Chapter 6

995 81 3
                                    

"Tell me everything, Maymay. Please!"

Tiningnan ko si Edward. Bakas sa mukha niya ang determinasyon na malaman ang lahat.

"Edward, wala akong balak itago sa'yo ang lahat ng nangyari sa akin simula ng magbreak tayo. Like I said, I tried my best to find you after you left. But I had to take care of myself, too. Pagkatapos, every time na lang na tatangkain kong hanapin ka, may darating na problema or something na mas dapat kong unahin. One year became two hanggang sa sinabi ko na lang sa sarili ko na sasabihin ko sa'yo kapag nagkita na tayo."

"Five years, Maymay! That was five years too long!"

_____________

Edward POV

Sa sobrang frustration ko, napatayo ako sa kinauupuan ko at nagpalakad-lakad.

"Tell me everything I need to know."

"Okay," sabi ni Maymay, "But before anything else, I'd like to apologize. For all the pain I've caused you. Secrets. For everything."

Wala akong maisagot. I don't know what to say to her. Tumango na lang ako. Mamaya ko na iisipin. Mamaya na ako mag-iisip pagkatapos kong malaman ang lahat.

Bigla siyang tumawa. Yung klase na walang bahid ng kasiyahan. Humorless. Halos maiyak na siya sa kakatawa hanggang sa maging totoong luha na ito.

"Funny thing," sabi niya pagkatapos niyang pahirin ang kanyang luha, "the day you left... Nakatanggap ako ng tawag sa doktor. Sabi niya, 'I'm sorry Ms. Entrata, there has been a mixed up. Can you go to my clinic right away?'

Dun pa lang alam ko na... Alam ko na na ginawa ko ang lahat para iwan mo ako pero para saan? Sa mixed up? Sinaktan kita dahil sa pagkakamali ng iba. For no reason at all."

Wala akong makitang nakakatawa sa kinukwento niya. I am beginning to see that I am also at fault here. Kung di lang sana ako umalis. I should've tried harder.

"I didn't have leukemia. I was pregnant."

And I left you to fend for yourself. Idiot!

"Hinanap kita. Tinanong ko lahat ng kaibigan natin. Wala silang maisagot. Even si Mike. Sabi niya pagdating niya sa apartment niyo, wala na lahat ng gamit mo. Pinuntahan kita dun dahil baka kako pinagtatakpan ka lang niya. You deleted all your socmed accounts. Pati na rin yung phone number mo, di namin makontak.

I had to stop looking for you. I was anemic, di ba? That was also why I didn't suspect my pregnancy. Masyadong erratic ang period ko. I had to take care of myself for the baby."

"Did you sue the doctor?"

"No. Mike threatened the doctor, though. In exchange for that, nag-offer yung doctor na gumastos sa lahat hanggang sa makapanganak ako. I accepted. I was too weak to hold a job or do anything else. Isa pa, alam mo namang di ko kayang gawin sa tao yun. He was sorry. He took care of my maternity bills. Enough na yun sakin.

Buti na lang nandiyan si Mike. Pagkatapos kong makapanganak, siya ang tumulong sakin. Instant yaya. Nagtrabaho muna ako dito sa cafe habang nagrereview for board exam."

Napangiti si Maymay, for the first time since nagsimula siyang magkwento. This time, it's real.

Parang kinurot ang puso ko dahil dapat ako ang nasa posisyon ni Mike ngayon. Ako dapat yung kasama niya nang mga panahong iyon.

I can't believe that I am jealous of my bestfriend.

Di ko yata kakayaning malaman na napalitan na niya ako sa puso ni Maymay.

"Edward, I'm sorry if I gave up looking for you. I was so caught up in taking care of EJ and work. I'm—"

Nilapitan ko siya. Kinuha ang kanyang mga kamay at isinakop sa isang palad ko. Sapo ng isa kong kamay ang kanyang pisngi.

"Maymay, there is nothing to forgive. Ako pa nga ang dapat humihingi sa'yo ng sorry. I'm sorry I left you. I'm sorry for being absent while you were going through all that. Can you forgive me?"

"Edward, it's okay. Besides, you gave me EJ. Kahit gusto ko minsan na magalit sa'yo, isang tingin ko lang sa kanya...I will go through all of that again."

"I love you. God, I miss you so much!"

"Walang nagbago, Edward. Ikaw pa rin ang may-ari nito," ani niya habang nakaturo ang kanyang daliri sa tapat ng kanyang puso.

I have to kiss her. Biglang sumagi ito sa isip ko nang marinig ko ang mga salitang iyon sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na kabigin ang kanyang ulo para mahalikan ko siya.

Isa lang ang naisip ko nang maglapat ang mga labi namin,

Finally, I'm home.

12.19.2019

Passenger Seat (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon