Throwbacks. [Special Chapter.]

145 10 6
                                    

**{Author's FYI Section.} **
Dito ko ilalagay 'yung mga additional informations, and what to expect. ;D
This is just a throwback para maintindihan niyo kung paano nahibang si Iya kay Tao.  And how she first met Chen.  After chapter 9 simula na talaga 'yon ng story. Iikot na talaga ito sa main point ng story. :) 
~x~x~x

[6 years ago: July 4, 2009]

"Mr. Wu and company. Late nanaman kayo!" Aish! babaguhin ko nanaman 'yung nakalagay sa attendance.

"Sorry Ma'am. we just chilled out for a bit, we didn't know we'll be late." Pag-papaumanhin ni Kris habang nakayuko naman ang tatlo pa niyang kasama.

"Osiya! Ms. Garses paki-record nalang yung tardy nila ha?" Pag-remind sa akin ng aming adviser.

"At kayo, umupo na kayo. Palagi niyo nalang yang ginagawa! Hindi niyo ba alam na mahirap mag-sulat ng attendance tapos babaguhin nanaman?"Pangaral sakanila ni Ma'am. Talagang strikto talaga siya, lalo na kapag Homeroom period. Bigla-bigla kasing nagsusuprise visit yung principal namin. At siempre, pakitang gilas naman 'tong si Ma'am.

"Tss. Pasikat."

"Eh, Wala eh. Teacher's pet." Rinig kong bulong ng mga kaklase ko sa likod. Kayo kasi puro paganda lang alam! 

"Sorry."agad naman akong napalingon sa bandang kaliwa ko. si Lay pala. Umiling-iling nalang ako at nag-thumbs up sakanya. Ngumiti nalamang 'to at humarap na sa pisara. 

Pero 'yung pagiging pagpapakumbaba ni Lay ang siyang ikinayabang naman ni Kris. Nakaharap ito sa blackboard, pero bored na bored ang expression niya. Naiisip niya sigurong mag-cutting. Naramdaman niya siguro na nakatingin ako sa kanya, dahil humarap ito sa akin at biglang itinaas ang kaniyang kaliwang kilay. At eto pa! Inirapan pa niya ako.

Anong say naman ng kilay ko sakanya? 

~

Pagkatapos ng ilan pang subjects ay dumiretso na kami sa banyo para magbihis ng P.E. Nang bigla kong napansin na nawawala yung isang pares ng black shoes ko.

"Best, yung Blackshoes ko. Hanapin ko lang saglit." Agad namang tumango si Pia. At sinabing 'mauuna na' raw siya.

Dali-dali akong bumalik ng banyo para hanapin sa loob ng cubicle. Pero wala doon ang sapatos ko. Nang bigla kong napansin na sira pala yung paper bag ko. Punit ang nasa may gilid nito, kaya posibleng nalaglag doon ang isang pares ng sapatos ko. Eh hala! Paano na ako makakapag-palit kung nawawala yung isang pares? Paano na ako makakapasok bukas? Alangan naman na mag-absent ako dahil lang dito?. Nagpapanic na ako sa may labas ng banyo. Dahil imposible ng makita ko iyon. Tiyak na tinapon na iyon ng mga janitor, o kaya pinagtripan na ng mga bata na makakakita ng sapatos ko.
'Sapatos, mag-pakita ka! Late na ako!' mababaliw na talaga ako. Wala kaming pambili ng bagong sapatos, at sesermunan pa ako kapag hindi ko mahahanap 'yun.

"Eto ba hinahanap mo?" Napahinto ako sa narinig ko. At biglang humarap sa lalaking iyon. At hindi ako nagkamali, Dahil nasakanya nga ang sapatos ko.

"yehey! Salamat! Kanina ko pa 'to hinahanap eh!" Agad kong kinuha sakanya yung sapatos ko. Nakahinga na ako ng maluwag. Akala ko katapusan na ng aking 

"Salamat T-" Bago ko pa naman tapusin yung sasabihin ko sakanya, nilayasan na ako. Pero atleast binalik niya! Akala ko pa naman masungit siya. Hindi pala.Inilagay ko na ang kabilang pares nito. at Tumakbo ng mabilis papuntang court.

Those Fierce Eyes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon