Chapter # 1

328 14 0
                                    

Charlotte Valderama

"Babe, nagseselos ka na naman ba?"sabi niya sa'kin.

Kinurot ko ang braso niya. "Bakit ba kasi dikit siya ng dikit sa'yo?"

Ang tinutukoy ko ay ang bandmate niyang si Samantha. Si Zion ang lead guitarist. Kanina habang nagpa-practice sila ay napapansin kong kay Zion ito lumalapit at tumitingin.

At naiinis ako sa klase ng titig niya! May halong landi, eh.

"Eh, bandmate ko siya, eh."Mas hinapit pa niya ako palapit sa kanya.

"Judgemental Princess,"natatawa nitong sabi. " 'Wag mo namang lagyan ng malisya ang pagkakaibigan namin."

"At ako pa ang naglalagay ng malisya, ha. Uuwi na ko."

Hinawakan niya ang braso ko. Iniharap ako ni Zion sa kanya.

"Wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Meron. Pero sa haliparot na 'yun, wala!"

"Yung haliparot na tinatawag mo ay kaibigan ko, Charlotte."Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala ka namabg dapat ipag-alala. Daka kung may gusto man siya sa'kin, hinding hindi ko iyon masusuklian. Sa'yo lang ako."

Ngumiti ako, masaya ako sa sinabi niya. Dalawang buwan pa lang kami ni Zion. Nu'ng una, ayaw ko sa kanya kasi mukha siyang babaero. Pero hindi pala. Lapitin lang siya ng babae.

Sa bawat araw na nagkakasama kami ay gumagaan ang loob ko. Hanggang sa mahulog na talaga ako sa kanya.

Hulog na hulog.

Pumikit ako nang magdikit ang aming mga labi. Hindi pa rin nagbabago ang epekto ng halik niya sa'kin. Para pa rin akong nililipad sa ulap at nanlalambot ang tuhod ko.

Napatigil kami nang may tumikhim. Napasimangot ako. Ang haliparot!

"Zion. Practice na raw ulit,"maarteng sabi nito.

Tumango si Zion. "Oo. Susunod na lang kami, Sammy."

Tinaliman ko siya ng tingin. Bumalik ang tingin niya kay Zion. Tumango ito at umalis na.

"Ano? Selos ka na naman?"Napasinghap ako nang dumampi ang labi niya sa puno ng tenga ko. "Tara na."

Napatingin sa amin ang mga kabanda ni Zion nang makarating kami sa music room. Sina Lorenz, Luke at si Samantha. Nakaupi sila at may hawak na mga canned drinks.

Tinanguan ako ng dalawang lalaki at nginitian ko lang sila. Narinig kong nag-tsk si Samantha.

"P're game!"sabi ni Lorenz.

"Teka,"sabi niya sa mga kaibigan. Tumingin sa'kin si Zion at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi. "Watch me."

Nginitian ko siya. "Always."

Umupo ako habang tinitignan silang mag-ayos ng gamit. Binalingan ko si Samantha na matalim na nakatingin sa'kin. Inirapan niya ako. Nagkanya-kanya na sila ng puwesto. Nag-init ang pisngi ko nang kindatan ako ni Zion bago tumugtog.

Nagsimula na ring kumanta si Samantha. Kung hindi ko ito kilala ay iisipin kong napakaganda ng ugali nito dahil sa mala-anghel nitong boses.

Nahahatak nito ang mga kalalakihan na makinig. Kaya hindi lang babae ang fans ng Kiss n' Make Up.

Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Pumasok ako sa banyo sa loob din ng kwarto. Paglabas ko ay tapos nang kumanta si Zion.

Kausap niya si Samantha. Lumapit ako at humawak sa braso niya. Nakasimangot ito.

Tumikhim ito bago magsalita. "Ahh, pumunta ka, Zion. Hihintayin kita, hmm."

"I'll think about it."Inakbayan ako ni Zion.

Nang magpaalam si Samantha na uuwi na ito ay hinarap ko si Zion. "Ano'ng sinabi nu'ng haliparot na 'yun? May pa- 'Hihintayin kita, hmm...'"madiin kong sabi.

Hindi ko talaga gusto si Samantha.

"Tsk! Selosa. Birthday daw ng kapatid niya bukas at inimbitahan ang banda."

"Pupunta ka?"

"Oo."Napasimangot ako lalo. "Kasama ka, babe."

"Hindi naman ako invited. OP lang ako ru'n."

"Osige. 'Wag ka nang sumama. Maglalasing ako ru'n"Humalakhak siya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ganon? Sige. Break na tayo, ha?"

Hindi ko siya pinagbabawalang uminom. Iba kasi siya pag naglalasing. Nagwawala. At walang pakialam kung sino ang babaing mahalikan niya.

Napangiwi siya. "Hmmm, on second thought hindi na ako pupunta."

"Good."Tumingin ako sa relong-pambisig ko. "Mag-si-six na pala. Uwi na tayo."

Papatayo na sana ako nang hapitin ni Zion ang bewang ko. "Lips and tongue babe"

Namula ako. "H-hindi ko alam kung paano."

"I'll teach you"

He covered my mouth with his. He held me close against him. It's mouthwatering good! I gasped when his tongue darted out to lick my bottom lip.

He lifted me onto his lap, arranging me so I was strandling him. My dress hitched up around my legs. He deepened the kiss, thrusting his tongue between my lips. He sought out my tongue and swirled over it.

Ito pala ang french kiss! Shit! Hot! Napasinghap ako nang bumaba ang kamay niya sa dibdib ko. "Z-zion... Not here..."

"Hmm... Sorry,"sabi niya at pinagpatuloy ang paghalik.

Ang kamay niya ay bumaba sa bewang ko. Pareho kaming habol ang hininga pagkatapos.

"Awesome! Are you sure you haven't done that before?"hindi makapaniwalang sabi ni Zion.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Duh! You're my first boyfriend"

"Makes sense,"natatawang sabi ni Zion.

"Uwi na tayo. Ihahatid pa kita, babe."

"Tara."

Tahimik siyang nag-drive papunta sa amin. Nakasalubong namin si Lolo at nagmano kami sa kanya. Naningkit ang mga mata niya.

"Nandito ka naman pala, Pogi. Nanliligaw ka ba sa Apo ko? Aba, 'di na pwedeng ligawan 'yan. Nag-aral pa 'yan at may kasintahan na 'yan. Tsk. Tsk."

"Seryoso po ako sa kanya, 'Lo,"nakangiting sabi ni Zion. Sa totoo lang ay alam na ni Lolo abg tungkol sa'min ni Zion.

"Hmmm. Nakikita ko naman iyon."Tumayo siya.

"Tara't pumasok ka muna sa loob. Dito ka na kumain."

"Sige po,"sabi ni Zion at pumasok na kami.

Naghanda ako ng pagkain. Minsan nahihiya akong papasukin si Zion sa bahay namin dahil parang kasinlaki lang iyon ng banyo sa mansyon nila.

Kaming dalawa lang kasi ni Lolo ang nakatira roon.

"Pogi, parang may kahawig ka. Nakita na ba kita noon?"sabi ni Lolo habang kumakain.

Natawa si Zion samantalang ako naman ay nasapo sa noo ko. " 'Lo, ako po si Zion. 'Yung boy--- kasintahan po ng Apo niyo."

"Ay! Naku! Makakalimutin na talaga ako,"natatawang sabi ni Lolo.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Zion kay Lolo.

"Goodnight, babe"paalam niya at hinalikan ako sa noo.

"Ingat!"

Broken Strings || ViceIon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon