"Hi". Pasikreto akong napamura nang makitang nasa harap ko ang kinababaliwan ng mga babae sa buong campus namin.
Umupo sa bakanteng upuan sa harap ko saka iniabot ang isang long-stemmed rose. "Uh, para sa'yo..."
Nagsimula na namang magbulungan ang mga babae sa ibang table.
"Ano ba ang nakita ni Zion sa babaeng 'yan? Mas maganda naman ako sa kanya, a."
"Ginayuma niya ang Zion natin! Punyemas!"
"Hala, girl. Laway mo naman. Ew."
Dalawang linggo na akong nakakatanggap ng mga lait mula sa kanila. Rinding-rindi na ako. Tumayo ako.
"Uh, 'di ko 'yan matatanggap. I'm sorry."
Hinawakan niya ang braso ko. Lalo tuloy lumakas ang bulung-bulungan. Hawak pa rin niya ang rosas at seryosong nakatingin sa akin. "Wag mo silang pakinggan. Sa akin ka lang maniwala. Seryoso ako sa 'yo."
Tinignan ko siya. Six feet, all muscles and the most arresting face --- thin lips, straight nose, chiseled jaw --- his unique eyes hypnotizing. Zion is the sexiest man --- sinful and beautiful --- my eyes are ever graced.
(Let's just assume na mas matangkad si Ion kay Vice okay???)
"Bakit ako?"
"Bakit hindi ikaw?"
Ano ba kasi ang intensyon niya? Nagkakilala lang naman kami nang dahil sa kape. Padaan ako noon sa gilid nila ngunit nabunggo ako ng babaing kasama niya.
Sa sobrang inis niya ay ibinuhos sa akin ang mainit na kape na natira sa baso. Nagalit si Zion sa babae at hinila ako papunta sa clinic para gamutin.
"I mean, maraming magagandang babae ang nagkakagusto sa 'yo. Bakit 'di na lang sila ang ligawan mo, hindi ka na nahihirapan pa."
Dalawang linggo na niya akong nililigawan. Ako lang daw ang niligawan ni Zion nang ganoon katagal.
"I'm surrounded by women who wanted me, but you're the only one that I wanted."
Nang ngumiti siya ay halos manlambot ang mga tuhod ko. "I love your simplicity, Charlotte."
"Uh... thank you." Kinuha ko ang rosas sa kamay niya para matapos na. "S-sige... Baka mahuli pa ako sa klase ko."
Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas na rin ako. Napahinto ako nung humarang siya sa daraanan ko. Napaatras ako.
"Bakit?"tanong ko.
"May gig kami mamaya sa Viceion Bar. Pwede ka bang manuod?"
Bar? Viceion? Kilala ang bar na iyon dahil doon nagpupunta ang ilang kilalang personalidad. Ang tanging nakakapasok lang doon ay mga members. Hindi lang basta members, mga mayayamang tao ang sumasali roon.
"Hindi ako papatagan ni Lolo."
"Susunduin kita sa inyo,"determinadong sabi niya.
"Hindi mo alam ang bahay namin,"sabi ko.
Muli niyang hinawakan ang braso ko. "Sabihin mo sa 'kin para malaman ko."
"Masyado kang mapilit, Zion."
Napanganga siya. "Can you say that again?"
"Ang alin?"
"My name."
"Uh..." Ano problema niya? Iyon naman talaga pangalan niya, ah? Zion."
"Music in my ears, Babe."Napatunganga ako nang bumigat ang talukap ng mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Broken Strings || ViceIon au
Fanfiction'Cause it's time to leave my feelings behind. Your happiness is in here. Deal with it. You still have my heart. Always. Forever. I love you. Goodbye. Loving you, Markus Santiago Natulala ako sa sulat. Walang hikbing lumalabas sa bibig ko ngunit pat...