Catch me, I'm Falling.
Chapter 2Y l o n a
NAPATIGIL ako sa aking kinatatayuan. Shit, si Gideon ba talaga itong nasa harapan ko?!
Nakita ko siyang tumingin sa akin at biglang ngumiti. 'Yung ngiting litaw ang mapuputing ngipin? 'Yung tipong pwede nang maging model ng close up o Colgate dahil sa ngiping perpekto ang pagkakahulma at ngiping nasisigurado kong mas matibay pa sa relasyon ninyo.
Namawis naman ako bigla. Naging mabigat din ang paghinga at ano mang oras ay maaari na akong matumba sa aking kinatatayuan. At mas lalo akong matutumba dahil sa bigla niyang pagkindat sa akin.
Nakipag high five pa siya sa mga kaklase namin at binaling ng lubos ang kanyang paningin sa akin. "What's up, Ylona! Nabangga ba kita?" Tanong niya habang naka taas ang isang kilay.
I gulped. Three times. "H-ha? H-hindi...." Utal na sagot ko.
Siniko naman ako ni Therese. "Gaga ka, ang lakas ng pagkabangga niya sa iyo tapos itatanggi? Gaga ka, girl?" Bulong niya sa akin. I rolled my eyes.
Lumapit din ako sakanya. "Pakihanap ang Pake ko, please?" Sagot ko at lumingon ako kay Gideon na kasalukuyang sinusuklayan ang buhok gamit ang kanyang kamay. Shit, pang modelo talaga ang hulma ng lalaking ito.
Ngumiti ako sakanya. Yung ngiting ayos-lang-ako-babe-okay?
"Ah, sure ka? Akala ko..." Sabi pa niya at napa iling ako.
"O-oo. Hindi ako ang natamaan mo kung hindi si Therese. Kaya nga ang sama ng tingin niya sa iyo, oh?" Sabi ko at binalingan niya ng tingin si Therese. Napasimangot siya.
"Fine. Oo, ako ang natamaan mo. Pero, 'di bale na. Wala akong Pake kaya alis na kayo, okay? Naha-high blood ako sainyo, e." Mataray na sambit niya at mukhang nagulat naman sila Gideon kaya nagpaalam na sila na tatahak na sa aming silid aralan.
Hinintay ko muna silang makapasok ng lubusan bago ko balingan si Therese. "Ang harsh mo! Ang harsh mo sa future ko!" Sabi ko at umirap siya.
"Ano ba iyan, it's 9:30 already. Wala pa sila Cara at Heather?" Pag-iiba niya ng usapan.
Pero speaking of, lumabas na si Ma'am Leslie kaya naman agad kaming yumuko sakanya. Nag nod lang siya sa amin at bumaba na ng building.
Nakita namin si Heather na parang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa hitsura niya. Her hair is in bun which suits to her at kagaya namin ay naka-uniporme. She rolled her eyes nang mamataan niya si Ma'am Leslie na pababa sa building. Hula ko, may problema ito kay Ma'am.
Napa iling ako sakanya matapos niya kaming balingan ng tingin. She scratch her chin which is her mannerism at lumapit sa aming puwesto.
She sighed. "Tangina naman, oh. Ang dami agad essays!" Bungad niya at napa irap si Therese.
"That's easy compare to ours. Tara na, nagugutom na ako, e." Sabi pa ni Therese at tumango naman kami. Habang pababa ng building ay sakto namang nakasalubong namin si Cara na nakasuot ng lab gown, she's on the experiment yata.
Heather turned her gaze to her. "Recess, Cara?" She asked.
Cara politely smiled. Umiling siya at nagsalita. "Can't join you guys. May experiment kami sa science laboratory at kukuha lamang ako ng gamit sa aming room. Next time, bawi ako."
Napatango naman kami. That's life. Magkakaiba kasi kami ng strand. Me and Therese are ABM students while Heather is a Humss student and Cara is a STEM student. Sometimes, kami lamang ni Therese ang magkasama lalo na kapag recess or lunch time dahil sa hindi pare-pareho ang schedule namin. Swerte dahil ngayon ay Monday, pareho ang ABM at HUMSS ng recess time kaya naman kasabay namin si Heather ngayon. May one and a half hour lang kami upang makapag recess kaya madalas ay bitin pa'rin kami sa kwentuhan. Bagay na nakakamiss gawin.