Chapter 1

8 0 0
                                    

"MERON kayang baklang aso?"

Natawa na lang ako ng marinig ko ang tanong ni Raissa. Kahit sa anong topic talaga hindi siya mauubusan ng tanong. She always like to feed her curiosity.

"Siguro. Pero hindi naman kasi sila nakakapag-salita kaya hindi rin natin malalaman 'yung nararamdaman nila," sagot ko na lang. Alam ko kasing kukulitin niya ako ng kukulitin hanggang sa sumuko nalang ako para sagutin siya. And I don't want that to happen. Not now.

"Pero kung nakakapag-salita sila, anong gusto mong maging gender nila?" She won't really stop that dog gender thingy huh.

"I will let them decide. You see, usong-uso ang tinatawag na freedom of choice pero kadalasan ay tayo mismo ang walang karapatang mag-desisyon para sa sarili natin," naputol ko ang sinasabi ko dahil nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko.

'Especially me' gusto ko sanang idugtong pero alam kong hindi niya magugustuhan 'yon. Alam kong susugurin niya kung sino man ang nagtanggal ng freedom of choice ko.

"At kahit ngayon lang, gusto kong maiparanas sa asong iyon na may karapatan siyang mamili para sa sarili niya. May karapatan siyang piliin ang kung anong alam niyang tama at mabuti para sa sarili niya," I can see her eyes twinkling in delight and satisfaction. Alam kong titigil na siya sa kakatanong.

"By the way, saan ang punta mo Ate Rozella at parang bihis na bihis ka ata?" Tanong ni Raissa.

"Magkikita kami ni dad ngayon. May importante daw siyang mga bagay na kailangang i-settle sa akin," at kung ano man ang bagay na iyon, natatakot ako sa kung anong maaaring epekto noon sa future ko.

TAAS-NOO akong naglakad papunta sa opisina ni Dad na nasa top floor ng building. God knows na kabang-kaba na ako deep inside. Dad is known for being strict when it comes to business and stricter when it comes to his family. Isa lang naman ang nakakapagpa-tiklop sa kanya eh, si Mom.

Tatlong beses akong kumatok bago ko marinig ang pahintulot na pumasok. Dumiretso agad ako sa upuan. Dad would always say that the seat won't offer itself to me kaya kahit wala siyang sinasabi ay kailangan kong umupo.

"So, what's the matter that you need to address to me?" Pormal kong tanong kay Daddy. Even if I am his daughter, I need to keep the formalities between us. Kahit sa mga kapatid ko ay ganoon din ang turo sa kanila.

"I'm already getting old Rozella. Nanghihina na rin ako. Anytime from now ay maaari na akong mag-retire at ipapasa ko na ang pamamahala sa kuya mo," tumigil pa siya sa pagsasalita para uminom ng tubig.

Honestly, may clue na ako sa kung anong gustong sabihin ni Dad, it's just that, I'm afraid to admit it because may feeling akong tama ang hinala ko.

I don't like that idea. If my hunch is right at iyon talaga ang gusto niyang sabihin, then I will stand up for myself. I won't be that girl who will agree to everyone's decision. I won't be that girl na takot magsabi ng feelings niya dahil lang sa takot siyang itakwil ng pamilya niya. I won't be the old Rozella Zane Marquez anymore.

I'm going to stand up for myself that not even my fear can stop me from doing so.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

24 Hours of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon