Intersection

186 4 1
                                    

"Hello Ma, pauwi na po ako", bungad ko kay mama pagkasagot na pagkasagot nya sa tawag ko.

"Jusko! Eh bakit ba ginabi ka na? Batang to", pag-aalalang sabi ni mama.

"Eh, na-flat kasi yung gulong ko on my way pauwi. Kaso sarado na yung mga talyer dito kaya iniwan ko nalang kela Jamie. Dadalhin nalang daw nya bukas pag pumunta sya sa Catbalogan", pagpapaliwanag ko.

"Aba'y bakit pa kasi dyan sa Jiabong pa kayo nagkita-kitang magkakaibigan. Tuloy eh naabutan kayo ng gabi sa byahe", muling sambit ni mama

"Ma, alam mo naman na mas convenient kung dito nalang kami magkita-kita, para fair din sa lahat. Atsaka birthday din naman ni Jamie kaya ayos lang. Don't worry. Nakasakay na ako sa pampasaherong motor", pagpapaliwanag ko ulit.

Pinatay ko na ang tawag. Medyo nagiging choppy na rin kasi ang signal kaya halos di ko na maintindihan ang sinasabi ni mama. Nakakatakot na rin ang daan pauwi dahil halos walang ilaw ang nadadaanan namin.

Napansin kong panay sulyap si kuyang driver sa akin. Nagsimula na akong kabahan dahil kung sakali mang may balak syang hindi maganda ay tiyak na magagawa niya iyon sa ganitong lugar.

Malamig na hangin ang sumasalubong sa mukha ko ngunit pinagpapawisan parin ako. Natatakot na ako. Tinext ko si mama at sinabing tumawag sya at wag nyang ibababa ang tawag kahit static lang ang marinig nya.

Pagdating namin sa intersection ay biglang hininto ni kuya ang motor, sakto namang nag-ring ang cellphone ko.

"Hello Ma, malapit na po kami", pagmamadali kong sabi kay mama.

"What's wrong anak?", alalang tanong ni mama

"Opo Ma, hihintayin nyo po ako? Uhm, ito po yung number ng motor na sinakyan ko 0915 po", sabi ko agad.

Kung ano man ang mangyari sakin atleast alam ni mama ang body number ng motor na sinakyan ko.

Bigla din namang umandar ang motor at this time medyo mabilis na ang takbo namin, medyo pababa na rin kasi ang kalsada.

Thankfully, nakarating din kami sa downtown ng Catbalogan. Bumaba na ako agad ng motor at iniabot sa driver ang bayad.

"Uhm, Miss!", tawag ni kuyang driver sa akin.

Dahan-dahan akong lumingon.

"Kulang yung bayad mo", sabi nya.

"Dalawang bente po yan kuya. Diba po forty po yung singil nyo per head?", tanong ko.

"Oo nga. Pero yung kasama mo kanina, hindi pa nagbayad", sabi nya.

Nagtaka ako.

"Kuya, ako lang po ang pasahero nyo kanina", sabi ko.

Namutla si kuya.

"Miss, wag mo akong pagtripan. Kasama mo yung lalaki kanina. Sabay kayong sumakay. Dun nga siya bumaba sa may intersection eh. Nakaakbay pa siya sayo"

"Wag kang ganyan kuya. Ako lang talaga ang sakay mo.", sagot ko na nakaramdam na rin ng kunting takot.

Hindi na nagsalita si kuya at agad na pinaandar ang kanyang motor.

Naiwan naman akong nakatulala parin. Kaya ba huminto siya sa may intersection kanina?

Para sa mga Di MakatulogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon