Chapter # 2

485 15 3
                                    

Charlotte Valderama

Kinabukasan ay wala akong na-receive ni isang text ni Zion. Wala kaming pasok dahil Sabado. Ito ang araw na pupunta dapat si Zion kina Samantha dahil kaarawan ng kapatid nito.

Hinintay ko pa rin ang text o tawag niya hanggang sa maggabi. Ako na mismo ang tumawag sa kanya. Matagal bago niya sagutin ang tawag.

"Babe," sagot niya. Bakit parang medyo maingay ang lugar?

Baka naka-radio.

"Asan ka?" tanong ko. Mahinahon lang ang boses ko.

"I don't wanna lie to you, Charlotte. But---"

"Yow, Zion! Let's go! Tinatawag na tayo ni Samantha!" Narinig ko ang boses ng isang lalaki na parang nasa tabi lang ni Zion.

"You.Broke.Your.Promise," madiin kong sabi. Galit ako.

"No... err... Yes! Pero napilit lang ako nila Lorenz." Huminga siya ng malalim, "Babe... We should have time for friends. You know---"

"Fine. Pakasaya ka, ha?" sarkastiko kong sabi. Pinatay ko na ang cellphone.

Kinaumagahan ay patay pa rin ang cellphone ko. Naiinis ako kay Zion. May tiwala naman ako sa kanya, eh.

Kay Samantha ako walang tiwala, paano kung lasingin niya si Zion? Alam kong gagawa siya ng paraan para mapunta sa kanya si Zion!

Sisigawan ko sana 'yung bumusina ngunit umurong ang dila ko nang makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan.

The mighty Zion 'Jerk' Cordovez. Ang itim niyang Lamborghini ay nakahinto sa gilid ng bakuran namin.

Bawat nagdaraang tao ay hindi maiiwasang tumingin sa kotse niya, lalung-lalo na sa kanya.

Nakaitim siyang damit na hapit sa katawan kaya umangat pa lalo ang kakisigan niya.

"What are you doing here?" I smirked.

"Usap tayo," mahinahong sabi niya.

Sinubukan niyang hawakan ang braso ko peri agad kong hinawi iyon.

"How's the party?" nang-uuyam kong sabi.

"Stop your sarcasm and let me explain. Please."

Malamig ko siyang tiningnan. "No need. Naiintindihan ko naman. You're right, we should have time for our friends."

"Don't use that tone, Charlotte. I know we have an issue---"

"What issue?"

He looks sexy as hell! "Trust issue, babe. You kno--- You see, you don't trust me at all."

"Wow! I don't trust you? Really? Paano mo nasabing wala akong tiwala sa 'yo, Zion?"

"Palagi kang nagseselos at lagi kang galit kapag may kasama akong babae. Palagi naman kitang susuyuin. Kailangan ba talaga bago ako lumapit sa babae, magpapaliwanag ako sa'yo?"

"May tiwala ako sa'yo kung iyon ang gusto mong malaman," hininaan ko ang boses ko para hindi marinig ni Lolo, "sa mga de-putang babae na iyon wala!"

"Kasalanan ko bang nag-boyfriend ka ng kaakit-akit?"

Mas lalo lang niya akong iniinis. "Leave now before I shove your balls in your throat."

Napangiwi siya at pagkatapos ay napalunok. "Sounds painful."

"Exactly."

"But I'm not going anywhere, babe. We'll fix this," madiin niyang sabi.

Broken Strings || ViceIon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon