Pers Enkawnter.

864 23 11
                                    

" Oh kanina ka pa?" agad kong bungad kay Chen.

"Good Morning rin, Iya! Ano himala diba?" sabay tawa nito. palagi kasing late yan kasabay ni Krass.

'Uwaa~ Good Morning Cheeen~" Pag-bati ni Baekhyun sa kaibigan. kasama ang masayahing si Chanyeol. at dahil di naman kami close, nginitian lang nila ako.. mga kaibigan niya. pati si Chen.

Block Section kami pero iilan lang ang mga nakakausap ko.

Si Chen ang pinaka close ko sa kanila, kahit siya ang pinaka-troll sa lahat. siya lang kasi ang napapansing kong approachable eh. ganon rin si Suho at Lay pero nahihiya kasi ako dahil lagi niyang kasama. nahihiya talaga ako sakanya eh.

Pero asan na nga ba siya?

Wala parin siya.. Late nanaman siguro.

Nagsipasukan na ang iba naming mga kaklase. Kasama ang bestfriend niyang si Kris. pero wala parin siya. Dapat kasabay niya siya eh!

Mag-sstart na ang first subject. Anyare? nasaan na siya? Tinatatamad nanaman ba siya?

Di na yata papasok. nakakawala tuloy ng gana.

Naputol ang pag-mumuni ko nung kinalabit ako ni Baekhyun. Nasa loob na pala yung Prof

Wala akong gana!

"Oy nabalitaan niyo ba? may nakaaway nanaman si Panda." pag-tsimis ng mga babae naming kaklase. 'Panda' yan ang tawag nila sakanya. Aba Matinde! kita namang nag-didiscuss na si Ma'am eh.

"Oo, Grabe siya. kasing laki ng eyebags niya yung problema niya sa mundo." sagot naman ng katsismisan niya. Buti nalang at hindi ito naririnig ng isa sa mga kaibigan niya. At buti nalang nakakapagtimpi ako. Wala silang karapatan na insultohin ang eyebags niya!

Pinaghirapan niya yun sa pag-pupuyat para lang mag-karoon ng ganoon.

Ang hirap kaya mag-puyat. akala niyo madali? tska ang hot kaya sakanya!

At kaya naman pala wala pa.

May nakaaway nanaman.

----

"When finding the Density, you should- Mr. Huang, Late ka nanaman.."Sermon ni Mrs.Torres sa isa sa isa naming kaklase na as usual.. Palaging late dumating

"Sorry po." pag-paumanhin niya sa aming guro, sabay upo. halatang-halata na kakagaling lang sa pakikipag-away.

"Now where were we?"

Ang haba..

Ang haba ng mga biyas niya! At ang mukha niya. Kahit haggard at ang gulo ng itsura niya ang gwapo parin.

Nakakaakit ang mga labi niya kahit may onting bahid ng dugo. at ang mga mata niya ang-

"Ms. Garses! stop staring at Mr. Huang and pay attention to my class!" Ay hehe.. Halata ba Ma'am?

Napasapo na lang ako ng mukha ko. Baka kasi namumutla ako.

Pasensiya na. na-distract lang.

"On second thought, dismiss na kayo, may meeting pa pala ako. Go and take your break." Pag-dismiss sa amin ni Ma'am. Mabilis kong inayos yung gamit dahil ayaw kong mapag-usapan. at lalong ayokong tanongin ako kung bakit ko siya tinititignan.

Mahirap na.. Baka isipin niya na may binabalak akong masama.

"Garses." agad niyang habol sa akin noong saktong nasa pintuan na ako. Patay. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh.

"H-ha?" hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot?

"Anong tinitingin-tingin mo kanina?" seryoso niyang tanong sa akin.

Those Fierce Eyes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon