One

5 0 0
                                    


"kuya! laro tayo!" sigaw ng dalagang si yellow sa kanyang binatang kapitbahay na si Richie. Si Richie ay bente uno anyos, kasalukuyang nag-aaral ng BS Criminology at ito ang kanyang ika apat na taon sa kursong ito.

Dalawang taon narin simula nang lumipat siya sa Bahay na kung saan ay nakilala niya ang dalagang si yellow. Nalaman niya rin ang sitwasyon ng dalaga, kaya naman mas naging malapit ang loob niya dito.

Sa mabubuting bagay na ipinapakita niya, hindi lang ang dalaga ang nagtiwala sa kanya kundi pati ang magulang nito. Kapag may mga lakad ang mgulang ng dalaga ay sa kanya iniiwan ang pag-aalaga kay yellow.

Naging magkaibigan ang dalawa sa kabila ng kanilang sitwasyon. Tagapagtanggol ni yellow si Richie sa mga gustong tuksuhin siya sa pagiging isip bata o special child.

"ano bang gusto mong laruhin? hmm?" may halong lambing ang pananalita ng binata

"gusto ko yung!.. ano.. ano...aha!habulan!.. kuya!habulin mo ako! ikaw taya!" nagsimula nang tumakbo ang dalaga, kaya hinabol siya ng binata. Sila'y parehong nakangiti, parehong masaya.

Ngunit lingid sa kaalaman nila ay mayroong binatang nakamasid sa kanilang galaw, ang hawak nitong tatlong tangkay ng rosas nagpipiraso sa higpit ng kanyang kamay, sa oras na iyon ay galit at selos ang namayani sa kanyang dibdib.

****

"Doc, how's my wife?" aligagang tanong ko sa doktor.

"As of now, sir she is fine but still unconscious, we'll observe the patient until she's awake. You can now check her sir" kinamayan ko ang doktor at nagpasalamat.

Nakita ko siyang nakaratay sa hospital bed, mas mabuti na ngayon ang itsura niya, she's peacefully sleeping. Inilapag ko ang bag na naglalaman ng damit namin ni yellow, matapos kong makita ang nangyari sa kanya ay tumawag agad ako ng ambulansiya sa pinakamalapit na ospital sa Bahay. Hindi ko na rin tinignan kung anong damit ang napasok ko sa bag, ang nasa isip ko ay madala si yellow sa ospital.

Nagsisimula palang kami ng asawa ko, pero heto na agad ang pagsubok.

Akala ko eto na ang pinakamalala.

Hindi ko inaasahan na may mas malala pa pala...

The Star of My UniverseWhere stories live. Discover now