Prologue

5 0 0
                                    


"Yellow? baby I'm home!" sigaw ko nang makapasok sa loob ng bahay namin.

Nakapagtataka lang, dati rati ay pagbukas ko palang ng aming pintuan ay mabilis siya ang bumubungad sa akin.

Kumunot ang noo ko sa kaayusan ng bahay, nagkalat ang mga unan ng sofa sa lapag at may mga basag din na vase. Lumaki ang mata ko sa patak ng dugo sa lapag. Sinundan ko ito ng tingin, nasa iisang direksyo lang nagtungo , sa kwarto ni yellow.

Dali dali akong nagtungo roon. "Yellow!" nakahinga ako ng maayos ng makita ko siyang nakadapa sa kama. Ngunit nanginig rin kalaunan, nang makita ko ang basag na bintana niya. Pakiramdam ko ay naubos lahat ng dugo sa aking katawan, nanghina at napaluhod sa sahig.

"N-no..." parang mauubusan ako ng hininga sa sinapit ng mahal ko. Pagapang akong lumapit sa kama. Nakatakip ang kumot sa kalahating katawan niya. Tuluyan na akong napaiyak ng maalis ang kumot sa kalahating katawan niya.

"H-hindi...No!" kumawala ang hagulgol sa bibig ko. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi, "Y-yellow..b-baby..d-do you hear me?" kinausap ko siya ngunit, nakatulala lang siya sa kawalan na animo'y wala ako sa kanyang harapan. Masakit na makita siyang ganito.

Yinakap ko siya ng mahigpit at hinalikan siya sa noo, Malabo man ang paningin ko dahil sa mga luha ay kitang kita ko parin ang kahayupang ginawa ng hayop na iyon sa mahal ko.. walang saplot sa pang-ibaba, bakas ang mga kamay ng karahasan sa kanyang pribadong parte at ang dugong hindi ko gugustohin mawasak nino man.

Kung sino man ang gumahasa sa mahal ko, lintek lang ang walang ganti. Pinapangako kong magbabayad ang may gawa nito.

"Y-yellow.. m-mahal na m-mahal kita" humagulgol ako sa nararamdamang sakit at galit..

Hindi ko ito palalampasin..

Magbabayad sila..

The Star of My UniverseWhere stories live. Discover now