NUWEBE

21 2 0
                                    

Klea's Pov

Bakit parang dinuduyan yata ako?

Nanlalabong pilit kong minulat ko ang aking mga mata, kung tama ang pakiramdam ko ay meron nagbubuhat sa akin?

T-teka, sino 'to?

B-babae?

Iyon lamang ang aking natandaan, at tuluyan ng nandilim ang paningin ko.

----------------

Nagising na lamang ako ng may naririnig ako na malakas na boses na nag-uusap.

"Ano bang nangyari sa kanya?! Dapat kasi hindi na natin pinayagan na magtrabaho 'yan e! Napapabayaan niya lang ang kalusugan niya!"

Doon na tuluyan bumukas ang mata ko para lamang masaksihan ang galit na itchura ni Kuya Darryl.

Kuya Darryl Rodriguez, kapatid ni Camille at pinsan ko rin siya.

Over protective siya mga be.

Pero ano nga bang ginagawa niya dito? At nasaan ako?

Patuloy pa rin siya sa pagdakdak, kalalaking tao ang ingay!

Iginala ko na lamang ang aking patingin, para lamang mapagtanto na nasa school clinic ako.

Napansin yata ni Camille na gising na ako at doon na siya tuluyang lumapit.

"Thank God! Kamusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba? May masakit ba sayo? Dadalhin ka na ba namin sa Hos —"

Isa pa 'to e, pero bago niya pa maituloy ang sasabihin niya, ay tinakpan ko na ang bibig niya.

Magkapatid nga sila.

"Okay lang ako pren, ano nga pala ang nangyari?"

Dahil gulong-gulo ako, kung bakit narito ako ngayon. Ang huling natatandaan ko lang ay nasa c.r ako at -

Umiiyak.

Shit! Naalala ko na naman yung pagdadrama ko kanina sa c.r mabuti na lamang at walang tao, dahil paniguradong magmumukha lamang akong kaawa-awa.

"May nagdala sayo dito kanina, may estudyante lang na lumapit sakin kanina para ipaalam na nandito ka"

Wika ni kuya Dars, hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa amin ni Camille.

"Ano bang pinanggagawa mo ha, Klea? Tingnan mo nga yung itchura mo namumutla ka na."

Hinawakan pa nito ang kamay ko, at patuloy pa rin sa pagsermon.

Nako, heto na naman po ang dalawa at nagtandem pa po sila para sermonan ako.

Ngitian ko naman sila, para hindi na sila mag-alala sa akin.

Sobrang pasalamat ako, dahil andiyan sila palagi sa tabi ko. Kahit naman ganyan 'yang mga pinsan ko alam ko naman na mahal namin ang isa't isa.

"Bakit kasi ang tigas ng ulo mo? Sabi ko kasi sayo na kami na ang bahala sa lahat ng gastusin at pag-aaral mo, pero makulit ka pa rin tingnan mo tuloy ang nangyari, nagkakasakit ka na"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

At napansin yata iyon ni kuya, kaya natahimik siya.

"K-kuya alam mo naman e-eh, ayokong maging pabigat sa inyo, saka kaya ko naman ang sarili ko nakaya ko ngang mabuhay ng ilang taon na ako lang e."

Tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha ko.

Kaya ko naman e! Saka baka isumbat pa ng mga magulang ko ang naitulong nila kuya, pag nalaman nila na tinulungan nila ako.

"Sssssh, 'wag ka ng umiyak pren basta kung may kailangan ka nandito lang kami ni kuya, hindi ka namin tatalikuran"

Pagpapatahan sa akin ni Camille, marahil ayaw niya lang ipakita na naaawa sila sa kalagayan ko.

Walang magulang.

Walang nag-aaruga.

Namumuhay ng mag-isa.

Hagod-hagod ni Camille ang likod ko, habang nakayakap ako sa kanya.

Tuluyan na rin nawala ang lakas ko at napili na lang na umuwi ng bahay, dahil paniguradong hindi ko na kakayanin pa na pumasok pa sa mga klase ko ngayong araw.

"Sure ka na ba Klea? Tawagan mo ako agad kapag may nararamdaman kang kakaiba ha?"

Patuloy na sabi ni Camille, habang inaalalayan ako nasa tabi lang namin si Kuya Dars na hindi na nagsalita mula pa kanina.

Hindi na ako nakatanggi ng silang dalawa pa ang nagpilit na ihatid ako, gusto pa nga nila na doon na muna ako sa kanila para maalagaan, pero hindi ako pumayag.

Baka malaman pa ng magulang ko 'yon at sumbatan pa nila ako.

Pagkaalis nila, ay nanghihinang napasandal na lang ako sa pintuan ng apartment na inuupahan ko.

Hindi nalang muna siguro ako papasok, at magpa-file nalang ako ng sick leave sa trabaho.

Tinuloy ko na ang paghiga sa maliit kong kama, pero bago tuluyang makatulog ay inaalala ko parin ang babaeng nagdala sa akin kanina sa clinic.

So hindi pala hallucination 'yon?

Pero

Sino siya?

I LOVE YOU SO BADWhere stories live. Discover now