Isa-isang tinawag ang mga nagsipaganap at ang Production at Media Teams sa harap. The stage play is a success! Matapos siguro ng halong tatlong buwan lang na prepara ay nagawa pa rin ng maayos ang buong dula. Walang nangyaring kahit anong anumalya.
Hindi maiwasan ni Astrid na mapatalon at ang pag ngiti ng abot sa tenga. Hindi napunta sa wala ang lahat ng pagod niya, ng mga kaklase niya. Nang matapos na nga ang lahat ay nag-ayos na sila ng silid, natigilan naman ang lahat sa pag-aayos nang may kumatok sa may pinto ng silid. Si Sir Richmond pala, ang guro nila sa asignaturang nagpa-proyekto sa kanila ng dula.
"Guys, gather up for a bit, may sasabihin lang ako saglit." ani Sir Richmond.
Lahat naman ay sumunod at pumwesto sa harap ng guro.
"First of all, palakpakan niyo muna ang mga sarili niyo," siya ring pagpalakpak ng mga estudyante, palakpak na may kasamang hiyawan at biruan, "Okay, okay, sobrang proud ako sainyong lahat. Sobrang napabilib niyo kaming mga audience niyo kanina! To think na tatlong buwan lang ang preparations niyo–wow!"
"Eh, Sir, hindi naman po magiging posible ang lahat kung wala si Trid!" singit ng isa sa mga estudyante.
Nagulat naman ang dalaga sa narinig, "Um, syempre po mas lalong hindi magiging posible 'yung play kung wala din 'yung director namin...at ikaw din! Sir! Sobrang hands on niyo po saaming lahat kaya sobrang sobrang sobrang thank you po, Sir!"
"Ay sht...oo nga pala. Si direk din pala..." narinig niyang may nagsabi sa may likod
Hindi maiwasang makaramdam ng kaba si Astrid. She can't even look straight at her Sir Richmond!
Para bang nag-tumbling ang puso niya nang marinig ang mababang tawa ng guro. Tinapangan niya ang loob at dahan-dahang tumingin sa binatang guro. At lalo siyang namula dahil saktong nakatuon din pala ang mga mata nito sa kanya!
"I'm so proud of you, Astrid."
Para nanamang tumalon ang kanyang puso sa narinig. Parang biglang nanghina ang kanyang mga tuhod. Napakapit siya sa katabi niya–kay Tomas.
"U-um...te-thank you po! Sir..."
Narinig niya ang marahang pag-ubo ng lalaking nasa tabi niya kaya naman parang napapasong tinanggal niya ang kapit dito.
"Sir, tama po si Trid, kung hindi din po dahil sa'yo ay sigurado po kaming hindi magiging ganoon kaganda ang play." pormal na tugon ni Tomas, na siyang nagpa-ikot sa mga mata ni Astrid. Plastik. Bulong ng dalaga sa sarili.
Nang mag angat siya ng tingin ay nagulat siya dahil nakatingin pa rin sa kanya ang guro at parang nagpipigil pa ito ng tawa.
Nakita kaya ako ni Sir?
Nginitian lang niya ng pilit ang guro at muling tinuon ang pansin sa ibang bagay. Dahil baka hindi niya kayanin kung itutuloy niya ang pagtingin dito. Baka bigla siyang isugod sa Clinic!
"Okay class, once again, congratulations. Makakapag pahinga na kayo, makakabawi na din ng tulog."
Bago makaalis ang guro ay kinakantsawan pa siya ng kanyang mga estudyante na magpa-pizza raw. Hindi naman tumanggi ang guro ngunit dapat raw ay malinis na malinis muna ang silid.
"Puntahan niyo na lang ako sa faculty mamaya para kunin 'yung pizza, okay? Mga 6:30, basta dapat malinis lahat." huling sabi nito bago tuluyang umalis.
Ngingiti-ngiting iiling-iling naman si Astrid habang ang kanyang mga kaklase ay nagsisigawan at nagkukulitan pa rin. Para siyang nasa ulap. Kulang na lang ay mangisay siya sa sobrang tuwa't kilig. Kumuha siya ng isang upuan at tinuntungan, tatanggalin na lamang niya ang mga banner na nakasabit sa may kisame.
Pero di niya alam ang nangyari, nagulat na lamang siya nang biglang gumalaw ang upuan at nadulas siya sa ibabaw nito. Mabuti na lang at may nakasalo sa kanya. Dahil kung hindi ay baka uuwi siyang iika-ika.
"Okay ka lang?" mas nagulat pa siya dahil si Tomas pala ang nakasalo sa kanya.
Napaiwas siya ng tingin dahil sa hiya, sumabay pa kasi ang pang-aasar sa kanila ng mga kaklase nila. Kesyo bagay raw sila at kung ano ano pang pang-aasar. Bababa na sana siya mula sa kapit ng binata ngunit huli na ang lahat,
"What happened here?"
Napatingin siya sa may pinto at nagulat ng makitang nakatayo roon ang kanilang guro na si Sir Richmond. Pati ang mga kaklase nila ay natigilan sa pang-aasar. Bumaba na lang siya mula sa braso ng binata at lumayo rito.
"W-wala po, Sir! Muntikan na po kasi akong mahulog kanina sa may upu–"
"Ay nako! Sir! Grabe! Etong si Tomas, parang si Superman! Kenekeleg ako!" singit ng isa sa mga kaklase niya.
Ngunit hindi siya pinansin ng guro, nakatingin lang ito ng masinsin kay Astrid. "Sa susunod, mag-iingat ka na, Ms. Fontanilla."
Tumango lang ang dalaga bilang sagot.
"Anyways, bumalik ako dito para itanong kung ano ang gusto niyong flavor ng pizza." pag-iiba ng guro, agaran naman siyang kinuyog ng kanyang mga estudyante.
Tinuloy na lang ni Astrid ang ginagawang pag-lilinis. Bakas sa mukha niya ang lungkot.
Bakit Ms. Fontanilla na lang, bakit hindi na Astrid?
Malungkot na tanong nito sa sarili.
BINABASA MO ANG
𝑾𝒉𝒆𝒏 𝑨𝒔𝒕𝒓𝒊𝒅'𝒔 𝑯𝒆𝒂𝒓𝒕 𝑾𝒂𝒔 𝑺𝒕𝒐𝒍𝒆𝒏
Romance"𝑾𝒆𝒍𝒍 𝒕𝒉𝒆𝒏 𝒎𝒂𝒚𝒃𝒆 𝒊𝒕 𝒊𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒎𝒚 𝒇𝒂𝒖𝒍𝒕 𝒇𝒐𝒓 𝒍𝒆𝒕𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒚𝒐𝒖 𝒔𝒕𝒆𝒂𝒍 𝒘𝒉𝒂𝒕'𝒔 𝒎𝒊𝒏𝒆. 𝑰 𝒄𝒐𝒖𝒍𝒅 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒅𝒐𝒏𝒆 𝒔𝒐𝒎𝒆𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒐 𝒔𝒕𝒐𝒑 𝒚𝒐𝒖. 𝑩𝒖𝒕 𝑰 𝒅𝒊𝒅𝒏'𝒕, 𝑰 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒔𝒕𝒐𝒐𝒅...