Chapter 2 [Him]

2 0 0
                                        

Medyo mabilis ang panahon, August na agad. Marami naman akong nakilalang mga kaibigan, kahit sa higher years. Ngayon alam ko na pangalan ni lalaki sa Dairy Queen, sya si Kyle F. Ramos. Ang daming kumukuha ng number nya, masyado na syang mainstream sa CNHS kaya may mga lalaki rin na naiinggit sa kanya o ayaw sa kanya. Sa unang tingin kasi, muka syang mayabang, pero ewan ko talaga kung mayabang sya. Di ko naman pwedeng tanungin, "Mayabang ka ba?" Di naman kami close.

August 3

Inutusan ako ni Ms. Alcantara na papuntahin si Kyle sa Library. Kaya ayun, hinanap ko sya hanggang sa nakita ko sya papalabas ng canteen may hawak na baso ng iced tea.

Anong una kong sasabihin? Bahala na.

Ako: "Uy, pinapasabi ni Ms. Alcantara na pumunta ka sa Library."

Kyle: "Ba't ako pinapapunta dun?"

Ako: "Di ko alam eh. Basta pinapapunta ka dun."

Kyle: "Ahh. Baka may mga chicks dun. Haha! *smiles* Di mo ba talaga alam kung ba't ako pinapapunta ako dun?"

Ako: "Baka kelangan ka dun."

Kyle: "Sige na nga. Punta na ako. Salamat!" *smiles*

Ako: "Sige."

Kyle: "Samahan mo na ako."

Ako: "Haaa? Bakit?"

Kyle: "Baka pagkaguluhan ako dun. Sige na, libre kita ng Dairy Queen. Di mo ba naaalala?" *smiles*

DAFUDGE? o.O Ba't sya ganyan?! Ba't ganyan ang charm nya?! Ba't nakakatunaw ngiti nya?! Ba't ang gwapo nyaaaaa?!

Ako: "Ahh! Oo! Ikaw yung nasa Dairy Queen. Nakita kita kasi may hawak kang polo ng CNHS."

Kyle: "Yuuuup. Sige na samahan mo na ako. Kelangan ko ng bodyguard."

Ako: "Bodyguard?!?! Ba't naman?!"

Kyle: "Pagkakaguluhan ako dun eh. Sobrang gwapo ko kasi. Haha!"

Aba! Tama nga, mayabang din 'tong si boy! Pero wait, ano 'to? Bodyguard? Ako? Babae ako. Tsaka close tayo dre?!

Ako: "Sige. Saglit lang 'to ha?"

Kyle: "Yuup. Saglit lang talaga. Tara na!" *smiles*

EMEGHEEEEEEEEDD! :"> Ganun pala sya! Nakakatunaw! Ang gwapo nya talaga! Nakaka-inlove sya ngumiti! Sabay pa kami naglalakad! Kulang na lang mag-holding hands eh! Choot! 

Hanggang nasa Library na kami.

Kyle: "Haay salamat. Buti wala sumalubong na may sumisigaw. Sige, safe na 'ko. Salamat bodyguard!" *smiles*

Ako: "Adik. Sige."

Nang nasa room na ako. Nakatulala lang ako. Then isang malaking hampas sa likod ang natanggap ko.

Lyka: "Hoy Yza! Kanina ka pa nakatulala! Muka kang eng-eng dyan eh!"

Ako: "Kelangang manghampas? Nagi-internalize lang ako."

Lyka: "Sus! Internalize mo muka mo! Samahan mo nga ako kumain, libre kitang eng-eng ka! Bilis!"

Ako: "Oo na eto na! Excited masyado."

Ibang-iba ang nararamdaman ko ngayon. Yung mga dati kong crush parang nasa isip ko, "Okay. Crush ko sya. BOW." Pero yung kay Kyle, Intensity 5 ang level ng ka-adikan ko sa kanya! Ang lakas ng charm nya! Kaya pala andaming may gusto sa kanya. 

And that is the day I started to have a crush on him. Ibang level 'to dre!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inloved With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon