kanina ay Alec lang hindi ba?" - sabi ni Alec.

""E, hindi bagay na tawagin kitang Alec lang dahil-" - sagot naman ni Jai.

"Mas gusto kong tawagin mo akong Alec lang." - sagot naman ni Alec.

"Ha?" - Jai

"Okay?" - pangiting sabi ni Alec.

"Ikaw ang bahala. Pero sana'y hayaan mong ako ang magbayad ng hospital bills mo-" - sabi naman ni Jai.

"Huwag mo nang isipin ang tungkol don. Wala akong bayad dito sa ospital." - agad na sabi ni Alec.

Nagtaka si Jai sa sinabi ni Alec.

"Don't tell me na sa inyo rin ang ospital na ito?" - maang niyang tanong nito.

Tumango sa kanya si Alec.

"Sa kabutihang-palad, oo" - nakangiting sagot nito.

"Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa ginawa ko...." - natitilihan niyang saad. 

"Puwede mo akong alagaan at bantayan dito sa hospital for a week." - sagot naman ni Alec.

Napatingin siya kay Alec. Gusto niyang masiguro kung nagbibiro lang ito o nagsasabi ng totoo. Pero agad din niyang binawi ang tingin. Para kasi siyang napapaso sa mga mata nito na nakatitig ng husto sa kanya.

"May reklamo ka ba?" - tanong ni Alec.

"Wala. Naisip ko lang, hindi ka na mahilid mang-asar ngayon pero naging demanding naman at bossy." - sagot ni Jai.

(A/N: yan ha! nagtagpo na ulit ang JALEC ano kaya ang mangyayari? well, let see :))

She LOVES Me, She LOVES Me NOT! (JALEC FanFic)Where stories live. Discover now