A/N: HINDI PROFESSIONAL NA MANUNULAT.
Maaga ako nagising para PUMASOK!
At eto nag bubunganga nanaman si mama. Always naman."Kumain ka para may laman ang utak mo!" ako pinagagalitan nyan. Tinatamad talaga ako kumain pag umaga malay ko ba at bat kailangan pang kumain sa umaga. Tinatamad talaga tska DI AKO NAGUGUTOM.
"Bilisan mo at malalate kana!"
"Ubusin mo yan!"
Napairap nalang ako at inubos to. Ng naubos kona. Nag ayos na ako sa sarili. Nakaharap ako sa salamin ngayon at tinignan ang suot. Skirt na palda na above na knee kulay maroon at sa taas na blouse ba tawag dito? White sya at may lining sa gilid na kulay maroon at may necktie sya kulay black na may lining din at sa baba don may sign na logo ng school
Ang nakakainis!
Ang ikli nung palda ko!
Nakakainis!
Kahapon pa ako di komportable sa suot ko eh!
Tas na medyo mataas pa ang gamit kong sapatos!
Okay na nga to!
"Ma aalis nak--"
"Yung gatas moooo!!" tss. Napabalik ako sa lamesa at inubos ito. Yes! Nag gagatas ako bearbrand, hihi. I love milk!
"Hoy ano gwen! Umalis na kayo!" sigaw ni mama. Sumabay na sakin si gwen. At umalis na kami.
*School
"Uy nengggg! Bakit di mo ako sinundo samin kanina?" reklamo ni maricar. Nandito kami ngayon sa tapat ng room nila wala pa yung teacher namin at teacher nya. Galing no?
"Eh nagmamadali ako. Akala ko late nako, tapos di pa pala! Tamo kanina pa walang teacher mag sesecond subject na e" inis ko sabi.
"Easy neng! Okay nga yon walang teacher hahahaha!" masayang sabi nya. Inirapan ko nalang sya.
"Napaka inosente mo talaga hahahaha. Lakad na nandyn na maam mo oh!"
"Sige dito na ako. Maya nalang ulit"
"Sigeee! Kausapin mo si kyle ha hehe"
"Epal!" yun nalang sinabi ko at pumasok na.
Ilang oras pa ay may pumasok na teacher. May ilan pa syang sinabi at kwenento.
"Sasabihin ko na agad sa inyo na ayoko ng LATE at ayoko ng pala ABSENT. Pag tatlong beses na kayong absent sakin. Drop UNDERSTAND!" mataray na sabi nya. Katakot naman to. Napansin kong may tatlong lalaki sa labas na parang nag aalanganin pumasok. Mamaya lang, biglang deredertsong pumasok yung lalaki si... Kyle yun. At sinundan ito ng dalawa pa.
"Hoy hoy hoy! Aba dere deretso ha? Walang tao dito. Walang teacher dito oh" mataray na saad ni ma'am. Di nila pinansin ito at umupo nalang. Tinignan ko si kyle, nakangiti sya habang pinupunasan ang pawis nya sa batok na nakatungo.
Hmm? Angas nya don.
"Ano wala kayong narinig?!"
"Ay nandyn pala kayo ma'am? Hahaha" rining kong sabi nung isang lalaking payat. Pero pabulong lang, halatang di narinig ni ma'am.
"TAYO!! parang wala kayong naririnig ha!" sigaw ni ma'am. Tumayo naman sila. Pero natawa parin sila ano bang nakakatawa?
"Ano pangalan mo?! First year palang kayo ang tatapang nyo na! Ikaw ano pangalan mo? Umayos ka ng tayo parang kang tuod!" turo nya don sa lalaking matangakad at maputi.
"Dylan ma'am" natatawang sabi nya. Tapos tumawa yung dalawa. Tss wala naman nakakatawa e.
"Anong nakakatawa?! Ikaw! Ano pangalan mo" turo naman nya dun sa isang lalaking nagsalita kanina.
"Jake ma'am!" maangas na sabi nya.
"Alpelyido mo?"
"Rocaryo"
"Ikaw ano! Tanggalin mo nga yang hikaw mo! Bakla kaba?!" sigaw nya dito kay kyle. Napatitig lang ako sa kanya. Tawa tawa lang sya.
"Ano pangalan mo? Ang kapal ng kilay mo. Gwapings"
"Talande ang pota" rinig kong sabi ni aivhine. Hala! Tas tumawa silang dalawa nung jemmie.
"Kyle Jamandre" tipid na sabi nya. At ngumiti sakin. OO SAKIN! potek. Iniwas ko nalang yung tingin ko.
"Umayos kayo! Ayoko ng mauulit yon! NAIINTIDIHAN NYO?!"
"hindi ma'am" bulong nung jake. Pawasay!
Tumingin ulit ako sa kanya. At nagtatawanan na sila. At kasama don sila aivhine.
"Ang pogi nung dylan ano? Hihi." rinig kong ungot nitong si alyssa.
"Haha oo nga" sabi ko nalang.
Mabilis natapos ang oras at break time na. Nakaupo lang ako at hinihintay lumabas silang lahat. Lumapit sakin si aivhine at sinauli ang ballpen. Natawa ako.
"Hahaha bakit natawa ka?" natatawang sabi nya.
"Wala dapat di mo binalik hehe" sabi ko.
"be sorry naman! Nakalimutan ko eh! Hahaha. Sama ka samin sa canteen" niyaya nya ako. Pero pano sila maricar?
"Oo nga tara sama ka samin. Dalawa lang kami ni aivhine"
"Ahh. S-sige pero saglit lang may nag aantay sakin eh" sabi ko.
"Ay! May jowa ka?" tanong si jemmie na kinagulat ko naman.
"wala no yung kaibigan ko lang."
"Kala ko e hahaha tara na be" lumabas na kami at hawak hawak ni aivhine ang braso ko. Di ako komportable hay!
"Araaaaayyy!" sigaw ko! Potek! May bumato ba naman sakin ng plastic bottle! "SINO YON!" sigaw ko!
"Dali ka pre! Hahahaha" tinignan ko ng masama yung lalaki si jake to ah!
"Sorry te! Namali ng bato" napalingon ako ng salita.
Si kyle..
Nakangiti sya.
At nakakadala ang ng ngiti nya!
"Kakawalangnya nyo e no? Nagkamali ng bato eh wala namang tao sa gilid o likod namin! Siraulo!" hiyaw ni aivhine at hinila ako paalis don
"Siraulo!" pahabol pa ni jemmie.
"Okay ka lang be? Mga luko luko yon eh. Wag mo nalang pansinin" nakatinigin sya sakin.
Kinakausap nya nga pala ako.
"A-ah oo! Okay lang ako no!" tawa ko sa kanila.
Peroooooo
Yung ngiti nyaaaaaaaaaaaa!!!!!!
Bwisit!
XXX
-Shanangxczs
![](https://img.wattpad.com/cover/208992443-288-k687939.jpg)
YOU ARE READING
Hindi ko alam
Fiksi Remaja"Mahal kita sobra.." "Bakit mo ginawa yun?" "Binigay ko na lahat sayo Kyle.. May kulang pa ba doon?" "Wala, walang kulang sayo.. Sobra sobra ka pa nga" "Sobra? Anong sobra doon? Niloko mo padin ako!" "Mahal kita love.. Wag mo akong iwan.." "Hi...