Prologue

1.4K 5 30
                                    

Nagising ako na puro puti ang aking paligid. Bumangon ako at iginala ang aking paningin, nagbabasakaling makahanap ako ng palatandaan kung nasaan ako. Malabo man at medyo nahihilo ay alam kong nasa loob ako ng ospital. Napaupo ako sa higaan nang biglang sumakit ang ulo ko, napasapo rito at napapangiwi sa sakit.

Ano bang nangyari't nandito ako?

Napalingon ako sa pintuan nang bumukas ito at iniluwa ang isang lalaking hindi ko kilala.

"Sino ka?" tanong ko. "Bakit ako nandito?" Paikot-ikot ang tingin ko sa buong kwarto na tila'y natatakot. Inilukot ko ang aking sarili sa kumot at nanginginig.

"Wala ka bang matandaan, Luiela?" Lumapit siya sa akin bago sumagot. Inilabas niya ang posas mula sa kanyang likod at ipinusas sa'kin. Nagpumiglas ako pero mas hamak na malakas siya sa akin. Nagtagumpay siyang posasan ako ngunit 'di ko pa rin alam kung bakit.

"Teka, ano ba'ng nangyari't kailangang nakaposas ako?" Napangiwi ako nang sumakit na naman ang aking ulo. Umupo siya sa aking tabi at inalahad ang isang notebook sa harapan. Napakunot ako ng noo at takang tinapunan siya ng tingin.

"Para saan 'yan?" tanong ko habang nakatitig sa puting spiral notebook. Namamant'yahan ito nang kulay pula na sa tingin ko ay dugong dumikit at natagalan kaya gano'n na lang kung kumapit. Nagmumukha na rin itong luma dala ng mga gusot.

"Wala kang maalala 'di ba?" Tumango ako sa kanya habang pilit na pinapaluwang ang nakaposas kong kamay. "P'wes! Tutulungan kitang ipaalala sa'yo ang lahat ng dahilan kung bakit ka nandito."

Ibinuklat niya ang notebook at sinimulang basahin para sa akin.

Madwoman's Diary (FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon