PROLOGUE:
"Ah! Gumawa ka ng signs!"
"Signs?! Ano namang kalokohan yan? Nasisiraan ka na ba ng bait?"
"Medyo. Hmm. Pero wala namang masama kung gagawa ka diba?"
"Tsk! Hindi naman kailangan ng ganun eh. Kung para sakin siya. edi para sakin! Hindi ko na kelangan ng signs!"
"Try mo lang naman eh!"
"Oh sige na nga! Hayy. Isinasama mo pa ako sa mga kalokohan mo eh."
Kumuha na ng papel at ballpen ang bestfriend kong si Jasmine.
"Best! Ilan ang gusto mong signs?"
Ilan nga ba? Siguro, enough na ang three signs? Tsk.
"Okay na siguro ang tatlo."
"Ulul. Sa tingin mo, sapat na ang tatlo? Ano bang favorite number mo?"
"Fifteen."
"Uh. ang dami naman kung fifteen. Gawin nalang nating five. Ano, ayos ba sayo?"
Five signs? That was... Pathetic. Unang-una, ayokong humingi ng signs kay Lord para sa lalaking makakasama ko sa habang buhay. Naniniwala ako sa destiny or kung ano pa man ang tawag nila dun. Basta.
Pero eto, I ended up thinking about what will I write on my five signs list. For Pete's sake. Gagawin ko lang to para sa bestfriend kong baliw. Kagaya ng sabi niya, wala namang mawawala kung susubukan ko.
Wala nga ba? Tss. Bahala na.
*isip isip*
After 2 hours, nabuo ko na yung list. Medyo weird ang mga isinulat ko dun. Pero hindi naman lahat. Just for fun lang naman to diba?
Five Signs
1. Initials niya dapat ay L.O.V.E.
2. Mahilig sa PINK.
3. Marunong mag-drums or mag-gitara.
4. May diary.
5. Kumakain ng tuyo at tinapa.
Alam 'kong common na sa mga lalaki ang marunong mag-drums at mag-gitara. Pero hindi common sa kanila ang may diary, mahilig sa pink, at kumakain ng tuyo at tinapa. Diba? Diba?
Let's just see kung may lalaking makakagawa ng five signs ko.