III Sakit at Pighati

14 3 1
                                    

Mabaho #3

(Bebang Pov)


Biglang may humarurot sa tabi ng kalsada at sa gulat ko ay inakap ko ng mabilis saaking bisig ang batang babae.

Pinagpag ko ang sarili ko at saka inamoy, may gosh!... Sigaw ko sa utak ko ng maalala kong may gagawin pa ako. Lagot nanaman ako kay mama nito,

Hinanap ng mga mata ko ang batang aking tinulungan kanina lamang, ano ang iyong ngalan hijah? Tawag ko sa pansin ng batang inaayos ang nahulog sa canal na stuff toy, lumingon siya nang masaya at puno ng galak ang kan'yang ekpresyon sa mukha.

Ano name mo baby? Tanong ko ng pagkalambing-lambing na tono ng aking boses na maganda'chour!!!

Ako po si Ellah ate?

Ako naman si ate Bebang. Saan ba kita maaaring ihatid para makauwi na tayo pareho nakangiti akong nagpakilala kay Ellah, napaka gandang pangalan para sa isang cute at napaka gandang bata.

Paki turo naman po aling Nena yung antena na nasira nung pusa ko, kinakabahan kong tanong kay aling nena dahil sa kagagawan ni Itim.

Natapos ko lahat ng pinapaayos sakin ni aling Nena dahil sa kalikutan ng pusa naming si Itim.

Naglalakad na ako papunta sa aming bahay ng makita ko ang napakaraming tao sa labas ng aming barong-barong at tagpi-tagping bahay.

Nakaramdam ako ng kaba at panlalamig ng aking katawan, tumakbo ako ng napaka bilis at hinawi ng mabilis ang mga ususero't ususera naming kapit bahay.

Pagkapasok ko ay tumambad saakin ang aking kapatid na si kekang na walang malay at si mama na hawak ang kaniyang kamay at lumuluha, habang nakikita ko iyong senaryo ay parang bumabagal ang bawat takbo ng oras sa aking paningin, diko namalayang nasa labas na sila at saka ako nagmadaling tumakbo sa loob ng ambulansiya pagkaupo ko ay agad kong hinimas ang likod ni mama para kahit naman papaano ay gumaan ang kaniyang nararamdaman.

Dumating kami sa harap ng pinaka malapit na pagamutan ang CGH o Chinese General Hospital agad kaming inassist ng mga tao sa labas ng entrance ng emergency at doktor na mag checheck up sa kapatid ko.

Tinignan ko si mama na hindi humuhumpay ang pag tangis at pagtulo ng luha, humarap diya saakin at saka ako inakap at ginantihan ko rin ito ng isang mapagmahal at puno ng pagmamahal na yakap.

Magiging maayos din po ang lahat ma alam mo naman na nandiyan pa si G ang ating gabay.

Makalipas ng ilang oras na paghihintay sa emergency room ay labas ang isang doktor na halatang nagmamadali at seryoso ang ekspresyon, Maam kayo po ba ang mommy ng batang si Klarisa Joy? May nangyari pong pagputok sa isang ugat sa parte ng cerebellum ni Clarissa na kailangang masature at matigil ang pag clot ng kan'yang dugo dahil kung hindi ito maagapan ay maaaring maapektuhan ang kaniyang utak, mamumuo ang dugo at ang pinaka delikado ay baka ma Coma ang iyong anak, seryoso at malinaw na paliwanag ng doktor habang nakatingin sa aking ina na hindi ko namalayang marami nang butil ng luha ang naipon sa kan'yang mga mata at dahan-dahang bumabagsak sa kan'yang pisnge.

Gawin niyo po ang lahat ng inyong makakaya Doc. Diko po kayang mawalan ng isang haligi ng aking buhay, diko kakayanin ang sakit kung may mangyayari saaking anak, puno ng takot at pagsusumamo ang tono ni mama habang kausap ang doktor na incharge kay Kekang.

Naiiyak ako sa nangyayari saaming buhay. Sana gumaling kana Kekang kapag gumaling kana makakapag aral kana ulit, makakapag lakad, makakapag laro sa labas, makakabasa kana, at makakapag saya kana ng hindi iniintindi ang sakit mo, mabigat kong sumamo sa loob ng aking utak na kinakausap ang panginoon.

Sinabi na saamin ang sumo total na kakailanganin namin pagkatapos ng operasyon kay kekang.

Diko alam kung saan kami hahagilap ng 865,730 thousand pesos na halaga, may pumasok na ideya sa medyo kaliitan kong utak.

Ang naisipan kong plano ay mag hanap ng trabaho at ng mga raket para sa pandagdag bayarin at gastos namin dahil hindi pa kasama ang mga maintenance na gamot ni kekang, at pati natin ang kaniyang monthly check up

Umuwi ako ng bahay at naglaba ng mga ginamit na damit ni kekang at ni mama, at mamaya pag uwi ko ay kukuhain ko nalang ito sa sampayan at ihahatid sa ospital, hindi ps umuuwi si mama mag dadalawang araw na ngayong nakaratay si Bakekang sa loob ng ospital para obserbahan ang kaniyang kondisyon para sa isasagawang operasyon.

Tut...tut...tut...tunog ng aking alarm clock sa aking 3210 na Nokia, hudyat na umaga na at kailangan kong gawin lahat ng dapat na gawin para sa isang prodoktibong araw na ito.

4:56 na ng umaga at kasalukuyang naghahanda ako ng mga dadalhin sa ospital bago ako pumasok sa aking paaralan.

Nang handa na ang lahat ay gumayak at kinandado ko na ang pinto ng aming mansion jonks!

Rumampa na ako papunta sa kanto ng sakayan ng mga mayayamang mamamayan ang sikat na jeep sa ating bansang pilipinas, pumasok ako sa jeep at nagbayad nagdadasal ako habang umaandar ang jeep papuntang CGH para sa pag galing ni Kekang.

Pumasok ako ng ospital at dumeretso sa kuwarto na kinalalagyan nila Mama at ni Kekang, hindi na ako kumatok dahil baka tulog pa ang mga ka share nila Kekang sa kuwarto, pagpasok ko ay nakita kong tulog na tulog si Mama at hawak-hawak ang larawan naming buong pamilya?

Parang sumakit ang dibdib ko sa aking nakita, hawak ni mama ang Retrato namin ng buo pa ang aming pamilya?

Kinuha ko ito at inilapag sa side table ng ospital at saka inilagay sa ilalim ng side table ang mga damit, ipinatong ko naman ang lugaw na aking binili at 6 napaketeng kape para kay mama kapag nagising siya.

Hinalikan ko si Mama at si Kekang na mahimbing na natutulog sakalumabas para deretso sa aking pinapasukang paaralan.

Inabot lang ng 26 mins ang biyahe dahil maaga pa naman at hindi pa ganuon ka traffic sa lugar.

Bumaba ako sa tapat ng aking pinapasukang paaralan, makikita mo rito ang malaking gate na may nakalagay na MMK University, nakatunganga ako sa harap nito habang iniisip ang dahilan ng pagiwan samin ng walang hiya kong Ama, diko nga alam kung tatawagin ko pa ba siyang Ama eh wala naman siyang naitulong saamin, kundi puros pasakit lamang lalo na kay Mama.

Beep!!!,nagulat ako sa lakas ng busina sa likod ko at nang haharap na ako ay...

Itutuloy!

Enjoy!






I See Your True Colors🎶Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon