Kurt’s POV
Pauwi na kami ni kuya dale sobrang nagenjoy ako today. Sulit na sulit ang last day ng bakasyon ko hehe.. at bago kami umalis sa SM may binili syang bracelet sa SM accessories color red na parang leather tapos may 3 stars sa gitna ng bracelet ang saya ko dahil binigay nya saakin. Aww.. actually dalawa binili nya isa daw saakin at isa para sa kanya para daw remembrance.. so ganun? May remembrance pang nalalaman? Anu ba talaga ginawa naming? Date? Haha!! Habang nasa sasakyan kami ay pasulyam sulyap ako kay kuya dale ang gwapo nya talaga at feeling ko may iba talaga sa kanya may kakaibang pakiramdam syang naidudulot sa kaibuturan ng aking katawang lupa. “nakakailan ka na ah! Baka matunaw ako nyan! Haha!” sabi nya habang nagdadrive at diretcho lang ang tingin pero mapapansing nakangiti sya.“eh? Haha bawal bang tumingn? Dalawa na nga lang tayo dito sa kotse.” Sabi ko naman
“haha! Sige kaw bahala baka mainlove ka nyan sa akin!” sabi nya. May binulong pa sya kaso diko na narinig..
“tsss.. kapal mo din eh.. may kasalanan k apa saakin. Pero by the way thank you ditto sa bracelet kuya. Eksakto favorite color ko pa.” Masaya kong tugon sa kanya.“wooow! Talaga? Alam mo parehas kayo ng favorite color ni red!” bigla nyang sinabi speaking of red matanong nga kung bakit nya kilala ito..
“ah.. si red? Anu nga bang o panu kayo nagkakilala ni red? Matagal nab a kayong magkakilala kuya?” mahaba kong tanong.“ah.. kapatid sya ng ex girlfriend ko.. sa totoo lang super close kami ni red dati, kaso kasalanan ko kung bakit ganun kalaki ang galit nya sa akin ngayon. Nasaktan ko kasi ang ate nya.” Malungkot nyang kwento..
“ahh.. ganun pala.. ok” tipid kong sagot diko na inusisa ang iba pang detalye nakakahiya kasi tsaka malungkot si kuya nang kinukwento nya. Makalipas ang ilang minute ay dumating na kami sa bahay. 8:00 na pala.. agad din naman akong umakyat at nagpasalamat kay kuya Dale. Sabang binubuksan ko ang aking kwarto napansin kong bukas ang kwarto ni Calvin ewan ko pero parang may nagudyok sa akin na silipin ang kwarto nya. Siguro kanina pa ito nandito. Nung sumilip ako ay walang tao tanging tv lang ang nakao di ko naman Makita ang palabas kasi nakatalikod sa direksyong ko yung tv at parang may umuuongol na babae at lalaki! Shet! Wag mong sabihing nanunuod ang mokong ng porn!!!?
“aheem..” nagulat ako may umubo sa likuran ko.. oh oh.. it cant be.. sana hindi sya.. lumingon ako ng dahan dahan na nakatingin sa ibaba at unti unting itinaas ko ang aking mukha. At di ako nagkamali ng kutob sya nga. Mukhang naasar ang mokong.“and what the fvcking hell are you doing infront of my door!!?” may halong galit nyang tanung naku siguro nahihiya ang mokong kasi nahuli kong nanunuod sya ng porn HAHAAH!!
“ah?? Eh?? Ih?? Oh.. uh???..” sabi ko di ako makapagsalita mahirapna baka kung saan pa ako itapon nang lalaking ito or worst irape nya ako then isasalvage!! Waaah!..
“umalis ka dyan” sabi nya tapos binunggo lang ako tsaka pumasok sa room nya at sinara ang pinto ng pagkalakaslakas.. tsk tsk tsk.. ako naman pumasok narin sa kwarto ko.. hay.. humiga ako sa kama at tumingala ng ilang Segundo sa kisame.. bigla kong naalala yung nagtxt kanina habang kumakain kami ni kuya Dale..Message: Hi ^_____^
From: 09267575***Hmm sino kaya ito… nagreply ako pero di na sya nagreply.. baka tulog na. makalipas ang ilang sandali ay nagtungo na ako sa banyo para magshower.. syempre inubad ko lahat ng saplot ko para makapaligo ng maayos haha! Pagkatapos ay kumuha na ako ng boxer shorts sa drawer at sando na rin at humiga na.. habang nakahiga ay naisip kong magfacebook muna kaya kinuha ko yung phone ko. Pag kaopen ko ay may 7 messgaes ako isa dun ay galling kay mama..
[hello anak! Kamusta na? nageenjoy ka ba dyan?? Hahah!ang tita marie mo umalis papuntang cebu at nandyan daw si dale?? Pakamusta nalang sa kanya ha?? I love you anak!! Muah muah tsup tsup! baitaan mo ako bukas ha? Byee]
Nagreply naman ako.. kahit offline na sya kaninang umaga pa nya sinned yung message eh
[hay naku ma! Buti naalal mo pa ako! Ayos lang naman ako dito ingat ka dyan kasi di pa kita namimiss. Muah muah! Ilove you ma!. Hayaan mo sasabihin k okay kuya dale na kinakamusta ko sya..]