Entry #1

726 9 8
                                    

December 1, 2018

Dear Diary,

Ngayon ang unang anibersaryo ng aming relasyon ni Franco. Sabik na sabik akong e sorpresa siya kung kaya't alas sais pa lang ng umaga ay tinawagan ko na siya. Sinabihan ko siyang dito kami maghapunan sa bahay. Tinanggap niya naman ang alok ko kaya't naglinis na ako agad.

Bandang alas nuyebe y medya nang matapos ako sa aking paglilinis. Pumunta ako sa mall para bumili ng regalo, dekorasyon at mga sangkap para sa gagawin kong dinner set-up. Sa isang taong magkarelasyon namin ni Franco, alam ko na kung ano ang mga pagkaing gusto niya. Sa katunayan Diary, iyon nga ang unang inalam ko sa kanya.

Siya 'yung tipong tigasin pero hindi kumakain ng maanghang. Isang beses nga Diary noong pinasubok ko siyang pakainin ay muntik na siyang ma-ospital. Ewan ko ba! Wala naman siyang allergy o ano pero mamumula't manghihina siya kapag kumakain ng maanghang.

Pauwi na ako nang makasalubong ang isa sa mga kaklase ni Franco. Nagulat pa nga ito nang makitang mag-isa lang akong pumunta sa mall. Tinanong niya ako kung bakit ako nag-iisa, sinabihan ko naman siyang busy si Franco kaya hindi nakasabay. Tumaas ang kilay niya at lumabas sa bibig niya ang mga katagang nagpawasak ng puso ko. Paano daw naging busy si Franco e kanina lang daw nakita niya itong may dalang bulaklak na nakaupo't may hinihintay sa isang mamahaling restaurant. Peke ko siyang nginitian at nagpaalam na lamang sa kanya. Galit na galit ako ngayon at parang gusto kong kumitil ng buhay.

Dala ang mga supot ng pinamili ko sa mall ay nagtungo ako sa mamahaling restaurant na sinabi no'ng kaklase ni Franco. Tama nga siya. Naroon nga si Franco't kumakain kasama ang isang babae na mahaba ang itim na buhok. May bulaklak pa ito sa kanyang harapan na halatang mamahalin din.

Lumapit pa ako para tingnang mabuti ang mukha ng babae. Si Erika -ang kaibigan ko. Nangangati ang kamay kung sampalin siya pero kailangan kong kontrolin ang aking sarili. Rumaragasang galit ang aking naramdaman sa aking nasilayan pero bago pa ako makagawa ng 'di kanais-nais sa restaurant, akin na lamang silang nilisan.

Bandang alas sais ng hapon, habang kumakagat na ang dilim ay nalaman kong nakauwi na si Erika sa kanila. Palihim akong nagtungo sa bahay niya at pinasok ng hindi niya namamalayan. Una akong nagtungo sa kusina at kinuha ang pinakamatalim na kutsilyo. Di pa ako nakuntinto at ibinaid ko pa ito.

Ang ayoko talaga sa lahat ay ang pinapakialaman ang mga bagay na dapat ay akin lang. Ayoko rin sa mga taong nagbabalat kayo'ng mabuti pero may lihim pa lang kailangan. Ayokong pinapalitan at mas lalong ayokong nilalamangan. Ayoko nang may kahati! Kung ano ang akin ay akin lamang. Gusto ko, ako lagi ang nasa itaas.

Mag-isa lang naninirihan sa bahay nila si Erika. Nasa California kasi ang mga magulang niya kaya't mas lalong naging madali ang aking gagawin. Kinatok ko ang pintuan ng kwarto ni Erika at dito'y nag-abang. Pagkabukas na pagkabukas ni Erika sa pintuan ay mabilis na hiwa sa leeg ang aking ginawa, mariin kong pinadaan sa leeg niya ang talas ng kutsilyo. Dahil sa gulat, 'di na niya magawang magsalita bagkus pagsapo sa nahiwang leeg niya para matigil ito sa pagdurugo ang tangi niyang nagawa. Nanatili siyang nakatayo, habol-habol ang kaniyang hininga. Isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago siya tuluyang bumagsak sa sahig. Hindi na siya humihinga patunay na wala na siyang buhay.

Hindi pa ako nasiyahan sa aking ginawa. Nagtungo ulit ako sa kusina at kumuha ng itak. Dahil may dinner naman kami ni Franco ngayon, siya na lang ang gagawin kong main dish. Isa-isa kong pinutol ang kamay niya, mga paa, at inihiwalay din ang ulo mula sa kanyang katawan. Magandang lutuing maskara ang mukha niya kaya't binalatan ko ito. Ang mga natirang parte ng katawan niya ay pinulupot ko ng kumot at inihulog sa balon na nasa likurang parte ng bahay ko.

Nakangiti akong niluluto ang pira-pirasong karne ni Erika. Nagset-up na ako sa dinner namin ni Franco at inihain na ito sa mesa. Saglit na paghihintay, mga bandang alas nuyebe ng gabi, dumating na rin si Franco. Masaya kaming nagkuwentuhan at kinain ang mga putahing aking niluto. Sinabihan pa ako ni Franco na napakasarap ko daw magluto. Gusto niya daw ulit-ulitin ang putahing iyon.

Sa buong araw na ito Diary, isa lang ang masasabi ko. Mag-ingat sa mga taong malapit sa'yo dahil hindi natin alam na sila rin pala ang sasaksak sa likuran mo. Kaya ang ginawa ko, kinitil ko ang buhay niya. Kung kaya niya akong saksakin patalikod, kaya ko rin siyang patayin at kainin sa brutal na paraan.

Nagmamahal,

Louiela

Madwoman's Diary (FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon