Simula

51 4 0
                                    


Sorry for the inconvenience. Enjoy reading!

Catch Me, I'm Falling.
Simula

Y   L  O   N    A

HALOS manginig na ako sa sobrang inis dahil sa kalagayan ko ngayon. Bwisit naman, oh! I don't know if I'm in bad luck or I was just stupid enough not to bring my car.

I irritatedly sighed.

"I'm soaking wet, bigtime!" I whispered habang pinupunasan ang aking sarili. Gamit ko ang aking handkerchief at ipinupunas ito sa aking katawan kahit na basang basa na rin ito.

Kasalukuyan akong naririto sa tapat ng opisina kung saan ako nagtatrabaho. Ang lakas pa naman ng ulan ngayon at hindi ko dala ang sasakyan ko. Peste, hindi ko naman inakalang lalakas ang ulan!

Napagpasyahan ko kasing mag-commute nalang kaninang pagpunta ko sa building. Tirik na tirik pa naman ang araw kanina kaya hindi ko inakalang uulan ng ganito kalakas ngayon. Alas siete na pa naman ng gabi at na stuck ako dito sa harapan ng opisina. Hindi ko pa naman pupwedeng takbuhin ang LRT dahil sa pagkalakas lakaa ng ulan. Atsaka, naka corporate attire ako ngayon kaya mahihirapan akong tumakbo at makipagsapalaran sa ulan.

Hindi ko dinala ang sasakyan ko dahil nagtitipid ako ng gas. I don't have any big savings because of my financial problems. Puro kasi bayaran ang nakadikit na resibo sa ref ko kaya naman naisipan kong kung hindi naman kinakailangang gumamit ng sasakyan ang magco-commute nalang ako. Tutal, hindi naman ako person with disabilities kaya hindi ako mahihirapan maglakad at sumakay ng LRT.

Napa-angat ako ng tingin sa langit. Hay nako, mukhang mas may ilalakas pa ito! I don't know what to do! Sigurado din akong naghihintay na ang mga bisita ko sa aking apartment.

"Miss, sabay ka na, oh!" Sabi ng isang lalaki na naka-kotse.

I rolled my eyes. "Hindi na ho, Kuya!" Pasigaw na sagot ko dahil malakas ang ulan at baka hindi niya ako marinig.

"Hay nako, Miss Ganda. Hatid na kita sa inyo! Sakay ka na sa kotse ko," sabay ngisi niya na animo'y may binabalak na masama.

Kahit na madilim ay nakikita ko ang pagmumukha niya. Nasa mid 30s na siguro ito at ang pula ng mga mata. Manyakis nga walang duda.

Dinilaan niya ang labi niya at bumaba ng sasakyan niyang konting ubo na lang ay masisira na.

Ngumisi ang lalaki at pinilit pa ako. Ano ba 'yan! Umuulan na nga may mga manyakis pa rin na pakalat-kalat sa daan!

"Kuya, sabing ayoko, e! Ang tigas ng mukha mo!" Sigaw ko.

Nabasa na rin ako ng ulan dahil pana'y ang ilag ko sa kanya.

"Arte mo naman, Miss! Ikaw na ino-offer-an. Lika na!" Pilit niya pa at lumapit pa rin sa akin.

Pinaghahampas ko siya ng aking payong pati bag.

Kamalas-malasan naman, oh!

Mangiyak-ngiyak ako habang hinahampas siya pero hindi ako pwedeng magmukhang takot dahil mas lalo lang siyang magkakaroon ng lakas ng loob upang mas pilitin pa ako.

Sa isip ko ay halos tawagin ko na lahat ng dapat tawagin dahil nawawalan na talaga ako ng lakas dahil na rin sa puno panenermon ang inabot ko sa opisina kanina at na-drain talaga ako.

Napahiyaw ako bigla nang may humatak sa akin. Akala ko iyong manyakis na pero nagulat ako nang makita ko kung sino ang humatak sa akin!

P-paanong?

Nanlaki ang mata ko nang itinabi niya ako sa gilid ng kalsada at nakita kong sinuntok niya ng ilang beses ang manyakis hanggang sa mawalan ito ng malay.

The next thing I knew, may mga pulis na nandito.

Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya nang lapitan niya ako.

"Ano bang ginagawa mo rito ng ganitong oras, Ylona?"

Napalunok ako. After three years ay ngayon ko na lang ulit narinig ang boses niya.

"P-pauwi na sana ako pero biglang u-umulan," mahinang sagot ko.

Nakita ko siyang umiling at bumuntong hininga.

"May sasakyan ka ba?"

Ihahatid niya ba ako? Napangiti ako ng palihim sa naisip.

Tumango ako. "Meron kaso hindi ko dala."

"Okay, kaya mo ba?" Tanong niya.

Nagtaka akong tumingin sa kanya. "N-na ano?"

"Umuwi mag-isa," sagot niya.

Napa-maang ako pero 'di kalauna'y natawa ng mapakla. 

Ang feeling ko pa rin talaga kahit kailan. Tanga ka, Ylona? 

"A-ah, o-oo naman. Bakit?" 

Kumunot ang noo niya. "Anong bakit? Don't tell me hindi ka pa uuwi sa lagay na ito?" tanong niya.

Nataranta naman akong tumayo sa aking kinauupuan. "Ah o-oo ito na, s-sige una na ako." Sabi ko at agad na isinukbit ang bag ko.

Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na pero bigla niya akong tinawag.

"Ylona, sandali,"

Pakiramdam ko ay nag-slowmo ang paligid dahil paglingon ko ay kaunti na lamang ang distansya namin. Napalunok ako at tinignan siya sa mata.

Nanumbalik lahat ng alaala na minsan ko nang pinilit kinalimutan. Gwapo pa rin siya at hindi mapagkakailang mataas ang posisyon niya sa kanyang trabaho. Naka-corporate attire siya at naka eyeglasses na bumagay sa kanya.

Hahawakan ko sana ang mukha niya gaya ng ginagawa ko dati pero mabilis niya itong natabig.

"Ylona, anong ginagawa mo? Ito ang payong mo. Nakalimutan mo." Sabi niya sabay layo. 

Inabot ko ang payong at napayuko dahil sa kahihiyan. Boba, Ylona! Anong ginawa mo?

Tumikhim siya. "Huwag kang umasta na parang wala lang ang lahat, Ylona. Huwag mo na rin gawin iyang ginawa mo dahil hindi magandang tignan. Una na ako." deretsong sabi niya sabay sakay sa kotse niya.

Tinignan ko pa kung paao humarurot ang sasakyan niya bago ako pumihit sa daan pauwi.

I looked helpless. 

Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Pinunasan ko ito pero wala namang sense dahil hindi ako matigil sa pag-iyak. Shit naman, Ylona! Akala ko ba matapang ka na? Anong nangyari?

Its been three years, Ylona! Wake up!

"Hindi, hindi, Ylona! Pagod ka lang, okay? Hindi mo na siya mahal!"Bulong ko sa sarili ko.

Lumunok ako ng malalim pero bigla naman akong humagulgol. Stupid!

"Kung hindi na siya ang dati kong minahal, bakit hanggang ngayon siya pa rin ang tinitibok ng puso ko?" sabay tingala ko sa langit habang bumubuhos nanaman ang malakas na ulan.

-

Catch me, I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon