December 3, 2018
Dear Diary,
Usap-usapan sa aming silid-aralan ang pagkawala ni Erika. Ang iba'y ako pa ang tinanong kung nasaan ito. Baka daw kasi may alam ako. Ngayon lang daw kasi nangyaring hindi pumasok si Erika na walang binibigay na excuse letter. Nakakairita sila sa aking pandinig. Bakit pa nila hahanapin 'yung wala na? Gusto ko sabihing patay na ito dahil pinatay ko ngunit hindi pwede. Ang pagkamatay ni Erika ay patuloy na magiging sekreto.
Di na lang ako nakinig sa aking mga kaklase Diary. Naglagay na lang ako ng earphones sa taenga ko at nakinig ng mga musika. Laking pasalamat ko nang tumunog na 'yung bell. Nagpapahiwatig na oras na ng uwian. Sinundo ako ni Franco at inahatid pauwi.
Mga alas otso ng gabi, tumunog ang aking mobile phone. Si Franco pala ang nagtext pero laking gulat ko na lang ng basahin ang itinext niya sa akin. Si Franco ay nakikipaghiwalay na sa akin. Galit ang namutawi sa aking dibdib. Di ko alam ang rason Diary kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin. Bitbit ang isang kutsilyo'y nakipagkita ako sa dalampasigan kung saan iyon ang paborito naming puntahan.
Naunang dumating si Franco sa lugar na iyon. Bago pa man niya matapos akong batiin, isang hiwa sa leeg agad ang aking sinalubong. Gulat siya at tila naging estatwa sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya makagalaw at tanging paghabol sa hininga niya lang ang aking naririnig. Kita ko kung paano niya gusto magsalita pero wala ni anumang boses ang lumalabas sa kanyang bibig. Isang giit pa ang ginawa ko sa kanyang leeg bago siya bumagsak sa buhangin.
Dala ng galit at sakit, ibinaon ko sa kanyang puso ang kutsilyo. Napabuhakhak ako nang tawa habang inikut-ikot ang kutsilyo sa puso niya. Hindi pa ako nakuntinto sa aking ginawa kaya't nilaslas ko ang tiyan niya. Kinuha ko ang bawat piraso ng kanyang lamang loob habang naglalaro ng "he loves me, he loves me not". Nainis ako nang sa huli'y "he loves me not" ang resulta kaya't binunot ko ang puso niya sabay kagat dito na tila isa itong mapulang mansanas na kinagat ni snow white.
Napakasarap ng kanyang puso. Medyo mapait ito na may dalang kakaibang amoy. Nakaka-adik! Malansa man ang amoy nito para sa iba, sa akin ay para itong isang halimuyak na hinahanap-hanap ko. May dugo pa na tumulo mula sa kanyang puso, bago pa ito mahulog sa buhangin ay hinigop ko na ito. Pati ang dugo niya ay napakasarap. Manamis namis na maalat-alat.
Naglibot muna ako sa dalampasigan at nakakita ng supot na pwedeng mapagsisidlan ng iba niyang laman o karne. Nagbalot ako ng sapat lang para sa aking hapunan at ang natira ay inilibing ko sa dalampasigan. Alam kong kahit na aso'y hindi maaamoy ang nalalanta niyang katawan. Hanggang ngayon Diary ay nasa freezer ko pa rin ang lamang loob niya at kaunting karne. Iniisip ko pa kung anong putahi ko ito lulutuin. Minsan nga kapag ako ay nagugutom, kukuha lang ako ng bituka, isawsaw sa toyo't suka tsaka gawing ulam.
Isang aral na naman ang aking natutunan. Kung gusto mong tapusin, bakit di na lang talaga tapusin ng tuluyan. Sabi nga ng kasabihan, 'Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay'. Gaya ng ginawa ko, tinapos niya ang aming relasyon kaya't tinapos ko rin ang buhay niya. Kaya ngayon, patas na kami.
Nagmamahal,
Louiela
BINABASA MO ANG
Madwoman's Diary (FANFIC)
Mystery / ThrillerIt just happened that I am a psychopath.