- H I L I N G -Nakatambay ako dito sa may rooftop ng aming studio. Gabi na rin at panigurado na tulog na ang mga kasama ko.
Madalas rin akong pumupunta dito dahil maganda ang view pagsapit ng gabi. Maganda kasi rito para makapag star sighting.
At isa pa, nakakagaan ng pakiramdam ang simoy ng hangin dito.
Tumingala ako sa kalangitan at ipinikit ko ang aking mga mata.
"Sana, sana mapansin na niya ako." Bulong ko sa kawalan.
At isa pang dahilan para pumupunta ako dito ay para makapag hiling sa mga bitwin. Lagi ko tong ginagawa tuwing napapadpad ako dito.
"Stell?"
Napamulat ako dahil sa tumawag ng aking pangalan. Si Natayah. Isa siya sa mga kasama namin dito sa studio. Trainee rin siya. Magkakahiwalay naman ang mga silid kung saan ang mga babae at lalake dito.
"N-Natayah." Utal na sabi ko. Ngumiti ito kaya mas lalo lang akong kinabahan. Baka mamatay ako rito sa kaba.
"Pansin ko lang, lagi ka sa rooftop. Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at ipinatong ang kamay sa semento saka tumingala sa langit at binalik din sa akin.
"Ah- eh, pinagmamasdan ko lang yung mga bitwin." Sagot ko. Tumingin naman ito sa mga bitwin sandali at tumungin ulit sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi.
"Alam mo ba na lagi kong naririnig na humihiling ka sa mga ito?" Sabi pa niya. Teka... Ibig niya bang sabihin na lagi niya akong nakikita rito at nakikinig pa!? What the..?
"H-ha? N-naririnig mo yung mga hinihiling ko?" Gulat na tanong ko. Ngumiti ito saka sumagot.
"Sino yung gusto mong pumansin sayo?"
"W-wala, sige m-mauna na ako may gagawin pa pala ako." Sabi ko saka tumakbo palabas ng rooftop.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagod. Nandito na ako ngayon sa kwarto kung saan kami tumutuloy.
"SHIT! PINANSIN NIYA AKO!" Nagpaikot ikot lang ako at paulit-ulit na sinasambit ang mga salitang 'yan.
"Hoy! Anong problema mo po at ang ingay mo?" Reklamo ni Justin na kinukusot pa ang mata. Nagising ata.
"Huwag ka ngang panira sa kasiyahan ko!" Bulyaw ko. Kumunot naman ang noo niya kaya humiga na rin ako at nakangiting nakatingin sa kisame.
"Hay naku! Si Natayah na naman 'yan! Huwag ka ng umasa." Sabi pa niya kaya binato ko siya ng unan. Nagsalita naman ang loko! Umaasa nga siya na magiging sila nung babaeng lagi niyang kinukwento sa amin.
"Nagsalita ang hindi umaasa." Sagot ko naman pero inilingan niya lang ako at humiga na ulit. Kontrabida talaga ang isang 'to.
Yeiii napaka saya talaga ng gabing to. Ito ang hinding hindi ko makakalimutan na pagyayari sa buhay ko. Ang mapansin ng nag-iisang Natayah Lee.
KINABUKASAN, nagtipon-tipon kaming lahat sa iisang kwarto dahil may pa announcement si tatang Robin. Ipapakilala 'daw yung mga bagong trainee.
"Okay so, here we are family. Para maging mas makilala pa ninyo ang isat-isa may ipapagawa ako sa inyo." Sabi nito. "You need to tell something about yourself. Your happy moments sad moments. Your experience in life." Patuloy niya. Tumayo naman si Natayah kaya natuon sa kanya ang atensyon ko.
"Hi, I'm Natayah Lee." Paninimula niya. Ang ganda niya talaga. "Ang hindi ko makakalimutan na pangyayari na nangyari sa akin ay nung sinagot ko ang lalakeng mahal ko ." Patuloy niya. Nagsimula namang nagbulungan yung mga kasamahan namin.
"Si Herald ba yun?" Bulong nung isang babae.
"Oo fren, si Herald nga." Sagot naman nung kasama niya.
"Sana all." Sigaw naman nung isa.
"Nung time na yun parang nasaakin na ang lahat. Pero one day he broke up with me." Malungkot na patuloy niya pa. "That time parang nabuhusan ako ng malamig na tubig, I really really love that guy. Pero kahit hindi niya ipinaglaban ang pag-iibigan namin ay hiniling ko noon na sana, sana balang araw, siya pa rin." Sabi pa niya na nagpakirot sa puso kong sawi.
All this time hindi pa rin niya nakalimutan yung ex niya. All this time umaasa pa rin siyang sila hanggang dulo. Ang sakit naman.
"Stell, MASAKIT BA?" Biglang sigaw ni Josh kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pahamak!
"Uyy may nasaktan!" Si Justin naman na sinundan pa ni Sejun at Ken.
"Sige! Ipagsigawan niyo pa!" Sarkastikong sabi ko sa mga katabi ko. Kinginang mga to.
Hayyy! Kailan kaya niya makakalimutan ang ex niya? Bakit hindi niya makita na nandito naman ako na nagmamahal sa kanya?
Maghapon akong lutang dahil sa mga narinig ko galing sa bibig niya.
'Sana siya parin.'
Nakakainis ah, matapos akong pakiligin kagabi tapos ngayon para akong sira na nawalan ng pag-asa.
Naglakad ako papuntang rooftop. Madilim na rin. Matamlay lang akong naglakad hanggang sa makarating ako.
Tumingin ako sa kalangitan, wala masyadong bitwin. Siguro nakikiramay sa pagkawasak ng puso ko. Pero dahil sa wala akong magawa pumikit ako at muling humiling.
'Sana matupad yung hiling niya na sila pa rin hanggang dulo.' Sa isip ko.
"Stell!"
"Ay! MUKHA KANG PAA NA NAGMUKHANG PALAKA!" Sigaw ko dahil sa gulat.
"Grabe ka naman Stell, mukha na ngang paa nagmukha pang palaka." Natatawang sabi nito.
"P-pasensya na, nakakagulat ka naman kasi e." Napapakamot sa batok na sabi ko. Bigla tuloy akong nahiya.
"Hinihiling mo na naman ba na mapansin ka niya?" Tanong nito.
"Hindi." Sagot ko.
"Anong hiniling mo?"
"Hiniling ko na sana, sana matupad yung hiling niyang sila pa rin hanggang dulo." Sagot ko na nakatingin sa kanyang mga mata. "Sana matupad yung hiling mong kayo pa rin ni Herald, Natayah." Patuloy ko pa saka tumalikod at naglakad na palayo sa kanya.
"Stell, hindi mo ba narinig yung huling sinabi ko kanina?" Tanong niya kaya napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya.
"H-hindi." Sagot ko. Ngumiti ito saka dahan-dahan na lumapit sa kinaroroonan ko.
"Diba ang sabi ko na kahit hindi niya ipinaglaban ang pag-iibigan namin ay hiniling ko NOON na sana, sana siya pa rin?" Tsk! Inulit lang naman niya e. Ano to lokohan?
"E, inulit mo lang naman."
"Tsk! Hindi mo ba narinig? NOON, dahil simula nung makita kita dito sa rooftop na 'to nagbago na ang lahat. Simula noon, natuto akong magmahal muli." Sabi nito na nakatingin sa mga mata ko at hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi.
"I love you Stell Ajero..."
Napatulala na lang ako sa kanya at hindi namalayan na niyakap siya ng mahigpit.
Love will come in an unexpected circumstances. Sabi nga nila, ang pag-ibig ay darating sa TAMANG PANAHON.
Matagal kong hiniling ang bagay na ito, ang araw kung kailan maririnig ko mula sa kanya ang katagang 'Mahal kita'.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hiling | SB19 Stell✔
FanfictionSB19 Series #5 "Hindi kita mahal." "Ginamit lang kita, Stell..." Napabangon ako dahil sa panaginip na iyon. It's been a year since then. Pero hanggang ngayon masakit parin. Akala ko mahal niya talaga ako. Pero gaya nga nung sabi niya. She just used...