Chapter 7

2K 44 2
                                    

CHAPTER 07

NASA canteen na sila ng kaibigan niya nang may tumulak sa kaniya. Napabagsak si April sa sahig. She whimper as she felt the pain in her butt. Ito ang mga babae na sinaktan sila?!

May ginawa ba sila para tratuhin silang ganito?

“What are you doing here? Diba dapat umalis na kayo ?” Nanlisik ang mata nito. What's wrong with them? Wala silang ginawa na masama sa kanila!

“P-pre,okay ka lang ?”

April winced ..

Hindi nila kasama ang royalties. Nagmamadali ang mga Royalties kanina na umalis kaya dalawa nalang sila naiwan ng kaibigan.

Hindi pa ito nakuntento na siya ang tinulak nila. Tinulak rin ng babae ang kaibigan niya!. Everyone pity at them. Nakatingin lang sila at hindi sila tinulungan?!. April pinch Venice hands. Tahimik lang ang kaibigan niya. Gustuhin man nito kalabanin ang mga babae wala silang magagawa, wala silang kapangyarihan! Mortal lang sila.

Tumawa ang mga ito. “Sumagot kayo taga-lupa! Bakit nandito pa kayo ?” Sigaw nang naka-bughaw na buhok.

Paano sila maka-alis dito kung hindi nga sila maka-labas?!

“P-pre .. ayoko na dito” Mahinang bulong ni Venice sa kaniya.

Sa totoo lang natatakot rin siya, natatakot na saktan sila ulit. Walang magtatanggol sa kanila. Wala ang mga royalties sa tabi nila!

“Hindi kayo sasagot?!”

April mouth parted open, she can't breath! Napahawak siya sa dibdib niya kaya nabitawan niya ang kamay ng kaibigan. Pinapatay siya sa sakit lalo na sa dibdib niya!. Hinihila ang lakas niya. Kahit ang tibok nang puso niya ay nanghihina at unti-unti ng sumusuko. Anong ginawa nila?!

Niyugyug siya ni Venice. “P-pre?! O-okay ka lang ba? Tangina, Pre?! Sumagot ka?” Natataranta ito at hindi mapakali.

“P-please, stop it. T-tigilan niyo na, n-nasasaktan n-na ang kaibigan ko!” She heard Venice voice echo. “P-please! p-lease ! S-stop.. Mamamatay ang kaibigan ko. T-tangina, t-tumigil na kayo!”

Hindi iyon pinansin nang apat na babae, tumawa lang ang mga ito. Nawawalan na siya nang lakas parang  hinihila siya sa kadiliman. Para siyang nagdudusa sa mahina na paraan!

April want to stop Venice but she can't move her body. Lumuhod ang kaibigan sa apat na babae para lang tumigil ang mga ito. “P—p-please, t-tama n-na. Maawa kayo sa kaibigan ko. P-please, t-tama na! T-tulungan niyo kami?! P-please!” Nagmamakaawa itong umiiyak.

Venice!

Susuko na sana si April dahil pra siyang dinuduyan sa ilalim nang may malakas na buhawi na tumama sa kanila. Ano ba ang pinasukan nila? Akala ni April katapusan na niya pero nanatili lang siya sa posisyon niya, hindi sila tinangay. Nakita niyang dinala nang hangin ang apat na babae sa taas at malakas na bumagsak.

April catching her breath. Sapalagay niya piniga ang puso niya sa sakit! Napahawak si April sa dibdib niya, namumula siyang hinahabol ang hininga niya. Someone save us? Hindi na niya makita ang apat na babae dahil sa natatakpan iyon nang usok. How could they form that kind of power? Nagkakagulo ang lahat. Sino ang may gawa nito? Bakit siya nito tinulungan?

“P-pre! g-god! Tangina talaga, Pre !” Venice hugged her. Ang higpit nun na parang ayaw na siyang papakawalan.

April stilled at the moment her eyes caught those emotionless green eyes.  Her heart is not normal, it's pounding darn fast and loud. Napahawak siya ulit sa dibdib niya. Hindi na ba ito matatapos? Sino siya? Bakit ang lakas ng tibok ng puso niya nang makita niya ito? Hindi ni April makita ang mukha niya, natatakpan iyon ng tela. Gusto niya magpa-salamat dito pero nawala agad ito. Kasabay ng pag-wala ng lalaki, nawala narin ang mga usok.

Curse Academy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon