Chapter II : Misinterpret

3 0 0
                                    

Jillian's POV

Yabang talaga non, bwisit! E kung itapon ko kaya etong polo niya?

Aishh!!

"Bestfriend samahan mo ako mamaya may pupuntahan ako." biglang sulpot ni kabute este ni bff. Teka! Saan naman siya pupunta?

"Bakit hindi ka magpasama sa mayayabang mong kaibigan at ikaw" binatukan ko siya naalala ko wala man lang siya ginawa kanina.

"Aray! Para saan naman yun ha?" nagtanong pa hindi nga niya ko pinagtanggol kanina

"Hindi mo man lang pinagsabihan yang mga mayayabang at mahahangin mong kaibigan" binatukan ko ulit siya

"T-teka aray! Bestfriend naman. Hindi ka na nasanay sa kanila since 1st year ginaganyan ka na ni Jeizeru diba?"

"Bwisit ka!" akmang babatukan ko sana ulit siya kaso pinigilan niya yung kamay ko.

"Naka dalawa ka na tama na yun haha basta mamaya samahan mo ko." sabay bitaw sa'kin at umalis

"Che! Ewan ko sayo!" pagsusungit ko sakanya

SCHOOL PARKING

Nasaan na ba yung bakulaw kong bestfriend? Ako pa talaga pinag aantay ha.

"Tol una na ako sainyo may puntahan lang ako. Kitakits ulit bukas." narinig ko boses niya buti naman nandiyan na siya kundi yari siya ulit sa'kin.

"Teka pare wag mong sabihin may kasama kang chix at gusto mong masolo haha!" pabirong sabi ni Jaycee, napaka daldal naman ng mokong na to.

"Tol, mas importante ba yan kesa sa amin?" Tss! Naalala ko na naman ginawa niya sa'kin kanina kainis.

"Pasensya na tol" sabi ni Jiro

"Sige pre/tol" tsaka nag fist bump si Jiro kina Jayvee at Jayden, ganun din kina Jaycee at alam niyo na kung sino yon.

Buti naman natapos din pag uusap nila, iiwanan ko na sana itong bestfriend ko e.

"Akala ko bukas ka pa tss!" pagsusungit ko sa kanya pero kunwari lang yun haha

"Haha sorry na bestfriend, tara na." aya niya sa'kin saka umakbay

"Woah! Teka, si Jillian baby lang pala kasama mo tol e!" napalingon kami parehas sa nagsalitang si Jeizeru, tinanggal naman ni Jiro ang pagka-akbay niya sa akin. Kelan kaya ako titigilan sa kakatawag ng baby?

"Shit pare! Tama nga ako na chix ang kasama mo haha!" sabi naman ni Jaycee habang tumatawa at inirapan ko nga. Akala ko ba nakaalis na ang mga to?

"Tol naglilihim ka na ba sa amin?" seryosong tanong ni Jayden

"Hulaan ko diretso dinner na kayo dude no? Haha bestfriend date lang ba talaga?"- tumatawang sabi ni Jayvee

mga siraulo -_-

"Ano ba kayo mga tol, nagpapasama lang si Jillian sa'kin may pinabibili kasi sa kanya si tita." palusot ni Jiro

Teka may pinapabili ba sa'kin si mommy? Wala naman akong matandaan.

"Di ba bestfriend?" tumingin siya sa'kin na may tingin na "sumakay ka na lang look"

"Ah oo. Ano naman paki niyo dun tsaka ano naman kung mag date kami ha?"

Wait tama ba nakita ko sumimangot mukha ni Jeizeru pagka sabi ko ng date? Tss bahala ang mokong na yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Life with Mr. Jeizeru CamadduTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon