"Hello?"
Napabuntong hininga ako bago magsalita. "Pwede ba tayong mag-usap?" Deretyong sabi ko.
"Bakit? May problema ka ba?" May pag-aalalang tanong niya.
"Wala naman. M-may importante lang akong sasabihin." Sagot ko.
Agad naman siyang pumayag kaya I ended up the call. Mamayang gabi namin napag-usapan na mag-usap sa coffee shop.
Agad na akong tumayo at naisipan na pumunta sa karinderya ni mama para tumulong sa pagluluto.
--
Buong araw lang akong nasa karinderya. Marami-rami din kasi ang customer nila kanina kaya hindi na ako nakaalis kanina.
Ngayon ay on the way na ako sa coffee shop ni Shaila dahil nagtext kanina si Stell na on the way na rin siya.
Kinakabahan na ako ngayon sa magiging results ng pag-uusapan namin.
Nang makarating ako ay wala masyadong customer kaya nakahinga ako ng maluwag.
Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko siya na nakaupo sa may pinakadulong parte ng coffee shop. Agad na akong lumapit sa kanya at umupo sa harap niya.
"Shang... may problema ka ba?" Agad na tanong niya kaya napailing ako. "Kung ganon ano ang pag-uusapan natin? May boyfriend ka na ba?" Tanong niya kaya inirapan ko siya at tumawa naman ito.
Napahinga naman ako ng malalim bago magsalita. "Bago ang lahat. I just want to tell you that I value our friendship. And you know naman na ayaw na ayaw kong nasasaktan ka." Panimula ko. Kumunot naman ang noo niya.
"Ano bang sinasabi mo? Kinakabahan naman ako." Sagot niya.
"Stell, I know you love Natayah. Matagal kong pinag-isipan kung sasabihin ko ba 'to sayo. Kaya naisip ko na kailangan mo rin malaman ang totoo." Patuloy ko at lalo lang siyang naguluhan.
"Deretyohin mo na lang kasi Ayesha. Ano ba yung gusto mong sabihin?" Tanong niya. Bakas din sa reaksyon niya na kinakabahan siya.
"Niloloko ka lang ni Natayah." Sagot ko. Napaayos siya ng upo at tinignan ako ng seryoso.
"Shang... this is not the right time para mag joke."
"Hindi ako nagbibiro, Stell." Putol ko. Napahawak naman siya sa noo niya saka tumingin ulit sa akin.
"No. Hindi niya iyon gagawin. She promised me, Ayesha. Kung gusto mo siyang siraan dahil ayaw mo sa kanya, please lang naman." May inis na sa boses niya.
"Hindi ko siya sinisiraan okay? Oo, ayaw ko sa kanya. Pero may dahilan. At iyon ay ang panloloko niya sayo!" May diin nang sabi ko. "Kung hindi ka naniniwala, okay, paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Bahala ka." Patuloy ko saka tumayo at lumabas na ng coffee shop.
Yung malaman kong hindi niya masusuklian ang feelings ko ay okay pa eh. Pero ang hindi niya ako paniwalaan? Mas masakit yun.
Matagal na kaming magkaibigan. Kumpara sa babaeng iyon. Pero siya pa yung papaniwalaan niya? Hindi pa ba sapat yung isang beses na panloloko niya?
Nakakaasar lang.
---
Kinabukasan, wala namang importanteng nangyari sa buhay ko. Maghapon lang sa trabaho.
Ganon din nitong sumunod na araw. Trabaho. Bahay. Ganon lang. Sobrang boring.
Minsan nasa karinderya. Minsan bumibisita ako kayla Shaila sa coffee shop. Meron kasi silang pinaplano about kay Sejun at kay Yazlaine. Well, hindi naman nila kikidnapin kung yan ang iniisip mo. Psh!
Gaya ngayon. Nandito kami ngayon sa may office ni Shaila at para kaming nasa conference room at may mahalagang meeting.
"Parang hindi lang kay Sejun ang problema natin ngayon ah! Hoy Stell at Ayesha! Bakit hindi kayo nagpapansinan?" Sigaw ni Josh kaya napatingin ako sa kanya.
Hindi ako sumagot at inirapan ko lang siya.
"Abah! Mga snoberist na pala kayo ngayo?!" Sigaw pa niya kaya napairap ulit ako.
"May LQ ata, papa Josh!" Asar naman ni Justin. Anak ng... papa Josh? Hahahaha. Siraulo.
"Papa? Takte ka Jah! Hahahaha." Tawa ni Aly kaya natawa narin silang lahat maliban kay Stell. Tulala lang siya sa isang baso ng kape sa harap niya.
Nang matapos naming mag-usap-usap ay nagsipabasan na silang lahat. Tatayo na rin sana ako pero agad akong pinigilan ni Stell.
"I'm sorry."
---
To be continued...Sorry sabaw! Wala akong maisip na kasunod kaya yan nalang muna.
STREAM HANGGANG SA HULI!
✍:Aly🍒
![](https://img.wattpad.com/cover/209426158-288-k394725.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiling | SB19 Stell✔
Fiksi PenggemarSB19 Series #5 "Hindi kita mahal." "Ginamit lang kita, Stell..." Napabangon ako dahil sa panaginip na iyon. It's been a year since then. Pero hanggang ngayon masakit parin. Akala ko mahal niya talaga ako. Pero gaya nga nung sabi niya. She just used...