"Mam. Andito na po tayo."-driver
Ah. Nakarating na pala kami sa school. Hayy. Hindi ko man lang namalayan. Pati nawala na din excitement ko. -___-
"Mine!" Napalingon ako. Si Jasmine pala. As usual, kasama niya si Shaina at Fem. Silang tatlo ang bestfriends ko dito sa school.
"Oh hi."-ako
"Himala oh. Bakit parang ang tahimik mo ngayon?"-Jasmine
"Hindi ka excited for this school year?"-Shaina
"Excited naman."-ako
"Hindi halata."-Fem
"Tsk. Eh kasi, aalis si Mami ngayon. One year siyang mawawala."-ako
Tas napaiyak na ulet ako. Kamusta naman yun. Cry me a river ang peg ng first day of classes ko ngayon.
Niyapos nila ako. Syempre, moral support. Hoho. Medyo sanay na akong laging wala sa Mami pero kasi, iba ngayon. Isang taon siyang mawawala. Isang taon siyang hindi uuwi. Isang taon akong walang nanay. Dati naman, every two months umuuwi siya. Nakakadepress lang.
"Girl, wag ng umiyak. Intindihin mo nalang ang mama mo. Alam mo naman na sobrang nagpakahirap siya para lang isalba yung company niyo simula nung namatay ang daddy mo. It's for your own good."-Fem
Oo nga pala. Wala na akong tatay. Namatay siya last year, February 21. Na araw din mismo ng birthday ko. Car accident ang reason.
*FLASHBACK*
"Happy Birthday, Mine." Bati ng isa kong kaklase. Birthday ko ngayon. Obvious naman. ^^
Kaso, wala pa ang daddy ko. Nasan na kaya siya? Sabi niya, pupunta naman daw siya. Waaaaah. Hindi pwedeng hindi siya pumunta ngayon. ;/
Pinuntahan ko na si Mami.
"Mami, nasan daw ba si daddy?"
"Papunta na daw siya. Tinawagan na niya ko kanina."
Napanatag naman ang loob ko nung mga oras na yun. Siguradong dadating ang daddy ko.
*RIIIIIIIING*
Phone pala ni Mami.
"Hello? . . . . . . . . . . . Sino to? . . . . . . . . . ."
Tapos nag-panic na nun si Mami.
". . . . . . . . Saang ospital? . . . . . . . Sige salamat. Papunta na kami." *call ended*
Ospital? Anung meron?
"Mine, ang daddy mo naaksidente."
Nabigla ako. Sino ba namang hindi? Bigla ko nalang hinila ang Mami ko para mapuntahan agad namin si daddy.
Pagdating namin sa ospital, agad naming hinanap ang doktor.
"I'm sorry. Dead on arrival po si Mr. Esquibel."
WOAH GRABE. Gumuho mundo ko nung narinig ko ang mga salitang yun. Ang hirap tanggapin. Namatay ang daddy ko habang papunta siya sa birthday party ko. Kasalanan ko to. TT Dapat hindi ko na siya pinilit. Alam ko naman na busy siya eh. Kasalanan ko ang lahat.
*End of the flashback*
"Tahan na, Mine."-Jasmine
"Sige. Punta muna ako sa restroom. Ay sh*t. Hindi ko pa alam ang section ko."-ako
"Lul. Ano ka ba. Section 1 tayo. Sige, una na kami. Bilisan mo nalang. Medyo malapit na din kasing magtime eh."-Shaina
Tumango nalang ako. Tapos tumuloy na ako sa restroom. Naghilamos lang ako para hindi mahalata na umiyak ako. Ayun.
1
2
3
SMILEEEE MINE!!! ^____^
Ayan. Ayos na ulet ako. Wew. Hilamos lang pala katapat ko. Haha.
Papunta na ako sa classroom nang biglang...
"Miss, saan yung section 1 ng fourth year?"
ANAK NG KABAYO.
Pagtingin ko dun sa nagtanung,
>//////<
Ang gwapo. ;3 Haha.
"Miss, you're blushing. May sakit ka ba?" Tapos hinawakan niya yung noo ko para tignan kung may sakit nga ako.
O.O
"Huh?! Ah. Eh. Section 1? Dun din ako papunta eh. S-sabay nalang t-tayo. K-kung g-gusto m-mo." Tae. Bakit kaya nauutal ako.
"Sige ba."
"Asdfghjklasdfg"
"Ha? Ano? May sinabi ka?"
Sabi ko ang gwapo mo. Bingi.
"Wala naman akong sinasabi eh."
"Meron eh."
"Wala."
"Okay."
Tas ayun. Nakarating na kami sa classroom. Syempre, pinagtitinginan kami. Haha, late kasi. XD
"Oh ayan na pala ang transferee."-teacher
"Good morning po." Sabi ni ...... Ah. Hindi ko pa alam ang pangalan niya. Hindi ko man lang natanong.
Paupo na sana ako kaso..
"Why are you late, Ms. Esquibel?"-teacher
"Ah. Eh. Kasi po..." Teka. Nag-iisip pa ako ng dahilan.
"Actually, nagpahintay po ako sa kanya kaya late po siya. It's my fault."- gwapo. Eksdi.
Gosh. Magkatabi kami. -___- Yung dalawang dulong seats nalang ang vacant eh. Sakto para sa mga late. XD Napatingin ako kila Jasmine. Grabe yung tingin nila, parang bakit-kayo-magkasama-boyfriend-mo-ba-siya look. Ngumiti nalang ako sa kanila tapos nagfocus na ako sa teacher na nagsasalita. Para lang makaiwas. Hehe.
"Anung name mo?"-gwapo. XD
"Mine."
"Huh? Mine? As in, M-I-N-E?" Ang galing sa spelling bravo. Haha.
"Yup."
"Bakit ganun ang name mo?"
"Actually, initials ko yung Mine. Ang whole name ko ay Martina Isabelle Nacino Esquibel."
"Ah. Hahahaha."
"Bakit? Anung nakakatawa?" Gawin kong pompyang yang ulo mo eh. -___-
"Eh kasi. Ang initials ko naman ay
L.O.V.E."
YUNG FIRST SIGN!!! SHEMELU. HOLY FUDGE. Is this for real??!!!
Omg lang. O___O Akalain niyong.... GRABE.
![](https://img.wattpad.com/cover/2433510-288-k698246.jpg)