Bakit ba ang baba ng feeling ko sa sarili? Parang ang sama sama kong tao. ALam ko naman taken na,nakiki epal pa ako. Hay,Li..ano ba tong pinasok mo na to. Sa kagustuhan mong makapag move on sa ex mo eh ay heto ka,nasa isang sitwasyon na very awkward..When are you going to learn?
Araw araw heto lagi iniisip ni Lian. Dahil na nga sa sitwasyon nya ngayon. Sobrang hirap pero gustohin nya man umalis ay di niya makaya..Nasa harap na siya ng lap top ngayon. Pa fb fb lang at tila may kung ano ng udyok sa kanya na isearch uli si Denise.
Base sa mga status niya,complicated sila ngayon ni Matt.Masama na kung masama pero tila may kung anong hope na sumilip sa puso niya. What if pwede na pala kami talaga? Will I be happy despite the fact na may nasaktan siya?? Maya maya tumunog ang phone..
Matteo: Li, dalaw ako later ah??
Lian: Ohh??bakit??
Matteo: Masama ka ba mamiss?? Be there in 30...
At dumating nga siya.. What if ako na talaga pinipili niya..Hayy..how I wish..
Tipikal na kwentuhan lang. Gaya ng dati. Pero mababakas mo kay Matt na may problema. Di nalang niya inusisa pa...Gabi narin kaya sa bahay nalang nila Lian siya pinatulog. As usual sa sala siya. Minamasdan lang ni Lian ang binata habang natutulog..
Lian: sana tayo nalang..ako nalang..
Paalis na sana siya pero natabig niya ang phone ng binata..Parang may kung ano ngtulak sa kanya at kinuha niya ito at napunta agad siya sa inbox..2 Messages lang nakasave. Recent lang..From Denise..
Ok nako Bebe. I just drink my med na. Pkisabi kay mama pagaling xa ah..miss you na..
Bebe,I love you..
Tila may kung ano tumusok sa puso ng dalaga. What makes you think na magiging kayo kasi??Hai..why do I have this feeling na parang mistress ako? Haii..ang sakit naman nito..Bakit kasi binasa mo pa eh.. Yan tuloy nasaktan kalang..
Tumuloy nalang ang dalaga sa kwuarto nito. Parang lutang parin siya..At unti unti nalang lumuha siya. Di na niya namalayan hanggang sa nakatulog ito.
Matteo: Liii.. mhinang katok..
Lian: Tumayo na siya para buksan ang pinto..
Matteo: Good morning..☺ Oh anong nangyari sa mata mo?? Bakit maga??
Lian : Ah ehhh..wala. Uwi kana??
Matteo: Kape naman po..Miss ko na sangkap mo..
Lian: Ok..
Tahimik lang si Lian the whole time. Nagkape silang dalawa. Di naman kumikibo si Lian.
Matteo: May prob ba??
Lian: wala naman. May iniisip lang ako..Pero not important. Di kapa uuwi? Baka hanap ka ng MOMMY mo..
Matteo: Ok lng yun. Gusto pa kita kasama. May pasok ka diba? Hatid na kita??
Lian: ohh..di ka papasok?
Matteo: Nag leave ako. May aayusin lang ako.
Bakit iba pakiramdam ko? Haii..feeling ko talaga may mali. Ang hirap naman nito.
At hinatid nga Matteo si Lian sa trabaho. Medyo maaga nga lang dahil iniiwasan nila ang intriga. Kaya ngdesisyon muna siyang magkape uli sa malapit na coffee shop..
Parang may kung anong nag udyok sa dalaga at ng stalk na naman si Denise. To her surprise..
Look who's here this early morning..☺☺ - picture ng motor ni Matteo ang nakapost.
Lian's POV
Bakit ba??Ang sakit naman ng lagay ko. Me knowing everything makes me feel so low..Ang sakit malaman na yung taong gusto mo khit kailan di magiging sayo.. Kaya pala good mood siya,kikitain niya pala si original. Ano ba naman ang laban ko diba? Walang wala.
Yung araw na yun wala siyang nareceive na khit ano kay Matteo. At mas lalo pa yun nagpasakit sa puso ng dalaga.
Days passed ganun parin. Ayaw naman niyang siya mauna dahil baka kasama niya si Denise. Baka they reconcile na..HAyyy..Li..moved on na pleassee..
BINABASA MO ANG
𝒮𝓉𝒶𝓇𝓉𝒾𝓃𝑔 𝒪𝓋𝑒𝓇 𝒜𝑔𝒶𝒾𝓃
Roman d'amourA story of taking chances,moving on and letting go.. Hope you guys like it..☺