Sunshine and Crush continuation..

43 3 0
                                    

        "OH MY GOD!! Ba't di niyo ako agad na tinawagan." tili ko sabay giggle,.eh pano ba naman yung taong nasa baba ng building namin ay babycake Aguirre. Aaaaaaaaaaahhhhhh kilig to the bones talaga pag nakikita ko si babycake.

        Curious kayo nuh! Basa na lang kayo ayokong ishare ang mga infos about them eh.  (A: ay madamot? madamot?)

        Iieehh sige na nga pero wait lang ehrrrmm hrrrmm..ok pwede na.

        Babycake GP Aguirre, uy GP lang name niya ah hindi kasama yung babycake. Straight po siya straight. Ok seryoso, GP Aguirre, 18 years of age and a second year criminology student here at Unknown University. Mabait, matalino, charming, sporty at gwapo pero.......................................................................may pagkamahangin.(A: mukhang may nakakalimutan kang idagdag sa deskripsyon niya.)

        Ano naman yun Ms. Author? (A: yung hairstyle niya. Yung buhok niya na laging nakatayo na akala mo hindi papapasukin sa gate ni manong guard dahil napagkamalang may dalang deadly weapon haha)

        -_-  sige Ms. Author tawa pa more. Pag nalaman ko kung sino crush mo hayaan mo, ibabalik ko lahat yan. (A: oo na sorry na pero di ko babawiin yun eh sa totoo naman)

        Ok back na tayo huwag niyo na lang pong pansinin si Ms. Author sinusumpong lang yan.

        Habang tinititigan ko siya mula rito ay hindi ko mapigilang kiligin kapag naaalala ko ang mga convo namin sa text every night.

        "Uy alam niyo ba sinagot na raw ni Sheen si GP." bigla akong napatingin sa mga BSBA students na nag uusap usap

        "Talaga? Wow swerte naman ni Sheen kasi isang heartrob ang boyfriend niya." girl 2   ouch lang mga ate huh. Kung makapag usap kayo sa buhay ng iba. Helow may nasasaktan rito

        "Eh swerte rin naman si GP ah kasi maganda at matalino si Sheen." girl 3. Oo na oo na maganda't matalino na siya. Eh ano naman ngayon? Haixxt nagiging bitter na naman ako hooohhh chill lang Shine mas maganda't matalino ka dun.

        "Shine!" sabi sakin ni Majoy at niyakap ako ng mahigpit

        Hindi ko napansin na tumulo na pala ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Masakit kasi eh napaka paasa niya sobra. Nakakabadtrip talaga siya, meron na pala siyang nililigawan tas ang sweet sweet niya sa akin sa text. Eh letse pala siya ehh..

        "Tama na yan." sambit naman ni Hazel sabay pahid ng mga luha sa mukha ko "Crush lang yun hindi dapat iniiyakan diba nga sabi mo sakin nun nung nakita kung nagdedate yung dati kung crush at classmate natin ay hindi dapat ako magpaapekto at umiyak dahil hindi sila worth it sa mga luha ko. Dahil ang crush hindi dapat pinapalalim dahil ang crush pang-inspiration lang."dugtong niya

        "Oo nga! Eh kami nga halos araw-araw namin nakikita na kasama ng mga crush namin yung mga gf's nila. Kahit masakit na then so be it. iyon naman ang pinili namin eh. Alangan namang isisi namin sa kanila eh wala naman tayong karapatan." sambit ni Nikki, minsan lang to magsalita dahil siya ang pinakatahimik saamin siguro may problema rin siya dahil bakas sa pagsasalita niya ang lungkot

        "Oooooopppppss tama na yan! Hindi bagay. Atsaka don't stress your self nakakapangit." pagbibiro naman ni Geraldine "And anjan naman si Gallardo babyloves eh." with feelings niyang sabi

        "BALIW!!!!!!!" sagot ko sabay batok, kahit kelan talaga

        "SUNSHINE!!!UY ANI BA TANGHALI NA GUMISING KA NA JAN!!" hmmm ba't ba ang ingay ingay nila nakikitang natutulog yung tao ehh(in a sleepy tone)

Tropang Adik Sa Crush(TASC) One shot and Short story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon