Chapter 1 [First Day High]

11 0 0
                                    

First Day High.

Bagong school. Bagong classmates. Bagong teachers. Bagong kaaway. Bagong kaibigan. Bagong ... love life?! Maraming bago pagtung-tong sa High School. 

Ako si Yzabelle Rodriguez. Newbie Scholar ako ngayon sa Clement National High School. Mahiyain ako, katamtaman lang tangkad at bigat ko, maayos lang naman pamumuhay ko. Siguro, mahirap ako makapag-adjust dito sa CNHS dahil nga mahiyain ako, mabuti na lang may kaibigan ako sa dati kong school na nakapasa dito. 

Di rin ako masyadong 'girl-ish' di katulad ng ibang babae. Ni hindi nga ako marunong mag-heels eh, di ko din masyadong type na magsuot ng mai-ikling shorts or dress expect kung nasa bahay lang naman ako. Mahilig ako sa mga comedy, mahilig ako magbasa ng mga libro, at mahilig din ako mag-travel sa iba't ibang lugar. 

Yun ako. 

Kung love life ang pag-uusapan, wala ako dyan. Oo, nagkaka-crush rin ako, pero hinahangaan ko lang talaga sila, hindi ako seryoso sa mga ganyan, until I met him.

FLASHBACK.

May 23

Maaga na ako bumili ng mga school supplies para di na ako makipagsiksikan sa National Book Store sa mga araw kung saan malapit na magpasukan. So yun, bumili ako ng mga notebooks, Faber Castell na ballpens (paborito ko kasing ballpen yun), pad papers at kung ano-ano pang ka-ek-ekan. 

Napagtripan kong bumili ng blizzard sa Dairy Queen kaya yun, tumambay muna ako dun. Nang makuha ko na yung blizzard ko at umupo, may parang napansin akong isang lalaki na nakaupo sa kabilang table na may dala-dalang polo ng CNHS na naka-plastic. 

Baka dun din sya mag-aaral? Baka first year din sya? 

Tinitignan ko sya until he notice na nakatingin sya sakin, I looked around sabay subo sa blizzard. Mabilis ko maubos yung blizzard, 6 oz lang naman eh, tag-hirap ako nun kaya 6 oz lang. I looked at my watch. Shooot! 4:00 PM na pala! Sabi ko kay mama hanggang 3:00 PM lang ako! Kaya ayun, nagmamadali ako umuwi. Gusto ko sanang kilalanin si DQ guy pero nagmamadali ako sa paglakad.

END OF FLASHBACK.

Tinitignan ko kung anong section ko, I-Artemis, I-Artemis din si Lyka, yung kaibigan ko simula nung Grade 4 pa kami. Papunta na sana kami sa room ng may biglang...

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH~!"

Ako: "Ano ba yun? May nabaril ba?"

Lyka: "Lika. Tignan natin."

May sumigaw ulet. 

"SHEEEEEEEEETT! ANG GWAAAAPOOOOOOOOOOO!"

Ako: "Sya yung sa Dairy Queen!"

Lyka: "Anong Dairy Queen?"

Ako: "Nakita ko sya dati sa Dairy Queen. Sabi na nga ba dito sya mag-aaral eh. Tara na, yan lang pala, akala ko may nabaril."

So yun, dumeretso na kami sa room. Nang marami-rami na ang nandun, dumating na adviser namin.

"Good Morning I-Artemis! My name is Ms. Ma. Lourdes Alcantara and I'll be your adviser. Now, introduce yourself."

Nakoo, sa first day of school talaga, di mawawala ang Introduce Yourself. Mga personal info lang naman sasabihin. Name, Age, Address, etc. Yung iba, may hobbies pa eh, zodiac sign, may motto pa! Gumawa na ng slambook!

At eto ako. 

"My name is Yzabelle I. Rodriguez, I'm 13 years old, I lived at Pasig City."

Yun lang. Hanggang sa natapos na, ayun, dahil bago pa lang kami sa CNHS, nagbasa-basa kami sa handbook, mga minor at major offenses, naglaro din kami. Mabait naman adviser namin. Mukang masaya buhay ko dito. :D

Election na ng mga officers. Auditor? Not bad. :)

BREAK NA!

Ba't andaming babae dun sa I-Aphrodite? Baka dun may nabaril. Pero syempre, joke lang yun kasi yung lalaki sa Dairy Queen ang sinisilayan nila. Ano bang meron? Ba't sya pinagkakaguluhan? Infairness, may istura sya. Pero, wala naman. Yun lang. BOW.

Puro introduction lang naman ngayon kaya mabilis tumakbo ng oras. Hanggan sa uwain na! Yeey!

Wala namang kanais-nais na pangyayari sa buhay ko. Normal lang naman. At masaya. :D

Inloved With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon