Sama ng Loob.

107 7 8
                                    

{Author's F.Y.I Section:}

Pagkatapos nito puro kay Tao na talaga. Gusto ko kasi slowly lang 'yung process ng story na 'to. Tska nag-iipon lang ako ng feels kay Tao. sa Chapter 10 talaga pramis..

~

Si Xiumin pala. Ineexpect ko pa naman na si Tao. Baka sakaling nagkahimala at pumasok siya ng maaga, pero imposible 'yun eh. Tumingin nalang ako kay Xiumin, at nag-smile siya pabalik.

"Good Morning 'rin~!" binago ko 'yung mood ko. Minsanan lang na nga ako kausapin nito, tapos badtrip pa ako? Ngumiti ulit siya at tumango.

"Pinapasabi ni Chen na hindi siya makakapasok ngayon." Wow. Dinamdam niya talaga 'yun. Eh kung nag-usap kaya kami ng masinsinan. edi nagkaintindihan kami?

"Bakit daw?" Tanong ko. nag-kibit balikat lang siya.

"Hindi ko alam eh. Basta 'yun lang pinapasabi niya." Naiinis talaga ako sakaniya. Siya na nga mambibigla tapos siya pa galit? Alam naman kasi niya na may feelings ako para sa kaibigan niya! Tapos kung maka-react siya parang ngayon lang niya nalaman. Tapos ngayon aabsent siya? Minsan hindi ko alam kung nang-ttroll ba siya o nagda-drama. Simula ng kinausap ako ni Tao, nagkakaganyan na siya. Hindi naman siya ganiyan. Ayaw niya nga na iniiwan ako mag-isa. Kahit may sakit siya, papasok parin siya. Pero kung kelan naman na sinabi niya na gusto niya ako, saka naman siya gumaganiyan. Paano ako makukumbinsi na totoo na may feelings siya? Naramdaman siguro ni Xiumin na nabadtrip ako.

"Kung gusto mo, sumama ka nalang sa amin. Tutal Blockmates naman tayo at Kaibigan mo si Jongdae. Welcome ka doon." Pag-imbita niya. Anong welcome? Baka kaladkarin ako ni Kris paalis. Tsaka puro lalaki sila. Kay Chen pa nga lang eh, halos saksakin na ako patalikod. Tapos makikisama pa ako sa eleven na kaibigan niya? Baka 'di na ako makauwi ng buhay. Pero wala rin naman akong kasama eh, tapos mag-dadamoves ako kay Tao. Ha! Ako nalang ang lalapit sakaniya. Pero siempre, pag-iisipan ko muna. Buhay ko ang nakasalalay dito eh.

"Ahm. Pag-iisipan ko ha? Puro lalaki kasi kayo eh." Sagot ko. Tumango lang ito at nag-paalam na para lumabas ulit saglit. Makikipag-kita siguro sa iba. Naiwan ulit ako mag-isa..

Bigla kong naisip na i-text siya. Baka naman nag-kasakit talaga siya. At siempre ayaw ko rin na isipin niya na wala akong paki sakaniya.

~

[TO:Jongdaedae]

Ya! Kim Jongdae~! bakit ka absent? Huhu.
Sana kinausap mo nalang ako ng masinsinan.
Hindi yung ganito.. Mag-usap tayo pag-kabalik mo ha?
Tapos kokotongan kita kasi INIWAN MO AKO MAG-ISA!!
Pumasok kana bukas ha? :) <3

~

Hinintay ko ang reply niya. Nang makalahati na ang room, saka siya nag-reply. Ang tagal kumpara sa usual niyang reply.

Pero mas nabadtrip ako sa reply niya.

~

[FROM:Jongdaedae]

Ge. :)

~

Oh diba? Pagkahaba-haba ng text ko, tapos ganiyan lang ang reply niya? 'Yung badtrip ko na 30% kanina naging 50% na.

Hindi nalang ako nag-reply. Kung aawayin ko siya. Gusto ko sa personal, para may kasamang sapak. Madama lang niya sana kung gaano kahirap ang maging maganda- este maging ako. Maya-maya ay pumasok na ang Prof. Parang ang onti nila ngayon. Wala pa ang mga peyborit kong OTP na ChanBaek at nawawala rin ang Kaisoo. Nag-lalandian siguro sa tabi-tabi.. Pero ano ito? Wala rin si Tao! Sa sobrang badtrip ko hindi ko napansin kung pumasok ba siya. Nag-lesson lang ang prof namin. Tamad kasi siya tuwing monday. No, Scratch that. Palagi pa lang tinatamad 'yan.

~~

One hour ang vacant. Noon tuwang-tuwa ako tuwing vacant. Usually kasi lalabas kami ng campus para bumili ng calamaris at mani sa tabi-tabi. Kaming dalawa lang talaga kasi ang palaging mag-kasama. Alam niya kasi na naiilang ako sa mga kaibigan niya. Kaya siguro galit si Kris, dahil nawawalan na siya ng time para sa grupo. Dejoke, selos lang siya sa akin dahil hindi mahaba ang baba ko. Pero seryoso tinatamad akong bumababa para kumain. For the first time, naisipan kong mag-cutting. Ayaw ko ng ganito. Simula Kinder palang loner na ako. Kung hindi ko lang makilala si Pia wala na akong kaibigan.

"Noona~ Absent si Chen Hyung. Kaya pwede ka ng sumama sa amin" Biglang sulpot ni Kai. Bigla akong napaatras sa gulat. Nakangiti siya ng pagkalaki-laki. Nawala 'yung badtrip ko sa ngiti niya.

"Yehet!" Kasama pala si Sehun. Nakangiti rin ito. Dahilan para mas sumingit ang kaniyang mata sa kaniyang Eyesmile. Eto ring si Sehun. Parang ang sarap nilang iuwi. Tapos itatapon ko nalang si Jungkook. Dejoke, mahal ko ang kapatid kong 'yon. Kahit amoy Clorox ang kwarto niya..

"Wag na la-" Tatangi sana ako ng bigla nila akong hilahin. Trip talaga siguro akong hilahin ng mga tao. Pwede naman kasing kumbinsihin ako eh! Kailangan hihilahin talaga?

Nakarating na kami ng table nila. Nandito na pala ang iba na umabsent kanina, pwera nalang kay Tao. Siguro nag-absent rin.. Nagtatawanan sila sa mga pinagsasabi ni Baekhyun na hindi ko maintindihan. Pero bigla natahimik ng mapansin na nila ako. Binitawan ako ng dalawang kumag na humila sa akin. Welcome daw sabi ni Xiumin.. Welcome nga ba? Nag-hi lang sila at ngumiti. Awkward.

"Oh. Ba't ka nandito?" Tanong kaagad ni Baba. See? Hindi talaga ako welcome.

"Hyung. Sa atin muna sasama si Noona~ kawawa naman eh. Iniwan ni Chen Hyung." Pag-kumbinsi ni Kai. Tumango-tango si Sehun at sumampa sa balikat ko.

"Oo nga! Minsan lang tayo makapag-sama ng babae sa table natin." Table? Ano 'yun, Parang nasa bar lang ang peg?! Hindi ko alam kung mafla-flattered ako o maiinsulto sa sinabi niya eh.

"Tss." Umirap si Kris. Bakit ba laging may regla itong lalaking ito? Ang init ng dugo niya sa akin.

"Hoy YiFan, umayos ka! Tska inimbita ko rin siya na sumama sa atin. Kaya wag kang mag-inarte!" Sermon na may kasamang batok ni Xiumin. Mas matanda nga pala si Xiumin kay Kris.

"Eh, Bakit ba kasi kailangan sa atin sumama? Wala ka bang ibang kaibigan ha?" Napapikit ako ng mata ko saglit. Kanina pa talaga ako nag-aapoy sa galit. At dahil sa sinabi ni Kris, malalabas ko na 'yon. Huminga ako ng malalim.

"Ang sama mo! Bakit gusto ko rin ba? Eh kung sinabi kong kinaladkad lang ako ng dalawa 'to?" Sigaw ko habang tinuturo si Sehun at Kai. Nagulat sila sa ganoon asal ko. Ngayon lang siguro nila akong magalit.

"Kaya ayaw kong nakikisalimuha sa inyo eh. Dahil sa'yo! Kung makapag-salita ka parang ikaw ang nagpapakain sa akin ah?! Nag-titimpi lang ako Kris!" Huminto ako saglit para huminga. May namumuo na palang luha sa mag-kabila kong mata.

"Hindi ko alam kung anong ikinakainis mo sa akin eh.. Bakit may atraso ba ako sa'yo? Eh hindi nga kita pinapansin eh! Nung Retreat tinanong kita noon kung anong problema mo sa akin, pero sabi mo 'wala naman'. Tapos naging okay kana sa akin pagkatapos noon. Tapos ngayon ganiyan ka nanaman! Hindi ka ba nag-sasawang mang-insulto sa akin? Kasi ako binging-bingi na ako sa'yo!" Hiningal ako ng kaunti. Hindi ko na talaga kasi gusto 'yung pag-trato niya sa akin eh. Naipon lahat ng masasakit na salita sa utak ko.

"Xiumin, Hunah tska Jongin. Pasensiya na ha? Pero hindi talaga pwede eh." Hinarap ko sila at nag-bow. Pinag-titinginan ako ng mga tao, pero tuloy-tuloy parin ako sa pag-lalakad. Umupo ako sa ilalim ng Puno sa may Mini-Park at umiyak ulit. Sumabog lahat ng sama ng loob ko. First time kong maka-encounter ng ganito. Parang gusto kong tanggalin 'yung puno tapos ihagis sa kung saan. 'Uuwi nalang ako.' sabi ko sarili ko. tinatamad narin kasi akong pumasok sa ibang subject.

Inayos ko na ang sarili ko. Mag-lalakad na sana ako paalis.

Nang may biglang humawak sa may balikat ko..

X-X-X-X

Hi! :) Updated na..
Pasensiya na at natagalan. Busy kasi talaga ako sa school.
Pag-pasensiyahin niyo narin kung may TYPOS at MALING GRAMMAR. wala akong time MAG-PROOFREAD eh.

Sa mga readers ko doon sa TTL. BAKA SA NEXT SATURDAY AKO MAKAPAG-UD.
Andami kasing kailangan asikasuhin eh.
Salamat sa suporta dito sa story ko! :)

-ZiTaoBataw

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Those Fierce Eyes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon