"Sir Richmond!"
Hihingal-hingal na tumakbo si Astrid papunta sa guro. Tumigil naman ito sa paglalakad, pati na rin ang kasama nitong kapwa guro na si Ma'am Denise. Agad na inabot ng dalaga ang hawak niyang kulay rosas na folder.
"Um...magpapasa lang po sana ako ng project, Sir."
Tinignan lang ng binata ang folder, "Paki iwan na lang sa table ko sa faculty. Kakain kasi kami sa labas ni Ms. Denise."
Napalunok ang dalaga, pilit pinipigilan ang mga nagbabadyang mga luha. Masakit. Sobrang sakit.
"O-okay po, Sir! Ingat po kayo." Tumingin naman siya sa kanyang gurong babae, "Ma'am," Tango naman ang tugon nito sa kanya.
Di makayanan ang kirot na nararamdaman, siya na ang unang tumalikod at naglakad pabalik sa faculty. At doon, habang siya ay naglalakad papalayo sa kanyang mga guro, ay siya ring pagdampi ng mga luhang tila nag-uunahan pa sa pagbagsak.
"Bakit di mo ko pinapansin?"
Tinignan lang siya nito, walang sabi sabing tumalikod at ipinagpatuloy ang pag-luluto. Huminga ng malalim ang dalaga, lumapit siya dito at mahigpit na yumakap sa mga baywang nito. Idinikit ang gilid ng mukha sa hubod nitong likod.
"Uy..."
Wala pa ring sagot.
Pero di tumigil ang dalaga, pinagpatuloy lang nito ang pangungulit at pag lambing. Hindi naman umiwas ang binata, hinayaan lang ang pagyakap sa kanya. Ngunit di namalayan ng dalaga ang pagluha niya. Doon natigilan ang binata, huminga ng malalim, binitawan ang sandok na hawak at humarap rito.
Nakatakip na sa mga mukha ng dalaga ang mga kamay nitong parang kanina lamang ay mahigpit na nakayakap sa binata. Tinignan ng mataimtim ng binata ang dalaga. Wala sa sariling hinili ang dalaga at kinulong sa kanyang mga bisig para sa isang mahigpit na yakap.
"Sinasaktan mo nanaman ako..." bulong ng dalaga.
"Bakit magkasama kayong kumain ni Ms. Denise? Bakit hindi na lang sila Sir Marcel? B-bakit siya pa? Bakit siya nanaman?" dagdag pa nito. Wala siyang narinig na sagot mula sa binata.
"Ikaw naman ang unang nanakit." tugon nito matapos ng mahigit limang minuto.
Pilit na kumawala ang dalaga mula sa yakap nito, tinignan niya ito ng masama. "Ha? Ano ulit 'yun?"
"Si Tomas. Nung play?"
"Oh? What about it?"
Hinawakan niya ang binata sa pisngi, pinipilit na tumingin sa kanya. Sa mga mata niya. "If ever Tomas wasn't there to catch me, baka hanggang ngayon iika-ika pa rin ako. Love, wala naman kasing mali sa nangyari. Hindi ko naman siya tinalunan o-or...alam mo 'yun? It was just an accident!"
"Bakit ka ba kasi tumuntong dun sa upuan? Paano nga kung wala talagang sumalo sa'yo? Paano kung nabagok ang ulo mo? Paano ku–"
She smiled mischievously at him.
"Opo, sa'yo na lang po talaga ako papatong...Sir. Ay—! "
Hindi na natapos ni Astrid dahil nakita niya sa mga mata ni Richmond ang isang pamilyar na kinang. Kaya naman ay dali-dali na lamang siyang tumakbo papalayo sa nobyo.
"Bagal namang tumakbo nito! Gurang ka na talagaaa–"
Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay nahuli na siya ng binata sa kanyang mga bisig. "Ha? Ano 'yun? Sinong gurang saatin ngayon?"
Tawa ng binata at impit na tili ng dalaga ang tanging maririnig sa loob ng apartment. Nang makitang hahangos-hangos na ang dalaga na hudyat ng pagkapagod nito ay tinigilan naman na siya ng binata.
"Bilis mo namang mapagod, I think you should start taking vitamins, babe. Tapos baka kailangan mo na ring uminom ng gata–"
"I love you." putol ng dalaga sa binatang guro na siya ring kanyang nobyo.
Tipid na ngiti lang ang sagot nito.
"Thank you...I-I like you too."
Masakit. Pero at least, may sagot siya. At least hindi na lang 'thank you' ang sinagot sa kanya ng binata, hindi tulad ng dati ay lagi lang itong nagpapasalamat sa tuwing sinasabihan niya ito ng 'I love you'. At least ngayon...may 'I like you' na.
Astrid still chose to think positively and so she still smiled sweetly at him. Pecked his tight lips with all the tenderness and sincerity she could give.
"I love you so much, my Prince Charming."
BINABASA MO ANG
𝑾𝒉𝒆𝒏 𝑨𝒔𝒕𝒓𝒊𝒅'𝒔 𝑯𝒆𝒂𝒓𝒕 𝑾𝒂𝒔 𝑺𝒕𝒐𝒍𝒆𝒏
Romance"𝑾𝒆𝒍𝒍 𝒕𝒉𝒆𝒏 𝒎𝒂𝒚𝒃𝒆 𝒊𝒕 𝒊𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒎𝒚 𝒇𝒂𝒖𝒍𝒕 𝒇𝒐𝒓 𝒍𝒆𝒕𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒚𝒐𝒖 𝒔𝒕𝒆𝒂𝒍 𝒘𝒉𝒂𝒕'𝒔 𝒎𝒊𝒏𝒆. 𝑰 𝒄𝒐𝒖𝒍𝒅 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒅𝒐𝒏𝒆 𝒔𝒐𝒎𝒆𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒐 𝒔𝒕𝒐𝒑 𝒚𝒐𝒖. 𝑩𝒖𝒕 𝑰 𝒅𝒊𝒅𝒏'𝒕, 𝑰 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒔𝒕𝒐𝒐𝒅...