Ang Epic na pag-amin.

105 9 6
                                    

Sabado ngayon at tirik na tirik ang araw. 

May isa kaming subject ngayon, pero 'di muna ako pumasok. 

Jusme! 'Di naman nagtuturo yung prof namin sa Humanities.
Puro kwentong jobert pa. 

Kaya ayan chill lang ako mag-isa sa bahay. At para may magawa, maglilinis ako ngayon ng bahay. Kasama na doon ang masukal na kwarto ng aking kapatid.

'Yung totoo tao ba talaga ang natutulog dito o baboy?

Amoy zonrox pa. Yuck! Saan galing 'yon?!

'Di na ako nakatagal at umalis na ako ng tuluyan sa kwarto niya. 

Nang biglang may nag-door bell. Bumaba ako para buksan yung pinto..

"Tada!" salubong ni Chen.

"Oh! Napadalaw ka?" 

"'Di ka kasi pumasok eh, kaya pinuntahan nalang kita." Tuloy-tuloy siyang pumasok sa bahay at tumihaya sa sofa.

"Eh aanhin ko naman kasi yung pag-dakdak ng kalbong 'yun." Tumawa siya ng mahina tapos nanahimik bigla.

Ilang segundo ang lumipas pero wala paring kibo si Chen. Nakayuko lang ito sa sahig. Pinagmamasdan ko siya.. Nakakunot ang noo niya na para bang may pinipigil na kung ano.

Teka. humihinga pa ba 'to? 

Hindi nga.

"'Yung totoo, Kim Jongdae? 'Yon ba talaga pinunta mo?" Agad siyang nagising sa kung ano mang pinag-iisip niya at napatingin sa akin.

"May problema ba?" Tanong ko ulit. Halatang halata naman kasi kapag may problema 'to eh? 

"K-kasi ano.. Ah- eh." 

"May kasalanan ka 'no?" nakataas ang kilay ko habang nakatingin sakanya.

Hindi naman siya makatingin sa akin ng maayos.

"Hoy! Ano na?" Hinampas ko na siya sa may braso. Hindi pa kasi sabihin ang dapat sabihin.

"K-kasi.. KASI MAKIKIBANYO SANA AKO SAINYO!" Sigaw niya sabay diretso sa banyo namin sa may kitchen.

'Di ko napigilang tumawa. Ang epic kasi ng istura niya. 

Makikibanyo lang nahiya pa. eh samantalang 'pag nagpapalibre nagiging kasing kapal ng Webster's Dictionary yung mukha niya..

Pumunta ako sa pinto ng banyo at kinatok katok ito. Natatawa parin ako pero pinipigilan ko. 

Baka kasi pag ako pinag-tripan nito umiyak ako bigla.

"Nako Jongdae! Dapat sinabi mo na pagkabukas ko palang ng pinto. 'Di yung pinigal mo pa. Pfft!" 

"Eh~! Nakakahiya eh~!" Nakarinig ako ng flush kaya alam kong tapos na siya.

Pagkabukas niya ng pinto. Agad niyang nilahad ang kanang kamay niya at inattempt na ipaamoy sa akin, na agad ko namang nailagan. 

Those Fierce Eyes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon