Chapter 7

996 81 5
                                    

Maymay POV

If this is a dream, please God, sana hindi na ko magising. Ang tagal kong hinintay ito, ang bumalik sakin si Edward.

Ito ang naiisip ko habang patuloy akong hinahagkan ni Edward.

Mainit. Nakakadarang.

Ni hindi ko na namalayang naisampa na niya ako sa ibabaw ng table at naalis na sa pagkakabutones ang dalawang butones sa taas ng aking blouse. Sigurado ako, nagtanggal na sa pagkakapusod ang aking buhok dahil ramdam kong hinihila ito ni Edward habang naglalakbay na sa aking leeg ang kanyang labi.

"Eeewww! Yuck!" pagkatapos narinig ko pa na parang nasusuka si EJ.

Tumigil kami sa aming ginagawa. Hindi namin namalayang may nagbukas sa pinto ng office.

"Shit," sabay naming nasabi.

Dali-daling kong binutones ang aking blouse at inayos ang aking buhok. Nagawa ko ito discreetly dahil natatakpan ako ni Edward mula sa pinto. Sana lang, walang nakita si EJ na hindi niya dapat makita.

"Daddy, don't kiss Mommy! Girls have cooties."

Magkadikit ang aming mga noo nang sabay kaming natawa ni Edward.

Napansin ko rin na nakasandal sa pinto si Mike at nakakaloko ang kanyang ngiti. Sinadya niyang idala si EJ sa amin.

"Tito Mike said if I kiss a girl, I will get sick. I don't want you to get sick, Daddy."

"EJ, come here." Napatingin ako kay Edward. May pag-aalala sa kanyang mukha.

Natatakot ba siyang hindi siya pupuntahan ni EJ?

"Daddy! Daddy!" Patakbong lumapit si EJ sa kanyang ama. Kita sa mukha nito ang excitement.

Habang nakamasid ako sa kanilang dalawa, kita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Edward habang yakap-yakap niya si EJ. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Magkayakap ang dalawa nang lumapit sa akin si Mike at inabutan ako ng tissue. Inakbayan niya ako at bumulong.

"Here... Sabi ko sa'yo babalik siya, di ba? Mahal na mahal ka ng bestfriend ko."

"Oo na, next time maniniwala na ako."

"Dapat lang. Sayang ang mga luha, teh! Pumapangit ka pa naman kapag umiiyak."

"Bwisit ka talaga, Mike," natatawa kong sagot.

"Pero... seryoso, what happens now, Maymay?"

_____________

Edward POV

My son talks non-stop. Half of what he's saying, I can't understand. Pero okay lang. Iba pala ang pakiramdam na mayakap mo ang iyong anak kahit pa ngayon lang kayo nagkita.

He looks like me. Meron na akong mini-me! Napangiti ako. Naiisip ko na ngayon pa lang ang magiging reaction ni Marco. Siguradong maiispoil si EJ sa kanya.

Habang abala ang aking anak sa kakakwento, naisipan kong sulyapan si Maymay.

Nakita kong inaakbayan siya ni Mike. Talagang naging close sila nang mawala ako sa buhay ni Maymay.

Napaismid ako. If only looks could kill. I can kill my bestfriend right now.

"Daddy, pay attention," sabi ni EJ habang hawak niya ang magkabilang side ng ulo ko at itinapat sa kanya.

"Just a second, EJ. Let's go to your mom, okay?"

"Okay."

Kinarga ko si EJ at lumapit kina Maymay.

Konting dikit pa Mike, mabubugbog talaga kita! Kahit pa bestfriend kita.

Nang makalapit ako, narinig ko ang dulo ng kanilang conversation.

"Pero... seryoso, what happens now, Maymay?"

Iniisip ba niyang may pag-asa pa siyang maging sila pa ni Maymay?

Ako ang mahal ni Maymay, di ako papayag na magkahiwalay pa kami ulit.

Kahit na bestfriend ko siya wala siyang magagawa.

Walang sinuman ang makakapigil sa akin na bawiin ko ang mag-ina ko!

"Hands off, Mike," di na ko nakapagpigil pa.

"Bro, ano bang problema mo?"

"Ikaw."

"Hoooy! Ano bang akala mo kay Maymay? Laruan? Kapag gusto mo, kukunin mo? Bawal hawakan, ganern?"

"What the-"

"FYI, bestfriend lang kita pero kumare ko si Maymay. I am EJ's godmother!"

"Wha-? Really? Is he for real, babe?" baling ko kay Maymay na di napigilan ang mapabungisngis.

"But of course, I am real. Ako pa rin ito. Ang iyong bestfriend na si Mike. Same old same old except ngayon, di na ko closet."

"It's true, Edward."

"Besides, di kami talo ni Maymay, no?!"

"Huh?!" 

Hindi makapaniwala si Edward that Mike is gay. Apparently, inamin niya ito kay Maymay isang gabing lasing ito at nakipagbreak sa kanya ang kanyang boyfriend. Discreet ito kaya walang nakakaalam sa amin.

Napangiti ako. The road to my happiness is cleared. Isa na lang ang kulang, ang maging isang pamilya kami Nina Maymay at EJ.

12.19.2019

Passenger Seat (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon