Tumunog ang doorbell sa Bahay ng dalagitang si yellow. Nagkatinginan ang magkakapamilya, at dahil nag-iisang anak, nagpasya si ginang rose -na siyang ina ni yellow- na buksan ang pintuan.
"Yes? Sino ho sila?" ang sambit ni ginang rose
"Dito po ba nakatira si miss yellow sanchez?"
"Oo iho, anak ko siya" naguguluhang sagot ng ginang
"Ah, ma'am delivery po kay miss yellow" nakangiting saad ng delivery boy sa ginang.
"Paki pirmahan niyo nalang po ito" nagtataka man, ay sinunod ng ginang ang sinabi ng lalake.
Inabot ng delivery boy ang isang kahon ng paboritong tsokolate ni yellow at tatlong tangkay ng rosas na mayroong nakasabit na maliit na sulat. Lulan ng sasakyan ay nakaalis na ang delivery boy.
Naguguluhang pumasok ang ginang dala ang rosas at tsokolate para kay yellow.
"Anak" tawag niya dito. Lumingon ang dalaga mula sa panguya ng pagkain. Lumaki ang mata nito pagkakita sa dala ng kanyang ina. Ngumiti ito ng pagkalaki laki at inabot ang mga rosas at tsokolate kay ginang rose.
"yehey! may tsokolate na naman ako!" maligayang saad ng dalaga
" Na naman? anak, kalian ka pa nakakatanggap ng ganyang mga regalo?" kinakabahan man ay pilit itinatago iyon ni ginang rose at kalmang kinausap ang anak. Sa kabilang banda ay hindi na naki sali sa usapan ang amang si ginoong Edwardo at nakinig na lamang.
"uhmm.." aktong nag isip ang dalaga, ang hintutro ay nakalapat sa bandang kanan ng kanyang ulo. "nakalimutan ko na po basta binibigyan niya ako ng rose.. at.. chocolates.. tapos.. tapos I-kiss niya ako.. sa.. cheeks ko.." kamot ulong sambit ng dalaga.
Nagkatinginan ang mag asawa, parehong nangangamba sa posibleng mangyari sa kanilang anak, kapag nagkita pa sila ulit ng misteryosong lalaki, Lalo na't may kapansanan ang dalaga hindi nito maprotektahan ang sarili kapag nag iisa.
***
"Mister, in fourteen days of observing the patient's situation. She's diagnosed as having ASD (Acute Stress Disorder) which was triggered by that incident. Your wife is showing the Arousal symptoms, she's being aggressive, physically. Tense and startled easily.Kaya hindi natin siya makausap ng maayos at mahawakan." paliwanag nang doctor
"A-anong dapat kong g-gawin doc?" hindi ko maituwid ang pananalita sa panghihina
"You must make an appointment to a mental health professional " huminga nang malalim ang doctor matapos niyang sabihin sa akin iyon.
"Yes, i'll do that. Thank you doc" aalis na sana ako nang hawakan nang doctor ang balikat ko.
"I'm sorry" sinsero niyang sabi. Tumango ako at ngumiti ng pilit. " I'll go first doc" sambit ko at nauna nang umalis.
I'm near to giving up, but when I remember your laughs, smiles, kisses, and hugs it's giving me the strength to fight for more, for you, for us.
YOU ARE READING
The Star of My Universe
Short StoryYou shine bright like stars *** My love for you is eternal... Till death do us part yellow...