May dalawang magkatalik na kaibigan sina Inigo Montefalco na adik sa mga movies at matalino at si Kimchin Sheng na may long term memory loss at mabilis tumakbo, nakatira sila sa napakaganda, napakapayapa at napaka-espesyal dahil ang mga tao dito ay nagkakaisa at magkakakilala, ang barangay Batasan Hills. Isang hapon, ay may bagong dating sa kanilang barangay. Ang dalawa ay nakita ang bagong lipat at pinuntahan ang kanilang mga magulang para sabihin na may bago silang kapitabahay. Agad-agad silang pumunta sa bahay nang bagong lipat at ipinakilala ang isa't- isa. Ang pamilyang dang ay ipinakilala ang kanilang anak, si Gamon Dang na magaling sa martial arts. Sila Inigo at Kimchin ay inaya si Gamon para makipaglaro sa labas habang ang mga nanay nila ay nasa loob ng bahay nagkwekwentuhan at ang tatay ay nag-aya ng inuman. Habang tumatagal ang oras, ang pamilyang Montefalco, pamilyang Sheng at pamilyang Dang ay nagkakamabutihan ng loob. Di nila namalayan na gabi na at umuwi na sila.Makalipas ang ilang taon ay naging makakaibigan ang pamilyang Montefalco, Sheng at Dang. Nang maghahanda na si Inigo para pumasok ay mayroon silang nabalitaang mga nawawalang bata sa kalapit na barangay. Kaya ibinilin ni Victoriana kay Inigo na huwag pagpagabi sa daan lalo't ngayong panahong maraming nawawalang bata sa kabilang baryo at sinabihan kung mayroon mang pupuntahan ay magpaalam muna sakanya ito. Ang anak ay tumango at umalis na papunta sa eskwelahan. Si Inigo ay nasa eskwelahan na at nakita niya si Gamon at sabay silang pumasok sa silid-aralan. Makalipas ang ilang minuto ay nagtataka ang dalawa bakit wala parin si Kimchin dahil sa pagkaka-alam nila na hindi iyon nahuhuli sa klase, ang iba rin niyang kaklase ay wala. Ipinagwalang bahala nalang nila ito dahil akala nila ito ay hindi papasok dahil may sakit.
Natapos na ang klase at pauwi na sana sila ngunit nakita nila si Mina Razon-Sheng (ina ni Kimchin) na nagaalala dahil wala ang kanyang anak sa kanilang bahay at hindi ito pumasok. Nakita nila ito at dali-daling pinuntahan si aling Mina para tanungin kung anong nangyari kay Kimchin. Si Kimchin ay nawawala at pinaghihinalaan na nakidnap ang kanyang anak at ang iba pang bata. Dali-dali silang pumunta sa polisya at kwinento ang nangyari subalit sila ay walang pruweba na nakidnap talaga ang kanyang anak at sinabihang kailangan nila ng dalawamput-apat na oras para mapatunayang nawawala ang kanyang anak. Bago sila umuwi, nagdesisyon silang hanapin si Kimchin. Ginugol nila ang buong araw para hanapin si Kimchin, nagtanong-tanong sila sa mga tao sa ibang barangay, naglagay ng papel sa mga pader. Nakalipas ang tatlong taon ay paulit- ulit nila ito ginawa subalit unti-unti na silang nawawalan ng pag-asa para mahanap ang kanilang kaibigan. Nanunuod sila ng TV Patrol at bigla mayroong balita na mga batang natagpuang patay malapit sa lawa at hindi na sila makilala dahil sa mga pasang natamo. Agad-agad pumunta si aling Mina at sumunod sila Inigo at Gamon. Natukoy nila na si Kimchin ang isa sa mga batang patay. Sila ay lumuha ng malakas at parang hindi na alam ang kanilang gagawin sa sobrang lungkot.
Makalipas ang ilang taon ay umonti na ang kanilang nararamdam subalit hindi matatangihang gusto na ulit nilang makita ang kanilang anak. Nasa-eskwelahan sila Inigo at Gamon ay inimbitahan sila ng kaklase nila na umattend ng birthday party mamayang pagkatapos ng klase sa kanilang bahay. Si Gamon ay pumayag ngunit si Inigo ay naalala ang bilin ng kanyang magulang ngunit si Gamon ay pinilit si Inigo na pumunta dahil ang kidnapan na nangyari ay matagal na at wala na ito ngayon. Tapos na ang klase at nauna na ang mga kaklase sa bahay at si Inigo at Gamon ay may kailangan pang-gawin kaya sumunod na lamang sila. Naglalakad na silang dalawa sa kalsadang papunta sa bahay ng kaklase ay mayroong puting van na pumarada sa kanilang harapan at may lumabas ng mga lalaki at pinilit silang isinakay sa van. Sa sobra nilang takot ay nahimatay silang dalawa.
Nagising na lamang sila ay nasa loob na sila ng kulungan at may naririnig silang mga bata na parang nageensayo. Sila ay pinalabas sa kulungan at pinakain ng marami at habang sila ay kumakain nakita ni Inigo sa malayo si Kimchin at iba pang mga batang nawawala noon. Sinabi niya ito kay Gamon at nakumpirma na si Kimchin nga iyon, at nagtataka nalamang sila kung bakit parang ang kanilang kaibigan ang namumuno sa mga bata. Lumapit sina Inigo at Gamon at nakita ni Kimchin ang kanyang kaibigan ngunit sa sobrang tagal ng panahon parang tila di na niya ito nakikilala. Nang makita ni Kimchin sila Inigo at Gamon ay nilapitan nila ito at sinabihan pumunta doon para magensayo. Makalipas ang limang minuto ay nagpahinga muna sila at ang dalawa ay nilapitan si Kimchin at kinausap ito. Saka ni Kimchin naalala ang kanyang mga kaibigan, at sinabihan ni Inigo at Gamon na si Kimchin ay nakitang patay malapit sa lawa at si Kimchin ay ipinaliwanag ang mga nangyare noon. Ang mga dumukot sa kanila ay ineensayo sila para matuto makipaglaban at ang nakita nilang patay ay pakana ng mga dumukot. Para maisip ng publiko na namatay at hindi na imbestigahan ang pagdukot ay plinano nila ito. Nang mapagtanto nila na wala na silang takas sa mga dumukot ay nakisama nalang sila sa mga dumukot sa kanila at sa katagalan ay nakalimutan nya ang mga dating pangyayari dahil siya ay mayroong long term memory loss. Natapos ang usapan at tumuloy na sila sa pageensayo.
Makalipas ang araw ay pagod na pagod ang dalawa at handa ng matulog pero pumunta si Kimchin sa kanilang kulungan at plinano kung paano sila makakatakas kasama ang ibang batang nadukot. Pinagusapan nila kung ano ang gampanin ng bawat isa, kung anong ruta ang tutuhukin, at anong mga hakbang na gagawin. Si Inigo ang nakaatas sa kanilang mga gagawin para makatakas, Si Gamon bahala depensahan sila dahil magaling sya sa martial arts, at si Kimchin ang bahala sa rutang tutuhukin dahil alam niya ang pasikot-sikot sa lugar na iyon.Patapos na sila sa pagpaplano ay may narinig silang taong kumakausap sa telepono na pupunta daw bukas ang kanilang pinuno si Ayman Haqqani(kilala siya na isa sa pinakakinakatakutang lider ng terorista dahil ilang taon na hindi parin siya natatagpuan at marami na siyang napatay na kapulisan) at ihahanda sila laban sa gobyerno. Nang marinig nila iyon ay dali-dali silang nagsitulog.
Panibagong araw nanaman at handa na sila tumakas sa gabing iyon. Gabi na at tulog na ang mga bantay, naghanda na sila Inigo, Kimchin, Gamon at ang mga bata para umalis.Bago sila umalis ay nagdasal muna sila ng tahimik para gabayan sila ng Panginoon sa kanilang kakaharapin. Paalis na sila ay may nakakita sa kanila na nagalerto sa iba na ang mga bata ay tumatakas. Nagtagumpay silang tatlo makatakas subalit ang ibang bata ay nahuli muli. Dali-dali silang bumaba sa bundok at humingi ng tulong sa pinakamalapit na polisya at inalerto ang mga police na alam nila kung saan ang mga kuta ng mga terorista. Agad-agad pumunta ang mga police sa tinurong lugar at nahuli ang mga teroristang may mabalak pang tumakas. Subalit ang mga batang nahuli ay natagpuang patay sa loob ng bahay.
Sila Inigo naman at ang mga bata ay nakabalik na sa kanilang mga bahay at galak na galak ang mga magulang nilang makita muli sila. Sila ay itinuring na bayani sa kanilang barangay dahil nahuli na ang mga terorista kasama dito ang kanilang lider na si Ayman Haqqani na matagal nang pinaghahanap. Pinasalamatan sila ng mga magulang ng mga nawawalang bata at naging insperasyon silang tatlo na kahit gaano kahirap ang iyong naranasan na dapat manalig sa Diyos at magtiwala sa isa't-isa. Naibalik muli ang kapayapaan sa kanilang barangay, bumalik muli ang kanilang kinagawiang pamumuhay.
YOU ARE READING
Puting Van
Misteri / ThrillerTatlong matalik na kaibigan ay dinukot ng mga terorista para isama sila sa samahan na magpapatumba sa gobyerno. Kailangan nila ang Diyos at kailangan nilang magtiwala sa isa't-isa para mapagtagumpayan ang kanilang pagtakas at para manumbalik ang kap...