...After two weeks..
Alam niyo yung feeling na parang gusto mo nang maglaho na lang. Iyong instant ba. Eh kasi naman two weeks na mula nung mangyari yun. Yes two weeks na ang nakakalipas and two weeks na rin kung nagbubuhay artista dito sa skul. Sabi nga ng instructor namin "Congratulations blockbuster ang palabas niyo.^______^" sasagutin ko sana ng o"Masaya ka na dun ma'am??" sa lapad ng ngiti niya ehh kala mo ang ganda ganda ng nangyari. Pero siyempre hindi ko na itinuloy baka magkamovie na naman ako ng wala sa oras -_- . Dati isa lang akong simpleng educ student na kilala lang sa college namin. Iyong nasa isang kubo lang na pasimpleng kinikilig, ay lantaran pala kung minsan sa lakas ng tilian, pag dumaan o nakita si crush kasama ang mga baliw na kaibigan. But in just one bling nagbago ang lahat. Iyong dinadaan daanan lang noon ay siyang trending araw araw ngayon.
Sa two weeks yun. Sinusubukan kung ibalik sa dati ang lahat. Nakakabadtrip na kasi ehh. Ano ba kasing kasalanan ko sa kanila para pagpiyestahan ako ng ganito. Bakit ngayon lang ba sila nakarinig ng ganun? Duh wala namang taong walang crush diba? Kahit nga matatanda napagdaanan yan ehh. Sino magsasabi na wala silang crush ng.....but unless kung abnormal sila pwede pa.
"uy Shine ano ka ba kawawa naman yang upuan sinisira mo na ehh." nabalik naman ako sa reality sa pagsigaw ni Majoy
"Haiixxt wala ka na naman sa huwisyo. Shine uso ang salitang MOVE ON alam muh yun." wow kung makapagdiin naman to sa salitang move on " We know masakit given na yun ehh." seryosong dagdag ni Rosalia pero halata parin doon ang pag aalala"But it is for your own good din naman ehh."
"Aayy ano ba kayo paulit ulit niyo na lang sinasabi yan. Eh sa hindi pa talaga maprocess ng mind niya ang nangyari." sabi naman ni Geraldine, minsan lang to makapagsalita ng matitino eh hahah"Alam mo Shine huwag mo silang pakinggan kasi............hindi uso ang move on. Tsaka huwag mo nang itry kasi natry ko na yan and hindi effective." PAK "Aray ba't ba kayo nambabatok. Sinasabi ko lang naman yung akin." pagbubugnot niya. Eh binatukan lang naman kasi siya ni Sharlyn eh kasi naman akala mo ang ganda ganda na ng sasabihin niya, seryoso na ehh. But at the end kalokohan parin.
"Eh balak ko pa nga sanang bigyan ng isa pang batok yang ulo mo ehh. Baka sakaling mabalik yung utak mo na nahulog na ata jan sa talampakan mo." bulyaw nito. Uy maliit yang si sharlyn pero huwag ka, amazona yan. "Kita mo na ngang napakalaki ng problema nung tao. Na tinutulungan naming kalimutan na yung ginawa sa kanya ng bruhang mukhang paa at ng kapreng gwapo na iyon."pasigaw niya paring sabi, feel ko nga mababasag na iyong eardrums ko ehh. Nagtatakip na nga ng tenga yung mga kasama namin dito.
"Alam mo anlaki talaga ng naitutulong mo Ger promise." sarcastic naman na sambit ni Diane
"Wow Diane nahiya naman ako. Lagi kang nagsasalita. Ano readers andami niyong narinig na sinabi niya nuh." sagot ni Ger in a sarcastic tone
"Tumigil na nga kayo. Imbes na makatulong tayo kay Shine ehh dumdagdag naman kayo." ow asar na si Nikki niyan
Tumahimik naman yung dalawa at hindi lang nag imikan. Haixt dahil tuloy sakin nagkakalabuhan ang mga kaibigan ko. Naiintindihan ko naman sila ehh, they just want to help me. Hindi nga lang sila nagkakasundo sundo because they all have their own ways, tulad ngayon.
Kataaaaaahimikan...
"Ano kapatid resbakan na namin? Kung hindi mo lang ako pinigilan eh baka matagal ng naturuan ng liksyon yung ungas na yun." pagbabasag naman ng kuya kuyahan namin na si kuya Carlo sa katahimikan. Yan, yang line na yan two weeks narin niyang litanya yan and two weeks na rin niyang sinasabi na pinigilan ko daw siya, eh ni hindi ko nga siya pinipigilan ehh
"Hay naku ang hangin woohh kapit kayo anjan na ang BAGYONG CARLO!!" Majoy says in sarcastic tone and with aksyon pa yan huh, iyong tinatangay ng hangin kuno "Pwede magtigil ka na jan sa kahibangan mo na yan. Eh sa tangkad at laki ng katawan ng mga iyon hindi ka pa nakakaporma eh bali-bali na yang mga buto mo." haha wala tameme talaga tong si kuya Carlo pagdating kay Majoy haha
...............................................
Andito ako ngayon sa paborito kung spot here in skul. Dito ako nagpapalipas ng oras kapag may problem ako and kapag busy ang mga friends ko.
Dito sa lugar na ito ko nahahanap ang katahimikan na gusto ko. Katahimikan na hindi ko matagpuan sa kung saan. Lalo na ngayon na pinagpipiyestahan ang buhay ko. Pati tuloy mga kapatid ko naaapektuhan na. And iyan ang pinakaayaw ko sa lahat ang madamay ang mga taong mahalaga sa akin.
This place was very memorable to me. Dito ko una nakilala ang mga friends ko ngayon na masasabi kong napakaswerte ko. And dito ko rin unang nakita ang lalaking naging biggest crush ko. But unfortunately na siya ring nanakit sakin.
Haixt naiiyak na naman ako. Akala ko dati hindi masama ang magkacrush. Iyon pala maganda at masaya lang sa una pero mababawi din ang mga kasiyahan na yan. And worst yung crush mo mismo ang babawi nun.
After a while naramdaman kong may tumabi sa akin. And sa scent palang ng perfume niya ay alam ko na kung sino siya.
"Sabi ko na nga ba andito ka lang ehh. Kanina pa kita hinahanap." sambit niya. Looks like pinipilit niyang pinapasigla ang boses niya, yet she failed. Kasi bakas parin dito ang lungkot
I look at her intently parang ineexamine ko ang mga galaw niya.
"What!" she said with a confused look
"Wala." I answered and she just shruged
"Alam ko masakit yung nangyari para sa iyo. kasi aminin mo man ito o hindi alam ko na hindi lang basta simpleng crush lang yan kundi mahal mo na siya. Alam mo bhei feel kita eh. Yung feeling na sa mismong bibig niya mismo nanggaling yung mga words na pinaka ayaw mong marinig. Yung mga bagay na magbibigay sa iyo ng sobrang sakit. Bhei alam mo yung feeling na gusto mo siyang sumbatan pero di mo magawa kasi nakaharang yung salitang wala kang karapatan. Pero best tao lang tayo nasasaktan." sambit niya and this time teary eyed na siya halatang nagpipigil lang..
"Oo bhei alam ko. And don't worry kasi i promise from now on or after this makakapag move on na tayo sa kanila hayaan mo yang magkaibigan na yan. Darating din ang araw na marerealize nila kung ano ang nawala sa kanila.." and with that nagtawanan kaming dalawa.Parang mga baliw lang eh nuh haha. But yes from now on sisimulan ko na ang OPLAN MOVE ON KAY CRUSH..
................................................
Oh yeah sa wakas natapos ko narin tong UD ko..kahapon pa sana pero alam niyo yung feeling na patapos kna tapos biglang madedeadsel si PC waaaaaaahh kabadtrip lang..ok guize enjoy reading and suportahan niyo parin ako..tenchu ^_^
READ, VOTE AND COMMENT....BE A FUN. And pakifollow narin po ako..
mazel01
BINABASA MO ANG
Tropang Adik Sa Crush(TASC) One shot and Short story Compilation
Teen FictionStory ng walong magkakaibigan na certified adik sa kanilang mga crush..