Not So Fated Encounters

647 24 10
                                    

Sharlene

Mga thirty minutes din akong nakaupo sa loob ng kotse, nagmumuni muni. Hindi ko kase alam kung bakit ako kinakabahan.

"Ay palaka!" Napapitlag ako noong magring yung phone ko. Si Ricci lang pala.

"Yes mahal" naginvite siya ng video call na agad ko namang pinaunlakan.

"Don't starve ok? Babe I cant visit you this week. Biglaan lang, may flight ako papuntang Singapore. Kailangan kong palitan yung director namin sa conference. Sorry, babawi talaga ko. Pagdating ko bebeybihin kita. Lahat ng gusto mo susundin ko" natawa lang ako.

"Wag ka ngang O.A. kilala mo naman ako basta pasalubong lang masaya na ko. Mag ingat ka ha? Wag tatanga tanga baka mamaya ibenta ka ng mga kasama mo" tumawa si Ricci.

"I will be a good boy ma'am Shar. Dadalan kita ng ibat ibang tsaa saka desserts. Mahal na mahal kita"

"Anong oras flight mo?"

"In 1 hour" inilibot niya yung camera habang naghihintay sa business lounge.

"Sosyal"biro ko. "O siya basta mag ingat ha. No cheating kung hindi ipapakain kita sa mga buwaya sa Malacanang este Manila zoo"

Nag iihit ng tawa yung gago. Sobrang saya niya lang.

"Aight. Copy ma'am. I love you"

"I love you too"

"Sige na ma'am tatawag ako pagdating na pagdating ko. Imimeet ko lang sila Pete's. Be a good girl ok?"

"Always" sagot ko. Kumaway lang siya at saka nagflying kiss. Nakarinig naman ako ng lalaking umubo. Umamba siya ng sapak sa katabi niyang di ko naaninag ang muka. Pagkatapos nag hang up na rin siya.

Be a good girl. Napabuntong hininga ko. I did not even tell him about Donny.
Wala na kong kawala.

Pagdating ko sa office, I know he is there. Sinalisihan ko sila nang iniikot siya ni Gwen sa ibat ibang floor.

Dumiretso ko sa office namin. As usual nagkamustahan tapos inayos ko yung schedule ko.

Eto na talaga. Mga isang oras din bago sila nakarating. Hindi ko alam kung 6th sense ba pero kahit saan, kahit di ko kita, alam ko kapag nakatingin si Donato. Hinding hindi ako nagakakamali.

Maya- maya kumatok si Gwen para makuha yung atensyon namin. Sabi na pero patay malisya lang ako.

"Ladies, our new country manager is here. This is Mr. Donato Pangilinan."Pakilala niya.

"He will oversee the company as well as the offices around Philippines starting today." I looked at him

Xia and Sera greeted him pero napipipi ako. Hindi ko alam kung ano bang dapat sabihin maliban sa generic na "Good morning Mr. Pangilinan"

"Gwen can you send a calendar invite to me and miss San Pedro for a complete employee package reviews? Gusto ko ding makita kung anong developments saka changes yung naiplement na sa risk management plans natin. Please bring a copy of our current policies and procedures at lunch time"

Gusto ko siyang suwagin ng tingin. Hindi naman siya nagpapatalo sa staring contest. Sa huli ako nalang yung nagbawi.

"Done sir." Sagot ni Gwen after maiayos yung schedule. Pagkatapos noon mabilis din siyang umalis.

Lunch time noong makita ko yung kalendaryo. Gusto ko sanang magpatay malisya ng ipoint out ni Xia yung outlook.

"Shar, aren't you going? Baka naman malintikan ka kay sir pogi niyan" sabay ngisi ng makahulugan.

Paano Aaminin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon